(>>>>>Jiyun's Picture
KRISHEL's P.O.V
"Kamusta naman ang anak ko?" Tanong ni mama sa akin habang nagtitingin tingin kami ng mga damit sa isang boutique
"Ayos lang naman po" Sagot ko
"Kayo ni Jiyun? Kumusta na?" napatigil naman ako sa tanong ni Mama
"Ano pong kami ni Jiyun?" -ako
"Ayaw mo ba talaga sa kanya?" lalo akong nagulat sa tanong niya
"A..ayaw po.. Rivals po kami Ma." sabi ko at nagkalikot nalang ulit ng mga damit
"Parang hindi iyan ang nakikita ko?" paghihinala ni Mama
"Ma naman. Bawal po kami."
"Pano kayo magiging bawal? Hindi habang buhay mag karibal kayo" sabi ni Mama
Tahimik lang ako habang nagsasalita si Mama
"Gusto namin ng Tita Jane mo na kayo ni Jiyun ng magkatuluyan. Pero bakit parang pinipigilan mo ang sarili mo Krishel.." dagdag pa ni Mama
Bakit ko nga ba pinipigilan ang sarili ko??? Natakot kasi akong...
"Pag-isipan mo mabuti iyan anak. Gusto ko maging masaya ka. Alam kong masasaktan ka paminsan minsan pero iyon din ang magpapatatag sa iyo..Wag kang matakot. makakaya mo yan lahat. para naman kahit papaano magka lovelife ka"
Hindi ko na napigilan at niyakap ko na si Mama.
"Mama. bakit ganon. parang may pumipigil sa akin.. gusto ko siya pero may pumipigil sa akin. dahil ba iyon sa mangyayari sa kasalukuyan. ayaw kong iwan siya Mama.." sabi ko habang nakayakap pa din kay Mama
"Takot ka lang masaktan anak. at saka malayo pa naman yung panahon na iyon. sangayon sundin mo muna yang puso mo.. Andito lang ako palagi Anak."
"Thank you po Ma. Love You po." sabi ko at kumalas na sa yakap namin
Nagkatinginan kami ni Mama at nagtawanan..
"Haha. Ang drama ni Mama." sabi ko
"Haha. Minsan na lang tayo magsama ng ganito ah. Malaki na nga anak ko ah. nakakalimutan na ang Mama niya." Pagdadrama naman niya
"Yah! Ano ba Ma. Hindi ko kayo makakalimutan, Ever! Ang drama niyo talaga. Kain nalang tayo. Treat ko." nakangiting sabi ko
"Aba! First time ata ito Haha."
"Ma naman eh! may ipon naman po kasi ako." sabi ko
"Haha. sige na. tara na kumain. mamaya nalang tayo mag sho.shopping." sabi naman ni Mama
"Sige po."
Kumain na kami ni Mama at pagkatapos ay nagshopping na ulit at may mga nabili naman na kami.
Nang kami mapagod ay umuwi na din kami. Pagod na daw sobra si Mama kaya pumayag na rin ako.
Pabagsak akong humiga sa kama ko pagdating na pagdating ko sa room ko.
Habang nakatingin sa kisame ay naisip ko na naman ang napag usapan namin ni Mama
Bakit nga ba ako natatakot?
Wala naman akong dapar ikatakot?
Bakit pinipigilan ko 'tong nararamdaman ko. Wala namang mali ahh. Maliban nalang sa puntong iwan ko siya.Mahal naman ako ni Jiyun. Sabi niya. Totoo kaya iyon??
Argh! Naaalala ko si Jiyun. Bakit lagi na niya lang akong giniguilty. Bakit kasi ganoon nalang ang inasta ko kanina sa kanya...
Bwiset!
Kakausapin ko nga iyon bukas.
Teka... Paano??
Aabangan ko sa tapat ng gate nila?
Itetext ko?? Ayyy. Tawag nalang kaya.Kakatamad mag type. Ee ano namang sasabihin ko?? Tekaaaaa.. Wala nga pala ako number niya. >__Naramdaman ko naman na may nagvibrate . At hindi ako shonga para di malaman na Phone ko yun. Kaya kinuha ko..
May nagtext!!! xDFrom: (Unknown Number)
[Samahan mo ako bukas.]Sino kaya ito? ....
... Ay! Baka si Lucy siguro. Di ko pa nga pala na sesave ang number niya..
sesave ko na..To: Bunny Lucy
[Haha. Sige. What time ba?]From: Bunny Lucy
[8 am. Daanan kita sa inyo. Ge tulog na]Ano ba to si Lucy. Bossy lang?? Haha. Kaya labs na labs ko to.
To: Bunny Lucy
[oo na. Sige na GoodNight :-)]From: Bunny Lucy
[Good Night na din. ILoveYouayiee. Nag lambing naman daw ang Kambal ko. Ahaha.. To talaga si Bunny Lucy...
To: Bunny Lucy
[Haha.. Ikaw ah. love you too ......Mag e-8 na. At naka ready to go na din ako. Kaso ang tagal lang ni Lucy..
*VIBRATE!*
(text message)From: Bunny Lucy
[Daanan na kita sa inyo.]To: Bunny Lucy
[hah? Wag naman. Baka maipit ako. Hahaha.. Okay. Intayin kita]*DingDong!*
Ayyyyyy!!! Ang bilis lang niyang bruhang yan! Kakatext lang ahh.
.....
*To Be Continued...*
BINABASA MO ANG
RIVALS or LOVERS
Teen FictionMasungit at maarte si Krishel na lagi nalang pinagkukumpara at tinatapat kay Jiyun na mabait pero may pagkapilyo minsan. Lahat na ata ng bagay ay pinag aawayan nila. Maging magkaribal na lang kaya sila habang-buhay? O may mabuong 'LOVE' sa pagitan n...