S U N N Y A M O R AMaaga akong pumasok ngayon, ayoko rin naman kasi mag stay sa kwarto ko, naiiyak lang ako pag nakikita ko mga pictures ni Cloud. Hindi man lang siya nag message sa akin or like sa post ko, feeling ko tuloy galit siya sa'kin dahil in public ako umamin.
Papunta ako ngayon sa library dahil sa utos ni Madame Miracle pero isa na rin sa dahilan ay para makaiwas ako sa pagtingin ng ulap. Kanina kasi nasa field ako at kitang-kita ko ang naglalakihan at iba't -ibang shape ng ulap sa kalangitan, naiiyak lang ako dahil naalala ko si Cloud sa mga ulap na 'yun. Paanong hindi eh pangalan niya kasi!
Nakakainis! I have a crush for him for five consecutive years and now I guess I need to move on. Siguro sign na para sa akin na tumigil kasi 'di na siya nag comment or nag chat man lang. Sign na ata niya 'yun sa akin para tumigil na ako. Should I really move on na lang ba talaga? Minsan na nga lang umamin mukhang palpak pa. Tapos ang mas nakakairita pa, tumambay ako sa tiktok para sana malibang kahit papano pero ang laman ng fyp ko ay puro tungkol sa mga hindi na-crushback. Talagang nanadya lang?
Pagpasok ko sa library ay medyo nanibago ako. I checked my watch and I see that it's already 9 in the morning. Mga ganitong oras ay bukas na ang library at marami na dapat nakatambay na students dito pero nakakapagtaka na parang ako pa lang ang kauna-unahang student. Sabi ni Mira kanina sa'kin on the way na siya sa library pero bakit parang mas nauna pa ako? Di talaga mapagkakatiwalaan ang on the way ng babaeng 'yun eh.
"Miss Esmael." Tawag sa'kin ng librarian ng mapansin niya ako. Professor ko siya sa isang minor subject nung first year ako kaya kilala niya ako.
"Good morning po Ma'am" magalang na bati ko sa kanya.
"Halika rito, may nagpapaabot nito sa'yo."
Lumapit naman ako kay Ma'am. Kinuha niya ang isang rosas na nakapatong sa kabilang desk at inabot sa akin. Kinuha ko naman iyon, may nakadikit na maliit na papel sa tangkay ng rosas.
"Kanino po galing?" Tanong ko pero hindi na sumagot si Ma'am.
Pinagtitripan ba ako ni Mira ngayon? Alam niyang broken ako kaya may pa rosas siya? Lumingon-lingon ako para hanapin si Mira pero di ko siya makita. Binuksan ko na lang ang nakatuping papel at binasa."04-05-0079"
Nilingon ko si Ma'am at busy na siya sa pag check ng mga libro na nasa harapan niya. Si Ma'am naman may pa bulaklak pa, paghahanapin niya lang din pala ako ng libro. Naglakad ako papunta sa ikaapat na shelf at sa panglimang column ay hinanap ko ang librong may number na 0079. Nang makita ko ay kinuha ko iyon sa shelf at babalik na sana sa pwesto ni ma'am ng mapansin ko ang nakaipit na rosas, napahinto ako sa paglalakad. I open the book and took the rose from it, may sticky note roon.
Hi Sunny, did you know that you are bright as your name. And too much staring to the sun can hurt my eyes, pero hindi man kita matitigan nang matagal mananatili pa rin ako sa tabi mo.
Can you do me a last favor? Go to table 8.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil ramdam ko ang tibok ng puso ko, naririnig ko kung gaano kalakas ang pagtibok nito. I'm getting ideas about this, this is not a prank, hindi rin si Miracle ang may pakana nito. Is it okay for me to think that this might prepared by him?
BINABASA MO ANG
Hi Crush (Hi Series #1)
Short StoryHi Series #1 Sunny Amora Esmael is like a sun, a bright sun that gives warm to her love ones, can her rays reach her crush's life? ••• An Epistolary Novel