Otso

27 0 0
                                    

-Rowel's POV-

"Nakopya niyo ba yung format ni Ma'am Terror para sa case study?"

"O eto." inabot ni Vhin ang notebook niya. Ako naman, nakaharap sa laptop ko.

Si Mj ang kumuha. "Kainis naman, kasisimula palang ng klase, case study agad? epic fail din yung propesor na yun eh." tapos binuklat-buklat ang notebook.

"Kaw na nga tumingin, Rowel." abot ni Mj ng notebook ni Vhin sa akin.

Inabot ko yung notebook. tiningnan ko ang format na ipinabibigay ni Ma'am Dora sa amin for the case study.

Good thing na nagbigay 'tong prof. namin ng format. Di kami maliligaw kung paano gagawin to. Gurabe!

"Oh" Inabot ko kay Mj ang libro ko. Good thing din na naitabi ko pa ang mga libro ko sa Chemistry noong 3rd year HS pa ako. "Pahanap nga ng topic natin dyan, baka sakali."

Kinuha ni Mj ang libro. Kahit ganito itong si Mj, hindi ito katulad ng mga loloko-loko na talagang sira-ulo.

"May libro ka pala dyan." wika ni Vhin, nagtitingin-tingin din sa libro na dala niya.

"Kita mong hawak ko?" si Mj sumagot.

Mali, binabawi ko na yung sinabi ko tungkol kay Mj. Hahaha...

Binara ba naman si Vhin.

"Whatever."

"Naistorbo ba namin kayo? O magmiryenda muna kayo" pumasok sina Dad at Mom sa kwarto ko kung saan kami gumagawa ng para sa case study.

"Hindi naman po. Pasimula palang po kami." Wika ko at iniwan kong bukas ang Laptop ko.

Inilapag ni Mom ang miryenda namin. Graham cake. Gawa niya yan. That's my Mom. Kaya kahit di ko tikman yan, alam kong masarap yan.

"Wow, ang yaman niyo talaga Rowel! Tingnan niyo at Graham cake pa ang miryenda natin. Dito nalang kaya tayo laging gumawa ng case study? Nakakaganang mag-aral pag ganito."

Actualkly, pagkapasok na pagkapasok palang namin kanina sa bahay, e ganyan na si Vhin. Parang first time nakapasok sa magandang bahay.

Binatukan ni Mj si Vhin. "Sira-ulo ka talaga!" Tapos bigla na siyang kumuha ng graham cake ni Mom. "Shaaaaarrrraaap!!! Grabe Rowel! Ang gagaling naman ng mga katulong niyo gumawa nito! Take note ha, ang babata pa nila. Yaman niyo talaga!"

Sabay subo ulit at uminom ng pineapple juice na syang forte naman ni Dad. As in fresh yan. may taniman kasi kami ng pineapple sa CDO.

Binatukan sya pabalik ni Vhin. "Kita mo tong taong 'to, makasaway ka kanina sa akin, mas malala ka pa!"

At nagbatukan na sila sa harap namin ng pamilya ko.

Pero bigla akong napalingon kina Mom at Dad na nakatayo at nakangiti parin sa amin.

Paano ba naman...

SINABIHAN BA NAMAN NA KATULONG ANG MGA MAGULANG MO, HELLOOO!!!

Sabagay kasi, nakapambahay lang sina Mom at Dad ng mga panahong iyon. As in, hindi pa halata na mga magulang ko sila kasi parang ang babata nila tingnan kung i-co-compare ko sila sa ibang mga parents.

"Ehem." ang ginawa kong iyon ang nagpatiogil sa pag-aasaran ng dalawa. Sina Mom at Dad, tahimik parin na nakasandal at nakatayo sa pinto ng kwarto ko.

"Sila," sabay lingon ko kina Mom at Dad. "Ang mga magulang ko."

At ang reaksyon ng dalawa???

0_0?

"Ay sorry po!" halos nagkasabay pa sina Mj at Vhin ng sabihin yon, tapos parang mga bata na nag-uunahan para makalapit sa mga magulang ko.

Three Iglots =))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon