CHAPTER [ Eight]

4.5K 126 20
                                    

DYNASTY SERIES 

Presents: 

"PLEASURE of LOVE" 

CHAPTER  [ Eight]

PAGKAGAT ng dilim, matapos na magmanman sa paligid si JC, ang lugar kung saan sinasabi ni Gary na may mga bilanggo ang kanyang pupuntahan. Gusto nyang masiguradong may mga bilanggo ngang lalaki na syang ginagamit ng mga eto sa kahayupang gawain. May mga naririnig sya tungkol sa sinasabing Hunter Game sa ngayon hindi pa nya napapasukan ang lugar na iyon kung anong ginagawa sa HUNTER GAME, palaisapan pa kay JC ngunit marami na din naman silang nakalap at nakuhang impormasyon tungkol sa aktibidades sa loob. 

Maingat ang kanyang kilos, sumalisi sya sa nag-iisang nakabantay sa bodegang iyon. Nang makapasok sa loob nakita nya ang lawak ng loob nyon, mabilis nyang nakita ang tinutukoy ni Gary na silid, agad nyang tinungo iyon, may dala syang baril mainam na ang may hawak din sya hindi nya ang likaw ng loob ng bodegang iyon. Ilang hakbang nalang at natatanaw na nya ang kulungang sinabi ni Gary. Kulungan ba talaga iyon tila may silid pa sa loob. Nakita nyang may nakaupong babae doon at isang lalaki, nakagapos ang lalaki habang sinusubuan naman ng babae ang lalaki ng pagkain. Marahan pa syang lumapit doon. Hanggang sa mas naging malinaw at nakikita na nya ng malapitan ang nasa loob. 

Gumawa sya ng ingay para mapansin sya ng dalawang nilalang na nasa loob, hindi naman sya nabigo agad na lumingon ang babaeng may hawak pa ng kutsara na akmang isusubo sa lalaking nandoon din sa loob na iyon. Nanlaki ang mata ng babae ng makita sya nitu sa labas ng pintuang iyon. 

"JC!" Tawag ng babaeng nasa loob ng rehas. 

"Ako nga Lian." Pormal na tugon ng binata. 

Muka namang hindi eto inaapi sa loob maayos ang damit nito at malayang nakakagalaw sa loob, kaya walang dahilan na sabihing bilanggo eto. 

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok? " May pag-aalala sa tinig ng dalaga. 

"Ganyan ba ang dapat mong itanong sa akin? Alam ko na lahat Lian. Plano mo ba ang lahat ng eto? Ang mapalapit ako sa'yo para sa huli papatayin nyo ring mag-ama?" May hinanakit sa tinig ni JC. 

"Hindi kita maintindihan." Mahinang tugon naman ni Lian. 

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Ikaw ba si Freya? Ikaw ba ang kaisa-isang anak ni Vitto Gwen?" Hindi na napigil pa ni JC ang sarili. Habang nakatitig eto sa dalaga na noo'y tila nagulat pa sa tanong ng lalaki. 

''JC hindi ko sinasadyang maglihim--" 

"Ikaw ba si Freya?!" Muling ulit ni JC sa kanyang tanong. 

"O-oo ako nga Freya nga ang totoo kung pangalan. At ako ang kaisa-isang anak ni Vitto Gwen. Ako ang kanyang tagapagmana. Ako ang tagapagmana ng kanyang kasamaan." Naiyak naman si LIan na ipagtapat iyon sa lalaki. 

DYNASTY SERIES "Pleasure of Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon