Dream Journal 7

32 5 3
                                    

"Alam mo, yang way na yan" sabay turo nya sa isang daang maraming puno sa paligid "Short cut 'yan papuntang Rob"

Bigla nalang 'yan pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala yang statement na 'yan. Sa pagkakatanda ko, isang kaibigan ko ang nagsabi sakin nyan.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na naglalakad na sa isang gubat! Oo, gubat nga. Maraming puno at mga damo. Napagtanto ko naman bigla na ito pala 'yong daan na sinasabi ng kaibigan ko, shortcut daw papuntang Rob, di ko na kelangang mag-jeep pa.. Lakad nalang daw...

Kaya naglakad nga ako ng naglakad kahit puro puno naman ang nakikita ko sa paligid.

Di ko namalayan na tumatakbo na pala ako!

Bakit?

Kasi may humahabol na sa'king mga lalaking nakaitim.

Tatlo sila, pero ngayon isa nalang.

Pabilis ng pabilis ang takbo ko. Natatakot ako na maabutan nila ako.

Ilang minuto rin ang itinagal ng paghahabulan namin... Sa wakas ay may nakita rin akong lagusan..

Dali-dali akong tumalon (imagine nyo yung talon ng isang lobo as in wolf) para makalusot sa maliit na lagusang iyon ...

Pero

Bigla itong nagsara!

Natumba ako at nalaglag sa lupa at nakita ko ang ilang kalalakihang nag-iinuman sa isang lamesa - sa tabi lang ng pinagbagsakan ko.

Dali-dali nila akong binuhat at itinali sa isang nakausling kahoy sa di kalayuan!

Akala ko'y papatayin nila ako!

May ilang mga itim na malalaking aso akong nakita.

Umiyak ako ng umiyak at nagmakaawang wag akong patayin.

Nagdarasal rin akong wag sana akong lapain ng mga aso..

Maya-maya'y may lumapit sa aking malaking lalaki at kinalagan ang tali ko.

Inutusan nya akong umupo sa bangko na nakatapat sa isang lamesa ... Hindi ko na napansin ang mga bagay na nakapatong sa lamesa dahil sa sobrang kaba ko. Ang tangi kong kasama dito ay ang mga malalaking lalaki na nakaitim at mga asong itim rin ang kulay.

May dumating ... Isang napakalaking lalaki.

Sya ang pinakamalaki sa kanilang lahat!

"MAGSI-ALIS KAYO! HUWAG NINYONG AGAWAN NG CHOCOLATE ANG MAHAL NA PRINSESA!!" galit na galit niyang sabi

Nagsi-alisan nga silang lahat pati yung mga aso na akala mo'y nakakaintindi ng sinasabi ng tao at ako nalang ang natira sa lamesa ... Na ngayon ko lang napansin ... Na puno pala ng maraming chocolatessss!

:D

Engot lang? :))

The Unconscious Mind: A Dream JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon