Chapter 19

12.3K 524 136
                                    

Chapter 19

Maaga akong pumasok ng opisina at dala-dala ang kapeng gusto ni Kairon. Hindi ko pa din makalimutan ang nangyari kahapon. Parang ayoko na ngang pumasok.

Wala si Shaine sa coffee shop kaya mabilis lang din akong nakaalis. Habang pasakay ng elevator ay biglang pumasok ang hinahanap ko sa coffee shop kanina.

"Shaine?!" gulat kong tanong.

"Shaine, your handsome janitor." sabi niya at hinaplos pa ang kaniyang ilong.

"A-ano? Janitor ka naman ngayon?" tanong ko sa kaniya.

Natatawa naman siyang tumango-tango, "Oo, hindi na ako nagtatrabaho doon sa mall. Masiyadong malaki." sabi niya at sabay kaming tumawa.

Wala pa ako sa floor ni Kairon nang bumukas ang elevator. Pumasok doon ang lalaking muntikan nang makabangga sa akin noon sa kanto namin.

"T-teka, kilala kita ah?" tanong ko.

"Yep, Raizer. Your handsome racer." sabi niya at natawa naman ako dahil magkatugma ang kaniyang sinabi. Pati si Shaine ay mahinang natawa.

"What's funny?!" galit na tanong ni Raizer kay Shaine.

"Get the hell away from me." sabi ni Shaine at tinulak si Raizer.

"Anyways, I'm here for business." sabi ni Raizer at ngumiti sa akin.

Bumukas ang elevator sa floor kung saan nandoon ang opisina ni Kairon. Lahat kami ay doon ang punta kaya sabay-sabay na kaming lumabas.

Kumatok ako at agad namang sumigaw si Kairon na pumasok. Seryoso niya akong tiningnan at nang makita niya ang dalawang nasa likod ko ay agad iyong nagbago.

"What can I help you?" tanong ni Kairon kay Raizer habang si Shaine naman ay nakangiti lang.

"Hi, ako po 'yung pinatawag para maglinis ng kwarto niyo." sabi ni Shaine na tinanguan naman ni Kairon.

"You're not familiar." sabi ni Kairon pero binuksan pa din ang pintuan.

"Bago pa lang ako, pero mapagkakatiwalaan." mayabang na sabi ni Shaine. Naiwan ni Shaine ang ibang panglinis sa gilid ng table ni Kairon.

Nangingiti naman ako dahil hindi man lang siya gumalang kay Kairon.

"How about you?" tanong naman ni Kairon kay Raizer.

"Invest." maikling sabi ni Raizer kay Kairon. Pinaupo naman ni Kairon si Raizer.

Mukhang wala sa mood si Kairon ngayon. May problema bang nangyari sa kaniya o sa opisina. Baka magalit nanaman siya ng sobra.

Lumapit ako sa table ni Kairon at ilalagay sana sa table niya ang kape nang mabangga ko ang mga panlinis na dala ni Shaine na naging epekto ng pagtapon ng kape sa damit ni Kairon.

"Fuck!" sigaw ni Kairon at napatayo sa kaniyang kina-uupuan.

Agad akong umayos at lumapit kay Kairon nang bigla niya akong itulak ng malakas. Malakas ang pagkakatulak niya kaya agad akong natumba at nauntog ang ulo sa pader.
"Ah!" inda ko.

"What the fuck?!" sigaw ni Raizer at agad akong nilapitan.

Hahawakan sana ako ni Raizer nang biglang magsalita si Kairon.

"Don't you dare touch him or else." nagbabantang sabi ni Kairon kay Raizer.

"Or fucking else what?" matapang na tanong ni Raizer.

Mabilis na lumapit si Kairon kay Raizer at akma itong susuntukin nang pumagitna si Shaine at hawakan ang kamao ni Kairon.

"Bitawan mo ako!" sabi ni Kairon na ginawa naman ni Shaine. Itinayo ako ni Raizer at pinaupo sa couch.

My Possessive Boss (Seiton Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon