-Aenna's POV-
"O Aenna, di ka ba sasabay sa amin?" Tanong ng isang kaklase ko. Tapos na kasi klase namin.
"Di na muna siguro, dadaan pa ako sa school ni tita, pinapupunta niya ako eh." Ewan ba, bigla bigla nalang tumawag si tita sa akin in the middle of my class at pinapupunta nga niya ako sa school kung saan sya nagtuturo. Buti nalang at di ako napagalitan ng prof ko kanina.
:/
"Sige sige, ingat ka." Paalam niya sa akin. Nag wave back nalang ako dahil may parating ng jeep sa tapat namin at sumakay na ako.
Hinanap ko agad yung classroom kung saan nagtuturo ngayon si tita. Tinext naman niya sa akin kung anong room at san banda makikita kaya hindi naman ako nahirapang maghanap.
"Pass the papers. 30 minutes, starts now."
Ah kaya pala. Nagpapaquiz pala itong si tita kaya anytime, pwede syang makipagchikahan. Talaga naman...
"Oh, my pamangkin!" Bati niya sa akin ng makita niya akong nakatayo sa pinto ng room. "Mabuti naman nandito ka na."
Biglang nagka komosyon sa loob ng room kaya nagulat ako ng biglang sumigaw si tita.
"Already tongue was use in answering the exam? QUIET!!!"
Biglang tumahimik sa room. Ako naman, pasimple kong tiningnan yung loob ng room at tiningnan yung mga estudyanteng nasigawan ni tita.
O_______o???
Kumurap pa ako para makasigurong hindi ako namamalik mata.
Sya nga yun!
Estudyante pala sya ni tita? Ang liit naman masyado ng mundo.
"I'm sorry, medyo nakakahigh blood tong klase kong ito. Anyway, kaya kita pinapunta dito para sabay na tayong lumakad ng mga papeles."
Napalingon ako bigla ng magsalita si tita.
"A-anong papeles?"
"Did you already forgot? Hindi na natin naasikaso yung dapat na kasal niyo ni Chan kaya ngayon tayo lalakad."
Whaaaaaaaaat!!!!!
Akala ko ba tapos na yang usapan na yan??
"Tita naman! Sinabi na ngang ayokong magpakasal sa kanya!" Hindi ko inaasahan pero bigla akong sumigaw dahilan kaya napatigil yung mga estudyante sa room at napalingon sa amin ni tita.
Biglang nanlaki ang mga mata ni tita at namutla sa ginawa kong pagsigaw sa kanya. Kaya minabuti kong tumakbo ako palayo sa kanya para di na sya makapangulit.
Kairita eh. Alam naman niyang ayokong magpakasal kay Chan mula pa ng inanounce niya sa debut ko tapos pagpipilitan niya yung gusto niya?? Aaaarrrggggh!!!
Umuwi ako sa bahay. Pumasok ako sa kwarto at umiyak ng umiyak.
Nakakainis na kasi eh!!!
"AENNA MARIE!!!"
Napabalikwas ako ng bangon. Boses ni tita yun!!
"Lumabas ka ng kwartong yan!!!!" Dumadagundong na yung boses ni tita. Pag ganun na yun, nanggagalaiti na yun sa galit.
Pero ako ba, hindi nya ginagalit? Sya lang ba may karapatang magalit dito?
"ISA!!"
Bahala sya dyan. Grrrr.
"DALAWA!!!!"
Nagtakip ako ng unan sa magkabila kong tainga sabay talukbong ng kumot.
Napansin kong tumahimik ang paligid. Mabuti naman at tumigil na itong tita ko...
BINABASA MO ANG
Three Iglots =))
Fiksi Remajathree persons, different ways of living but pinag-ugnay ang mga buhay... inspired of the movie Three Idiots, kaya presenting the Musical Play of Group Two in HUM 001... (plot lang to hehehe, ung play nasa youtube na...) sikat :D