ZOROTU 23

99 11 7
                                    

CHAPTER 23:
The Resolve of a true Leader


Jasmine's Point of View

Just like what they said, we rode on different vehicles. Nasaan ako?Syempre kasama ko si Kuya Pangit. Nasa isang awesome kaming sasakyan. Sabi ng loka lokang author ay Jeep Wrangler daw ito eh.

Pareho pa rin ng pwesto ang mga upuan namin. Si Kuya Jasper ang nagda-drive tapos ako sa Shot gun seat. Kasama rin namin si Lorraine. Yung babaeng tahimik lang at nakikinig. Minsan nakikisali sa usapan pero mukhang naa-out of place rin siya.

Ewan ko nga bakit sumama pa siya sa amin eh. Ang pangit nga ng ugali namin ni Kuya pero mas pinili niyang makisakay sa amin. Sa pagkakaalam ko pa naman ay may space pa sa ibang van at sa bus.

"Hoy wag kang mag-daydream! Bruha!" Sigaw ni kuya at hinampas yung legs ko.

Bwisit. Naka-shorts pa naman ako. Bumakat tuloy yung kamay niya.

"Masakit yun ah!" Angal ko pa at hinaplos yung nasaktang legs ko.

"Umayos ka kasi! Kung hindi ko niliko yung sasakyan edi nakalmot ka nung zombie! Wag kang tatanga tanga." Sinabon niya na ako ng todo todo.

Hmp. Sorry naman. Nag-iisip ako eh! Che!

"Whatever." - ako.

Kinuha ko nalang yung double blade Scythe ko saka tinatapyas yung mga ulo ng zombies na dumadaan. Medyo nagtatalsikan na nga yung dugo sa akin eh. Tapos may umaagos na rin sa kamay ko.

Madulas na tuloy yung scythe. Ang lapot ng dugo nila. (-_-)

"Paabot nga ng tubig at pamunas diyan." Utos ko kay Rain. Ewan ko sino mas matanda sa amin dalawa. Bahala siya. Hindi pa naman ako pinalaking magalang.

Pinalaki akong ganito eh. Hindi ako mabait at magalang. Bakit ba?

Buti masunurin siya. Tahimik lang na inabot sakin yung mga kailangan ko. Nagdagdag pa ng alcohol pang-sanitize daw. Well, if she's patient with our crazy antics then I guess having her here is fine.

Halos ilang oras na ang nakalipas sa pagbabiyahe namin. We took some long roads because passing the city that is crawling with zombies is not a good idea.

"I'm hungry! Gusto ko ng real food!" Reklamo ni Sophia. Hindi kami close, by the way.

"Bumibigay na mga talukap ko sa mata. I need some caffeine." Blaze said. Nanghihina na siya base sa boses niya. It also seems like he's much friendlier now.

"Naiihi ako." Gatong ni Iris. Seriously? This conversation again?

"Ano bang meron sa pantog mo? Ang bilis mapuno!" Pang-aasar ni Shane. Kasama nila yung lalaki so nahalata siguro na laging naiihi si Iris.

"When we survive this Zombie Outbreak, I'm going to create a line of First Class Vehicles with built in comfort room for you." Reese sighed.

Nagtikhiman ang lahat. "Sana all." Komento pa nila.

"Don't worry. Ako naman, gagawan kita ng something na gusto mo." Bulong ni Seth kay Isabel.

Nagtataka ba kayo bakit nag-uusap kami lahat eh nasa sasakyan pa kami? We're doing a conference call using the walkie talkies. Medyo mahirap lang sumabat kasi sabay sabay silang nagsasalita.

"Okay tama na yan. Let's just take a stop over. Nasaan na ba tayo?" Tanong ni Hunter.

"Somewhere in Legaspi City." Mahiyaing sagot ni Lorraine for the first time. Nakatitig siya sa laptop niya. Mukhang naka-open ng gps at sumusunod sa Gmaps.

Zombie Outbreak: Rise of the UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon