Habang nag lalakad kami ni Rance papunta sa building namin nakita ko yung babaeng tinititigan ko kanina.
Alam kong siya yon kaya sana hindi kame parehas ng pupuntahang room.
Pero nag kamali ako, putsa mag kaklase kame sa unang subject. Umupo na kami ni rance sa upuan namin na saktong pag pasok ng prof.namin sa room.
"Okay class we have a new student here. Miss, please introduce your self" ngiting sabi ng prof namin na si Ms.Cruz Teacher sa Technical Report Writing
"Hi,Classmates Im Camille Ramirez 18 yrs old, Galing akong Jems University. Hope we friends" magandang ngiti niya sa harap habang kumakaway.
"Okay Ramirez take a sit infront of Villaflor"
putsang galang teacher to nananadya ba siya? Sa harap ko pa talaga. Balak ko pa sanang mag reklamo pero huli na kasi nakaupo na siya sa harap ko. Sobrang balisa ako at hindi ko alam ang mga nangyayari, hindi ako makapag concentrate sa mga aralin namin masyado akong lutang lalo na nasa harap ko yung taong nang iwan sakin.
"Okay class dismiss" hindi ko namalayan na tapos na pala 1st sub. namin. Tumingin ako sa wrist watch ko at 10:30 breaktime
Inaya ko si Rance sa Cafeteria kasi gutom na talaga ako dahil sa aga kong mag almusal kanina.
Habang nag lalakad na kami papuntang canteen. Biglang may himigit sa braso ko. Kilala ko kung sino yun kahit kamay palang niya ang nakita ko.
"Rex wait!" Bigkas niya habang humihingal pa.
"Bakit ano kaylangan mo?" Walang emosyon kong tugon sa kaniya. Ayokong makita niya na affected parin ako hanggang ngayon. Hindi ako marupok.
"Can we talk for awhile?" Tanong niya sakin ng may pag susumamo.
"Pwedeng mamaya nalang gutom na kasi ako ey" pag papakatotoo kong sabi sa kaniya dahil gutom na talaga ako. Baka makain ko siya ng wala sa oras ^_^ chaar!
"Ahh..eh.. Okay mamaya nalang pag uwian" nahihiya niya pang sabi. Sabay kong talikod sa kaniya. Bastos na kung bastos pero di ko na talaga mapigilan sarili ko sa emosyon na bumabalot sa katawan ko.
"Oh pre anong nangyari sayo? Bat ganyan Itsura mo di mapinta?" Tanong ni Rance na mukang nahalata niya na nag iba mood ko.
"Si Camille gustong makipag usap sakin. Hindi ko alam kong bakit at ano. Basta ang alam ko lang sa ngayon nagugutom na talaga ako"
Natawa pa ang mokong sa sinabi at inasta ko.Habang nag hahanap ng mapag pupwestuhan nakita ko si Cathy Yap kalandian ko dati at siya lang mag isa. Kaya napag pasyahan namin na dun nalang maki pwesto tutal close naman kami.
"Cath pwede kami makishare?" Pormal kong tanong sa kaniya.
"Why not boys, para namang wala tayong pinag samahan eyy, hahaha" natawa naman din kami sa sinabi niya at umupo na kami.
Habang kumakain ako nag iisip ako kung ano ang sasabihin niya sakin. Kaylangan kong gumawa ng paraan para hindi niya mahalata na di pa ako nakakamove on sa kaniya.
Ilang sandali pa nag bell na ulit para sa 2nd sub. Namin L. Dumiretso kami sa kabilang building dahil nandun yung class namin sa Math.
Sa paglipas ng mga oras dismissal na ulit at wala ulit akong naintindihan sa klase -_-. "Ano ba kasing nangyari sakin at nag kaganto ako bigla" inis kong bulong sa sarili ko.
Nag tataka si Rance sa mga kinikilos ko kanina pa."Hoy, ano bang nangyayari sayo Rex? Kanina kapa ganyan ahh sa 1st sub. Hanggang ngayon na uwian na ganyan ka parin. Ano bang nangyayari sayo? Dahil ba to sa ex mo si Camille? Hah? Akala ko ba di ka mag papaapekto sa kaniya? Bat nag kakaganyan ka simula nung pumasok siya dito?" Tuloy tuloy niyang sabi habang nakakunot ang kilay niya.
Ewan ko ba maski ako nahihirapan na sa sarili ko naiinis nako sa mga nangyayari simula kanina hanggang ngayon. Pag ako talaga nawala sa Deans lister siya talaga sisisihin ko. Chaar!
YOU ARE READING
MY LOVING EX
Teen FictionHanggang kailan ka nag moveon sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka nag hintay sa kaniya kahit alam mo naman na malabo? May chance pa kaya na mag balikan ang mag ex na ilang taon ng naghiwalay? - - Sana po tangkilikin niyong muli ang aking storya. A...