ONCE A GIRL IS DONE..
I have a boyfriend named Steve, and he's an indeed cheater. We've been together for 1 year. At sa isang taon na iyon, puro kami hiwalayan, balikan, hiwalayan, balikan, and then repeat.
He cheated on me many times and I forgave him many times as well.
Pero sa isang taon na iyon, hindi ako napagod. Ang dami ngang nagsasabi na ang rupok-rupok ko.
Kaya lang naman ako marupok dahil mahal ko si Steve. Kahit ilang beses na 'kong ginago, pinatawad ko pa rin kasi mahal ko e.
Ang dami ring nagsasabi na masyado raw akong mapagbigay ng chance kaya naaabuso.
Gano'n naman talaga kapag mahal mo yung tao 'diba? Bibigyan mo ng pagkakataon kasi mahal mo.
But everything has changed..
Dati tuwing nakakausap ko si Steve, buo na araw ko. Ngayon parang may kulang. Nakukulangan na ako.
"Love!"
Gulat akong napatingin kay Steve nang tawagin niya ako.
"Naintindihan mo ba 'yong sinabi ko?" tanong niya.
Yumuko ako, "Sorry, lutang lang. Madami kasi akong iniisip."
Bigla niya akong niyakap. "May problema ka ba?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko.
Wala na talaga. Hindi na mainit yung yakap niya. Hindi tulad dati na halos isiksik ko yung katawan ko sa kanya.
Nagbago na. Nawawalan na ako ng gana.
Am I no longer in love with him? Hays.
-
Nandito ako sa kuwarto ko, kasulukuyan akong nagf-fb nang biglang nagchat sa 'kin si Theia, best friend ko.
Theia: "Hoy!"
Ash: "Ano?"
Theia: "Niloloko ka na naman ng jowakels mo!"
Theia sent a picture.
Tinignan ko yung sinend niyang picture.
Picture ni Steve 'yon na may kasamang chinita na babae habang hawak niya sa bewang.
Hinintay ko yung sarili kong masaktan, yung tipong kikirot yung puso ko. Pero wala.
Ash: "Anong gagawin ko?"
Theia: "Sugudin natin!"
Ash: "Sayang oras."
Theia: "Luh? Okay lang sa 'yo iyon?"
Ash: "Sanay na ako, hindi na nga masakit e."
Pagkatapos no'n, I logged out.
Huminga ako ng malalim at tumulala sa kisame.
Wala na ba talaga akong pake o sadyang nasanay lang ako? Hays.
-
Alas-otso na ng gabi nang magising ako. Nilibot ko ang mata ko, nakita ko si Steve na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa 'kin.
He smiled but I didn't smile back.
"Sorry..." he mouthed.
Bigla akong nairita sa kanya. Bakit ba siya nandito? Ang kapal naman ng mukha niya.
Umupo ako, "Why are you here?" tanong ko.
"Sorry." Tumayo siya at akmang yayakapin ako pero tinulak ko siya.
"Forgiven. Pwede ka na umalis."
Napahinto siya.
I avoided his gaze. "Just leave," wika ko sa malamig na boses.
Pero hindi siya umalis. Umupo siya sa sahig, magkatapat kami.
"Alam kong galit ka.. she is just my friend.."
"I'm full of your lies and I don't care, I don't give a damn."
"Alam kong sinasabi mo lang 'yan kasi nasasaktan ka. Let me explain."
"Why would I let you? I don't need your explanation kasi gising na gising na akong hinding-hindi ka na magbabago. Umalis ka na lang! Umalis ka na sa buhay ko kasi hindi na kita kailangan!" sigaw ko.
Nilapitan niya ako at sinugod ng yakap.
Pinilit kong kumawala pero masyado siyang malakas kaya hinayaan ko na lang siya.
"I love you... I love you, sorry.." Steve whispered on my ear.
Hindi ako nagreact.
Mahal niya ako pero nagagawa niya akong lokohin? Kalokohan.
"I'm done," ani ko na biglang nagpatigil sa kanya.
Kumalas siya sa pagkakayakap. "Huh?"
"Hindi na ako nasasaktan." pag-amin ko, "Hindi na kasi kita mahal." I continued.
"I am no longer inlove with you. I fell out of love, Steve. Pagod na ako."
"Nasasabi mo lang 'yan kasi nasasaktan ka," aniya.
Tinuro ko ang puso ko, "Hindi na siya kumikirot. Hindi na siya tumitibok sa iyo. Nagbago na. Siguro gising na ako sa katangahan ko, and I'm so very happy." I smiled bitterly. "Tama na yung chances at pagpapatawad ko sa iyo. Ayoko na." Pagkatapos no'n ay iniwan ko siyang mag-isa sa kuwarto.
Once a girl is done, wala na talaga. And I realized, hindi pagmamahal ang tawag do'n kundi katangahan.
- Star Writes
YOU ARE READING
Diary
Teen FictionJust a girl who love to dream something she likes to read and write and her hobby becomes her fashion