"WHAT have you done?!" bulyaw ni Louie kay Shin sa kabilang linya.
"Her memories came back, Louie, I don't know what to do. I can't even explain things properly to her. Please, I need your help. I need you to tell her everything. Wala siyang ibang paniniwalaan at pagkakatiwalaan sa ngayon, kung hindi ikaw." pagmamakaawa ni Shin.
He's desperate and helpless at the same time. Even though he knew that Louie seemed distant to him for some reasons, Shin doesn't have any choice.
After the heated conversation they had, hindi akalain ni Shin na ganoon ang magiging outcome ng lahat. Naaalala nga siya ni Jaedeen, pero hindi ang buong katotohanan. Hindi sila magkapatid. Walang dapat ikabahala ito sa lahat ng nangyari sa kanila. They can be together for all the world cares.
Nang aminin ni Jaedeen sa kanya na mahal din siya nito, walang mapagsidlan ang tuwa sa puso niya. Iyon lang yata ang narinig niyang sinabi nito kanina. Pero nang makita niya sa mukha nito kung gaano kahirap ang pinagdadaanan nito ngayon dahil sa maling akala, natauhan siya. She looked so devastated, so ashamed of herself, kahit hindi naman dapat.
Gusto niyang itama ang memorya nito. Gusto niyang sabihin ang lahat-lahat dito. Pero nagdalawang-isip siya. Hindi niya alam kung papaano. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Magiging okay ba si Jaedeen? Paniniwalaan ba siya nito?
Things are as complicated as it may seem. And when Jaedeen ask him to stay away from her, that's when it hit Shin. Hindi magiging okay sa kanila ang lahat ano mang sabihin niya dito.
Wala na sa kabilang linya si Louie. Malamang ay sinimulan na nitong hanapin si Jaedeen. Muli niyang tinawagan ang babae, ngunit hindi parin ito sumasagot. Hinanap na niya ito sa buong building, pero napag-alaman niyang nakaalis na ito.
He sighed. If you would just listen to me, Jaedeen. Please, let me find you.
> > > > >
THE Lady Boss, Jaedeen Enzarez, and the youngest son of SBN's Big Boss, Samuel Sonnes is finally engaged!
KALAT na kalat na ang balitang pagkaka-engaged ni JD at Sam. Paanong hindi magiging headline iyon, gayong sa likod ng kasalang iyon ay nakikini-kinita na ng madla ang merging ng dalawa sa pinakasikat na kompanya sa showbiz industry. Perfect combination pa iyon, dahil parang magkakaroon ng lifetime contract ang talents ng CreatiVentures sa pinakamalaking TV Network sa bansa.
This is Jaedeen's lifetime aspiration. Kapag nagkataon, magiging stable ang kompanya niya. Tama si Sam, SBN is her only redemption. Kaya kahit na maging maingay muli ang malisyosong artikulo laban kay Shin, matatakpan iyon ng engagement nila ni Sam at nang iba pang kakabit niyon.
Sa ngayon, ay kailangan lang na wag silang magkita ni Shin. Jaedeen made sure that sa kinaroroonan niya ngayon ay hindi siya mahahagilap pang muli ni Shin. Nasa town house siya ni Sam sa Visayas. Nagpaalam siya sa mga empleyado niya na magle-leave siya for three weeks to one month para asikasuhin ang nalalapit na kasal nila ni Sam, which is happening next month.
The old Sonnes is dying, kaya kahit gusto niya pa sana ng mahaba-habang panahon para makapag-isip at ayusin ang dapat ayusin bago siya magpakasal, ay hindi na pwede. Kailangan na niyang pakasalan si Sam habang buhay pa ang daddy nito.
Sa paraang ito raw makukuha ni Sam ang shares niya sa SBN. At kung papalarin pa raw, baka dito ipamana nito ang pamamahala ng buong TV Network. That's another bonus for JD, dahil pag nagkataon, magiging co-owner pa siya nito.
BINABASA MO ANG
PICO Series 3: Make You Mine
Любовные романыJae-Deen or also known as JD, is the eldest of the infamous triplets. A career woman, CEO, typical office girl, as in, sa loob lang siya ng office most of the time, malapit na niyang palitan ang address niya. So don't expect this to be a love story...