Dream Journal 5

34 5 0
                                    

Lumabas ako sa silid-aralan.

Nakita ko siya - at pagkuwa'y sinundan ko. Kilala ko ang lalaking aking sinusundan. Ang kamag-aral ng aking pinsan.

Hindi ko alam kung bakit pilit ko siyang sinusundan.

Nakarating siya sa dulo ng daan at

Pumasok siya sa liwanag. Sumunod pa rin ako!

Ilang segundo lamang ay nag-iba na ang aking paligid.

Luminga-linga ako at nakita ko muli siya!

Sa wakas!

Umakyat ako sa toreng inaakyatan niya.

Nang makarating ako sa tuktok ay natanaw ko ang dagat na kulay lila!

Patuloy ang pag-alon nito.

Matagal akong tumitig sa kulay lilang karagatan - hindi nagbabago ang kulay nito.

Ngayon lang ako nakakita ng ganito.

Nawala na sa isip ko ang pagsunod sa kanya.

The Unconscious Mind: A Dream JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon