ZOROTU 30

99 8 1
                                    

CHAPTER 30:
The Encounter

3RD PERSON'S POV

"Shouldn't we be cleaning up the places near us? At least per baranggay?" Minerva stubbornly asked. Kanina pa kinukulit ng babae si Serene na kalmado lang na minomonitor ang kalagayan nila pati na rin ang paligid.

Serendipity sighed. "Like I said, no. Your priority should be to recover and rest. You're exhausted. Hindi niyo lang yun maramdaman dahil buhay pa ang adrenaline sa inyo pero mamaya ay siguradong kusang bibigay na ang katawan niyo."

The older woman massaged her temples. 'Damn, these children are stubborn just like their parents.' Isip isip niya pa. Pakiramdam niya, habang pinapanood lang niya ang mga ito sa nakalipas na tatlong araw ay mamumuti na ang buhok niya sa sobrang dami ng kababalaghan at kalokohan ang nasaksihan niya.

"You need a chill pill, Min. Tignan mo si Steel at Karius." Cassidy exclaimed. Unlike Minerva, she's busy baking goodies for their snack and to pass the time.

The girl rolled her eyes in irritability. "Of course they're asleep. Ganyan na talaga sila. Pinaglihi at adik sa tulog." Sabat ng isa pang boses.

Nasulyapan nila si Amara na binubuksan ang ref at nagsalin ng malamig na tubig sa kanyang baso.

"Oh, since you're here, paki-timpla na rin ang juice please. Thank you po, in advance." Cassidy trailed. Di hamak na mas matanda si Amara ngunit hindi naman ganun kalaki ang gap nila, isang taon lang.

Amara just obediently did what Cassidy asked her. Why not? Wala rin namang rason para hindi niya sundin ang babae. Isa pa, magalang na nakiusap ang babae.

"Nasan na nga pala sina Bullet?" She asked to keep their conversation going.

May sunod namang pumasok sa kusina. "Miss mo na agad?" Nanggaling ang boses kay Hyacinth na nakangising inaangat baba ang kilay niya. Hindi lang yun pinansin ni Amara at nagpatuloy sa pagtimpla.

"No. Sagutin mo nalang yung tanong ko." Mataray niyang tugon. "Stop. Mag-aaway na naman kayo." Mahinahong sabat ni Eunzie na kasama si Flaire at ang iba pa maliban sa mga umalis.

"Lumabas sila kuya Bullet kasama si kuya Kairos, Kuya Em, Kuya Azazel at Kuya Crimson saka si Kuya Apoy para maghanap daw ng pagkain." Sagot ni Flaire. Tinabihan niya ng upo si Minerva at halos sabay silang nangalumbaba sa mesa at pinanood ang ginagawang paghihiwa ni Cassidy.

Tinabig ni Hezekiah ang kamay ng dalawa na halos ikasubsob nila.

"Aray ko ha." Walang buhay na saad ni Minerva. She doesn't look angry. Talagang bored lang siya. As we can observe, Minerva is slowly changing. She's uncurling herself in the ball she created to isolate herself. She's more carefree now, madalas pa ay may expression na siya di gaya noon na madalas ay poker face lang siya o di kaya'y cold at distant. The girl is learning how to communicate, she's having friends and developing her social insecurity.

Napailing si Hyacinth sa ginawa ng kakambal. "Bawal mangalumbaba sa harap ng pagkain. Masama yan. Bastos sa blessings." Hezekiah said.

"Ang bango." Steel exclaimed. Kakapasok ng lalaki kasama si Karius. Parehong namumula ang mata na kagagaling lang sa tulog.

Karius went to his cousin, kay Eunzie at tinabihan ito. Sa kabilang bahagi naman ni Eunzie naka-pwesto si Flaire na katabi rin si Minerva. "Buti nagising ka na. Akala ko natuluyan ka." Flaire nonchalantly said to Karius. Hindi naman na-offend ang lalaki dahil sanay na siya sa ugali ni Flaire at lalo na kay Fire. They've been together for too long.

"Naka-amoy kasi ng pagkain kaya bumangon na siya sa pagkakahimlay." mapang-asar na sagot ni Eunzie.

Imbes na patulan ang mga iniwika ng mga babae ay umayos silang lahat at umupo. Nilapag na ni Cassidy ang pan ng pizza habang sinunod niya ang plato na puno ng assorted cookies tapos isang malaking cheesecake para sa lahat. Mukha silang nasa isang handaan na para sa maraming bisita. Kung sabagay, sa dami ba naman nila.

Zombie Outbreak: Rise of the UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon