Tres

22 0 0
                                    

-Rowel's POV-

"Ikaw ba si Casas?" tanong sa akin ng naka salamin.

"Oo eh." sagot ko. Ng naka ngiti.

Ay sa wakas naman at di ako nahirapan na mahanap itong mga ka grupo ko sa case study.

"Ge, pag usapan nalang natin yan pag tapos ng isang class natin." wika ng mukhang gangster na kung hindi ako magkakamali ay siya raw si Manabat.

"Oo nga pala, gotta get go." wika naman ng naka salamin na at nagpatiuna ng lumabas sa room 308. Sinundan narin namin.

At buti nalang, yung secong class ko super bait ng nagin prof. namin. Nagka chance kami na magpakilala isa-isa sa harap. Kaso naman...

"MAGANDANG UMAGA SA INYONG LAHAT, ANG AKING PANGALAN AY ROWEL I. CASAS, LABING PITONG TAONG GULANG, AT IPINANGANAK NOONG IKA-LABING ISA NG ENERO TAONG 19**. NAPILI KO ANG KURSONG PETROLEUM ENGINEERING SA KADAHILANANG ITO ANG MATAGAL KO NG PINAPANGARAP. YUN LANG PO AT MARAMING SALAMAT."

*Clap. clap. Clap.*

AYAW NAMAN KAMING PATAGALUGIN NG PROF. NAMIN.?

Pero ok lang. Kaysa naman sa naunang prof. namin na nagpagrupo agad sa mga di magkakakilala. :s

At dahil doon, nalaman ko ang mga pangalan ng mga kagrupo ko sa Case Study.

Vhin Betis yung pangalan ng nakasalamin. Nang tanungin sya kung genius sya dahil sa nakasalamin sya, sinabi niyang trip lang daw niya yun. @_@

Yung mukhang gangster eh sya raw si Mj Manabat. May nagtanong kung gangster sya eh bigla niyang binanatan ng upo. Bastusan lang ang tema. :/

"KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!!!!!!! KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!!!!!!!"

Ayan, bell na rin. 2 subjects lang kami for this day.

"Mj, Vhin, saglit!" wika ko ng mapansin kong palabas na sa room yung dalawa. Ayos tong mga to, parang nakalimutan nilang may pag-uusapan kami tungkol sa Case study namin.

Lumingon naman si Vhin. Si Mj napakamot sa ulo.

Tama nga. nakalimutan nga nila.

"Oo nga pala, pag-uusapan natin yung case study natin!" palatak ni Vhin at pumihit pabalik sa pwesto ko.

"Sa Canteen nalang kaya natin pag-usapan yan? Gutom na talaga ako." suhestiyon ni Mj at nauna ng lumabas sa room. Sinundan nalang namin sya ni Vhin.

"So, anong balak niyo sa Case study?" ako na ang naunang nagtanong. E kung di ako magsasalita, di rin iimik tong mga to. Si Vhin, busy sa burger niya. Si Mj, coke, spaghetti at hash brown ang tinira. Gutom nga talaga na sya.

*nyamnyamnyamnyamnyamnyam...*

Ayan lang yung naririnig ko galing sa kanilang dalawa.

"Kumain ka muna kaya." wika ni Vhin. "Ni hindi mo pa nga nagagalaw ang pagkain mo. Sayang yan."

Payn.

Sumubo na ako ng Lasagna. Uminom ng Gatorade. Dire-diretso.

*nyamnyamnyamnyamnyamnyam...* yan lang ang maririnig mo sa amin sa loob ng halos limang minuto.

Si Vhin na ang nag-umpisa. "Kailan natin gagawin yun? medyo mahirap yung topic natin."

"Ngayon kung gusto niyo." Wika ni Mj at tuloy sa pagkain. May laman pa nga yung bibig niya ng sinabi niya yun.

"Mamaya." sumulyap ako sa relo ko. "Mga alas-dos." Ala una pasado na kasi noon.

"Ang aga naman!" wika ni Vhin.

"E kaw, anong oras gusto mo?" nakataas yung kilay ni Mj. Taas na parang iritado na.

"Alas tres. Uuwi pa ako sa amin."

"Okey na ko doon." sumang-ayon na ako kay Vhin. Ako din naman kasi uuwi pa. "Saan tayo gagawa?"

Si Mj >.> Vhin.

Si Vhin >.> Ako

Ako >.> Mj

Magandang pangitain to, I swear.

"Sa inyo na." wika ni Vhin sa akin, bago nag last bite sa burger

"Kina Mj na."

"Wag dun!" umalma bigla si Mj. "Dun na kina Vhin."

"O sige sige" wika ni Vhin, tumingin sya sa akin. "Sa inyo na, Rowel."

Tsk. tsk. tsk...

"O sige na nga, sa amin na nga muna, tutal madyo malapit lang ako dito sa school."  ano pa nga bang magagawa ko?

"E di maganda kung ganun, malapait lang dito sa school. Sige, mga alas dos, magkita kita na tayo dito sa school tapos alas tres na tayo pumunta sa inyo Rowel." wika ni MJ, sabay huling subo sa kanyang hash brown.

^_~.

Reaksyon ko.

Pero di ko na kinontra. Ok na yun.

"Usapang lalaki yan." wika ni Vhin, tapos tumayo na. "Una na ako"

Nagsipagtayuan narin kami. Tapos narin naman kami kumain. Medyo nahuli lang ng konti si MJ dahil sa madami syang kinain compare sa amin.

At yon, naghiwa-hiwalay kami. Ako, dumiretso na sa bahay na walking distance lang. Mag-aasikaso pa ko para mamaya. Ipagpapaalam ko pa nga ito kina Daddy at Mommy eh.

(A/N: Hi-ho!!!

yun oh, nakaupdate narin ng chapter tres, at alam niyo na kung anung mga pangala ng mga damuho. hahaha...

waaaaaah, super duper busy!!!

me report pa ko this incoming friday kaya ayown, duper aral muna ng magbote tong lola niyo.

pero salamat sa mga nagbabasa, kilala niyo na mga selves niu, pero mention ko parin si bluemitch hehehehe....

ow sya, kayo na bahala magpasensya kung matagal si update ah???

:])

Three Iglots =))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon