Bente-Kwatro

20 0 0
                                    

-Rowel's POV-

"Bakit parang inubos mo na ang eyeliner ng nanay mo?" Salubong sa akin ni Mj pagdating nila ni Vhin dito sa bahay.

Sinamaan ko lang sya ng tingin pagkuwa'y pinapasok ko na sila. Wala ang mga magulang ko at nasa convention sa Cebu.

"May problema ka ba?" Tanong ni Vhin. "Anong nangyari sa mga mata mo?"

"Ano nalang ba ang kulang sa case study?" Iniwas ko muna yung usapan.

Nagkatinginan naman ang dalawa, mukhang nakahalata silang ayokong pag-usapan yung mata kong nangingitim.

"Conclusion nalang naman saka recommendations tungkol sa Lanthanides and  Actinides. Kaya na nating tapusin yun ngayong araw." Sagot ni Mj "Yun eh kung may balak tayong tapusin yun"

"Andun yung laptop ko sa kwarto ko. Pakikuha nalang Mj." Pumunta ako sa kusina, pinasunod ko si Vhin habang umakyat na si Mj sa kwarto ko para kunin ang laptop ko.

"Vhin"

"Bakit?"

"Ano bang masarap na alak?"

Vhin: O>_<O

"Alak ba kamo? Red horse pre!! Malakas ang tama nun Rowel! Bakit, papainom ka? Ayos!!!"

"Tumigil ka nga Mj." Saway ni Vhin. "Anong pumasok sa kokote mo Rowel at iinom ka?"

Umiling-iling ako. "Wala. Wala. Tara, gawin na natin yung case study ng matapos na tayo." Kinuha ko na ang laptop kay Mj at umupo na.

Pero biglang sinarado ni Vhin ang laptop.

"ANONG PROBLEMA MO!??"

"Ikaw! Anong problema mo!?"

"Wala akong problema." yumuko ako.

Nagulat ako ng biglang napahampas sa mesa si Mj.

"ANAK NG TIPAKLONG NAMAN ROWEL! HINDI KAMI MANHID PARA DI MAHALATANG MAY PINAGDADAANAN KA!! ANO PANG SILBI NAMIN BILANG KAIBIGAN MO KUNG HINDI MO KAMI PAGKAKATIWALAANG SABIHIN KUNG ANONG MERON SAYO!???"

Yun na ang pinakamahabang sinabi ni Mj na narinig ko.

Tama nga naman sya eh. Pero makakatulong ba sila sa problema ko ngayon?

"Ano? Tutulala ka nalang dyan? Tititigan mo nalang yang laptop mo?" Tanong ni Vhin

Napasabunot ako.

"Naka... naka..."

Three Iglots =))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon