Chapter 28

10.5K 395 27
                                    

Chapter 28

"Ako na dyan, sumakay ka na." sabi ni Kairon at kinuha ang maleta sa akin.

Paalis na kasi kami ng bahay at babalik na ng Manila. Lahat kami ay naghahanda na sa pag-alis pero si Milly ay nakaupo lang sa gilid at nakasimangot.

Lumapit naman ako sa kaniya at inakbayan siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti, pero may halong lungkot ang ngiti niya.

"Bakit ka nakasimangot?" tanong ko.

"I'll miss this place, it's so wondeful. The people here is so mabait, hindi katulad sa Manila." sabi niya.

"Siguro kasi dito ay magkakasama silang lumaki, parang pamilya na sila dito. Bibisita na lang tayo dito kapag may libre tayong oras, okay?" tanong ko at tumango naman siya habang nakangiti.

Tumayo ako at iniwan siya doon saglit para tumulong sa mga gamit na dadalhin. Maradi kasing iuuwi si dad na mga gamit na kakasya sa eroplano.
Napansin kong lumapit si Marco kay Milly at kinausap. Ilang saglit lang ay gulat na ang mukha ni Milly habang nakangiti. Dahil sa kuryoso ay lumapit ako sa kanila at nagtanong.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" nakangiti kong tanong.

"Sasama siya sa atin?!" patanong niyang sabi.

"Oo, noong bata pa siya ay pinangakuan ko na siyang pag-aaralin pero hindi iyon natuloy dahil nga nagkasakit ang lola ninyo, hanggang sa kuhain na siya ng panginoon." nakangiting sabi ni Dad.

"Babe, yung kambal." sabi ni Kairon kaya iniwan ko na sila Milly doon.

Pumasok ako ng bahay at binuhat ang kambal. Lahat sila ay nasa van na kaya mabilis akong naglakad, sinalubong naman ako ni Kairon at kinuha si Kale.

Sumakay na ako ng kotse at mabilis naman itong umandar.

Ako at si Kairon ay nasa likod ng driver at ni dad. Sa likod naman namin ay sila Marco at Milly. At sa likod nila ay si Tita, ayaw niyang tumabi sa amin ang arte.

Kuwento ng kuwento si Milly ng kung ano-ano at nakikinig naman si Marco. Hindi ko alam kung paano niya na-hahandle ang ka-ingayan ni Milly.

Ilang minuto lang ay hindi ko na narinig ang kuwento ni Milly. Tumingin ako at natutulog na siya sa balikat ni Marco, habang si Marco naman ay tulog na din at nakapatong sa ulo ni Milly.

Napangiti ako at kinuha ang phone sa bag. Inihiga ko muna si Kiro sa upuan at humarap kila Milly at Marco para makuhanan sila ng litrato.

Natatawa naman akong bumalik sa pag-upo at kinarga si Kiro. Binalik ko ang phone sa bag at nakangiting tumingin-tingin sa labas.

Huminto ang van nang makarating kami sa airport. Dumiretso na kami sa loob at sumakay sa eroplanong pag-aari ni dad.

Sobra ang pagkagulat ko dahil may sariling eroplano ang tatay ko. Sobrang yaman siguro ng pamilya nila, hindi ako makapaniwala.

Isa-isa kaming pumasok sa loob ng eroplano ni Dad at kaming dalawa lang ni Marco ang namamangha. Eto rin kasi ang unang beses kong sumakay ng eroplano.

"Inaantok na ako." sabi ko kay Kairon nang makaupo ako sa kaniyang tabi.

"Sleep here." sabi niya at tinapik ang kaniyang balikat.

Hinanap ko naman si Tita para ibigay si Kiro pero nakapikit na siya at siguro'y patulog na. Lumapit ako kay dad at binigay si Kiro.

"Dad pa-assist, inaantok po ako e." sabi ko at agad naman siyang pumayag. Sana lang ay patulugin niya si Kiro at baka kulitin niya lang.

My Possessive Boss (Seiton Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon