Chapter 16

12.1K 509 26
                                    

Chapter 16

Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Kairon sa meeting room ay agad kaming lumabas. Dumiretso kami sa opisina niya at ni-lock ang pintuan.

Akala ko ay doon na iyon nagtatapos nang halikan niya ulit ako at dalhin sa kaniyang kwarto. Narinig ko ang pag-lock ng pintuan at agad niya akong tinulak papunta sa kama.

Naulit ang nangyari sa amin kanina sa meeting room. Pero ang pagkakaiba lang ay hindi ako ang nakahiga, kun'di siya at ako ang nasa taas niya.

Hanggang sa matapos ang aming pagnanasa sa isa't isa. Nakatulog ako sa kama dahil sa pagod na aking naramdaman. Hindi naman niya ako inabala pa at hinayaang matulog.

Paggising ko ay maayos na ang aking itsura. May iba na akong damit at shorts, pero ang mga marka sa leeg at katawan ko ay nandoon pa din.

Nang makitang gabi na ay mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto. Wala si Kairon sa kaniyang table, bumalik ako sa kwarto at hinanap ang aking mga damit.

Nang makita ko ito ay agad ko itong sinuot. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at lumabas na ng opisina niya. Wala na ang mga tao sa kani-kanilang mga pwesto.

Pumasok ako sa aking opisina at kinuha ang mga gamit ko. Binuksan ko ang aking cellphone at tumambad sa akin ang mga nag-aalalang mensahe nina Tita at Lay.

Mukhang napapadalas na ang pag-uwi ko ng gabi. Baka magalit na sila sa akin.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 1. Hindi na ako magpapa-alam kay Kairon, magagalit na talaga sina Tita at Lay. Baka sumugod pa sila dito, ite-text ko na lang si Sir.

Nang makalabas ng opisina ay agad akong tumawag ng taxi at sumakay dito. Halos kalahating minuto ang itinagal ko sa taxi dahil sa traffic.

Sa awa ng diyos ay nakababa din ako at tumakbo na papunta sa bahay. Pagpasok ko ay nag-aalalang mukha ni Tita ang naabutan ko kasama si Lay na naka-alalay sa kaniya.

"Tita, nandito na po ako." sigaw ko at agad naman silang lumapit sa akin.

"Nako ikaw talagang bata ka, oo. Saan ka ba nanggaling anong oras na? Sobrang nag-alala ako sayo." sabi ni Tita at niyakap ako ng mahigpit.

"Hoy, napapadalas na iyan ah. Mag-uusap tayo mamaya." sabi ni Lay sa akin at nauna nang pumasok sa loob.

Papasok na sana kami nang biglang may speaker na dumating, "Warren, jusko ginoo mabuti naman at nakauwi ka na." sigaw ni Aling Marites at tumakbong lumapit sa akin.

"Hindi ko alam ang mangyayari kapag nawala ka." dagdag niya pa at agad namang sumingit si Tita.

"Hoy, hindi mawawala ang pamangkin ko. Gusto mo bibig ko ang pawalain ko?!" panghahamon ni Tita.

"Ay walang gano'n mars, eto nga ako may dala akong ulam pandagdag sa inyo." mabait na tonong sabi ni Aling Marites.

"Ay salamat." biglang mabait naman na sabi ni Tita. Mga plastik nagsama.

"O siya sige, mauuna na ako. Mag-iingat ka Warren, nako." dagdag pa ni Aling Marites at umalis na.

"Thank you po." pahabol kong sabi.

Pumasok na kami sa loob at pina-upo ko naman si Tita sa upuan. Agad kong napansin si Cedrick habang hinihele si Baby Zac.

Agad na nagliwanag ang mukha ko pero agad ding nawala nang harangan niya ito gamit ang nakakatakot niyang titig.

Huminto ako at umupo sa gilid ni Tita. Si Lay naman ay umupo sa tapat ko. Mukhang nasa mainit-init akong interview ah. Katakot!

"Bakit ginabi ka na?" seryosong tanong ni Lay.

My Possessive Boss (Seiton Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon