007

463 14 2
                                    


C L O U D   M I G U E L


Kanina pa ako pabalik-balik sa salamin para tignan ang sarili ko. Hindi ako makapili ng isusuot. Hindi naman ako manliligaw sa kanila ngayon pero grabe ang kaba ko. Mas kinakabahan pa ko ngayon kesa kapag kumukuha ako ng exams. I will go there as Ash's friends not as Sunny's suitor but just thinking that I will see her makes me damn so nervous.

"Cloud anak, anong nangyayare sayo?" Tanong ni Mama ng pumasok siya sa kwarto ko. "Nasa labas nga pala ang pinsan mo. May lakad ba kayo ni Sky?"

Nilapag ko ang tee-shirt na hawak ko at naupo sa kama.

"Hindi ko alam kung anong susuotin ko Ma." Naguguluhang saad ko na para bang ang hirap-hirap pumili sa mga damit ko. "Wala Ma, mang gugulo lang siguro iyon dito." Dagdag ko pa.

Lumapit naman siya sa akin at tinignan ang iilang damit ko na nakapatong sa ibabaw ng kama.

"Ang dami mong bagong damit bakit hindi 'yun ang suotin mo? Pupunta kalang naman kanila Ash bakit ka nagkakaganyan—" napatigil si Mama ng marealize niya kung saan ako pupunta at kung bakit ako kinakabahan ng ganito.

Ngumisi si Mama sa'kin at naupo sa gilid ko. Hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sa kanya. Alam ko na talagang aasarin niya ako, buti nga at di pa pumapason sa kwarto ko si Sky kung hindi pati ang isang iyon ay mang aasar na rin.

"Nag papagwapo ka ba para kay Sunny? Aba dapat lang, chance mo na 'yan nak." Masayang saad nito.

Hindi ko tinago sa parents ko na may gusto ako kay Sunny. Alam na nila ang tungkol sa nararamdaman ko simula ng maikwento ko sa kanila ito. Hindi naman nila ako pinigilan, sinuportahan pa nila ako. Alam naman kasi nila na hindi ko naman pababayaan ang pag-aaral ko dahil lang sa may gusto akong babae, and in another hand they like Sunny.  Kilala na siya ng mga magulang ko dahil naikekwento ko siya sa kanila, naging kaibigan na rin kasi ni Mama ang Mama ni Sunny. Nakasabay niya raw ito sa pamamalengke at kinaibigan na ni Mama para inggitin ako na nakakasama niya si Sunny minsan pag sumasama ito sa pamamalengke ng Mama niya.

"I'm so nervous right now Ma." Pag-amin ko kay Mama. Tumawa siya saglit dahil sa sinabi ko.

"Normal lang 'yan anak. Ganyan din naman ang Papa mo kapag dumadalaw siya sa bahay namin noon. Ang maipapayo ko lang sayo, ipakita mo lang sa kanya kung sino ka dahil kaming mga babae nahuhulog kami sa mga lalakeng totoo sa sarili nila.

Napatango naman ako sa sinabi niya.

Tinulungan ako ni Mama sa pagpili ng isusuot, pumasok din ang pinsan ko sa kwarto at inasar na rin ako dahil sa sinabi ni Mama.

"Go anak, I want Sunny as my daughter-in-law ha." Nakangiting saad nito bago ako iwan sa kwarto.

"Cute mo insan para kang tuta diyan."

Binato ko ng unan si Sky dahil sa sinabi niya, hindi naman siya natamaan dahil mabilis niyang naisara ang pintuan ng kwarto ko.



Ako ang huling bumaba sa sasakyan ni Risk. Isang sasakyan lang ang dala namin dahil nagkasundo kami na sabay-sabay na pumunta kanila Ash. Sinundo na rin nga ni Lemon si Mila kanina para hindi na mag abala pa si Ash na sunduin ito sa kanila.

Napatingin ako sa simpleng bahay nila Sunny. Kahit simple lang ay napakaaliwalas nun sa mga mata.

"Cloud bilisan mo naman diyan!" Napatingin ako kung saan nakapwesto si Ash dahil sinigaw niya ang pangalan ko.

Hi Crush (Hi Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon