SHIN noticed how Jaedeen blinked twice. Gotcha, future wifey. Hindi man kita sa buong mukha nito ang excitement dahil sa sinabi niya, but Shin will not be Jaedeen's Future hubby for nothing. Bawat kibot, bawat kilos nito, alam na alam ni Shin ang ibig sabihin.
Jaedeen has this habit of blinking twice whenever she finds something interesting. She bits her lower lip if she's determined to get that something, like what she's doing now, unconsciously, habang nag-iisip ito ng isasagot sa kanya.
"Honey!" anang boses ng lalake. Tumagos ang tingin ni Jaedeen sa bandang likuran niya na lubos niyang ipinagtaka.
Napalingon narin siya para kumpirmahin ang hinala niya. Honey? Ibinalik niya ng may pagtatanong ang tingin kay Jaedeen. Napatingin din ito sa kanya, bago nginitian ang lalake na ngayo'y papalapit na sa kanila.
"Hi," bati nito sa babae, sabay ipinulupot ang braso sa beywang at hinalikan ang pisngi. "Sorry, I'm late. Kanina ka pa?"
Napatitig si Shin sa kamay na nasa beywang ngayon ng future wife niya saka itinuon ang mata sa nagmamay-ari ng kamay na iyon. So this is the guy who pees like a champion. Salubong ang kilay na kumpirma ng isip niya.
"I just got here." sagot nito at napatingin ulit sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata nila.
'God, Jaedeen, am I too late?' Gustong niyang itanong dito.
"Am I interrupting something?" dinig niyang tanong ng medyo may itsurang frog prince.
"Actually..."
"Yes." putol niya sa isasagot sana ni Jaedeen. Napatingin ito sa kanya na may halong pagkagulat sa pagiging blunt niya. Bahagyang nagulat din ang lalake. Hindi marahil nito inaasahan ang sagot niya.
In the end, nakipagsukatan siya ng tingin dito.
> > > > >
BAHAGYANG nagulat si Jaedeen. The guy has an attitude. She didn't expect that. Sam was taken aback too, and when he smelled it, his competitiveness arose.
"Sam, this is Mr. Shin Mendez. He's the endorser of the product I am working on." pakilala ni Jaedeen para pahupain ang tensyon.
Sam huffed and smirked. He extended his arm not to shake hands but more like initiating a war.
"Samuel Sonnes, JD's boyfriend."
Kumunot ang noo ni JD na napatingin kay Sam. Unusual kasi na magpakilala itong boyfriend niya. Laging professional ito pagdating sa pagpapakilala. Business partner lagi ang label nito sa relationship nila. Kapag may nagtatanong lang kung girlfriend ba siya nito, saka lang ito ina-acknowledge ang fact na may 'relasyon' nga sila.
"Looks like, you are discussing some important matters. Should I wait for you or..."
"No, Sam. You don't have to wait. This will take long." bumaling siya kay Shin. "Meet me in my office, I'll just see him off." Tumango at tumalima naman ito saka hinila niya si Sam papunta sa kotse nito.
"Hmm. Seems like you have a new suitor. Want me to scare him off?" Sam offered. Ito pa ang isang pakinabang nito sa buhay niya. Taga-taboy ng mga unwanted suitors.
"No. He's not a suitor. And don't scare him off. I need him."
Napatingin ito sa kanya. "More than you need me?" confident na tanong nito.
"Ugh!" she rolled her eyes. "Not that kind of 'need'" she stressed the word to stop this egoistic man from being too confident.
He smiled saka bahagyan sumilip sa loob ng building. Before he entered his car, he held Jaedeen's shoulders at iniharap nito sa kanya. "I'll be on a business trip for a month. That's why I've been wanting to see you."
BINABASA MO ANG
PICO Series 3: Make You Mine
Roman d'amourJae-Deen or also known as JD, is the eldest of the infamous triplets. A career woman, CEO, typical office girl, as in, sa loob lang siya ng office most of the time, malapit na niyang palitan ang address niya. So don't expect this to be a love story...