CHAPTER 13
Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang gate at lumabas si Daddy.
"Jesus!" biglang bulalas niya kaya nangunot ang noo ko. "I was worried, Rain. You didn't even bother to pick up my call."
Napakurap ako at biglang kinuha ang cellphone sa bag. Nakagat ko nalang ang labi nang makita ang missed calls doon.
"Sorry, dad, naka-silent ang phone ko."
"Are you okay?" tanong niya at tumango naman ako.
"Andrei, I told you kasama lang niya ang manliligaw niya," sabi ni Tita Sarah na nakasunod kay daddy saka sumulyap kay Klein. "Pumasok muna kayo sa loob."
"Tita--"
"Let's talk this through dinner. Hindi pa kami kumakain kasi nag-alala kami sayo," putol ni Tita Sarah sa akin.
Umiling ako at nataranta nang nagpaunang pumasok sina Tita Sarah at Daddy. Umiling akong lumingon kay Klein at nahihiyang nagbaba ng tingin. Gusto kong sabihin sa kanila na mali ang hinala nila pero hindi ko na nagawa nang tuluyan nang pumasok sa gate ang magulang ko.
"Hey! Pumasok na kayo!" sigaw ni daddy mula sa loob kaya wala na kaming nagawa.
"I'm sorry," sabi ko kay Klein. "Napagkamalan ka tuloy na manliligaw ko."
"Ayos lang," aniya.
Sabay kaming pumasok sa loob. Sumunod kami sa kanila sa dinner table. Nakahanda na ang mga pagkain at nakaupo na rin sila roon.
"You sit beside Rain, hijo," sabi ni Tita Sarah, wala na akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga.
"Mom!" sabay kaming napalingon sa entrada nang umalingawngaw ang sigaw ni Rainier.
"We're in the dining," balik sigaw ni Tita at pagpaumanhing ngumiti sa'min.
"So.." tumikhim si daddy saka tumingin sa akin. "He's your suitor Sarah has been telling me."
"Mommy! Where's my socks?" sumungaw ang ulo ni Rainier sa pinto. "Klein!"
Nakagat ko ang labi ko nang bigla siyang bumulalas ng ganoon. Naguguluhang tiningnan niya ako na ipinagkibit-balikat ko nalang.
"Oh! Honey, you know the suitor of your sister," may bahid na sayang sabi ni Tita.
"Suitor?" tumaas ang kilay niya at halos mabali na ang ulo niyang tumingin sa akin.
"I'm not her suitor, Ma'am," magalang na sabi ni Klein kaya sabay na natigilan sina daddy at Tita Sarah.
"Oww!" tanging sabi ni Tita Sarah samantalang si Daddy naman ay mukhang nagulat pero nakabawi rin kaagad.
"I must be wrong then," tikhim ni Tita at tumingin kay Klein. "I'm sorry, hijo."
Tumingin ako kay Rainier nang tuluyan na siyang pumasok. Pumunta siya sa tabi ko at doon naupo.
"It's okay, Ma'am," puno ng galang na sabi ni Klein.
"Then if you're not her suitor then you are..."tumaas ang kilay ni daddy.
"He's my co-team in basketball, dad," usal ni Rainier." In fact, he's our captain ball."
"Wow! Really?" manghang usal ni Tita Sarah. "You must be good in playing basketball."
"Hindi naman po, nasanay lang," aniya at sumilay ang ngiti sa labi niya. Gusto kong umirap sa pagiging humble niya.
"Then you must be here for my son, not for my daughter, am I right?" ma-awturidad na sabi ni daddy kaya nakagat ko ang labi ko.
BINABASA MO ANG
Piece of the Past (Delfino Series #1)
Teen FictionDelfino Series 1 | Completed Yvette is a woman desperate to escape her haunting past finds herself pursued by unresolved memories, threatening to unravel her future. As she navigates a new life, the shadows of her past cast a relentless presence, f...