Hindi ko na pinansin si Rance hanggang sa nag paalam na siya sa parking lot para kunin ang kotse niya.
Habang nag lalakad ako palabas ng gate. May humigit sakin na isang pamilyar na kamay.
"Bakit? Ano ba kaylangan mo?" Irita kong tugon sa kaniya. Di ko maitago ang inis dahil sa mga ginawa niya sakin.
"Galit ka parin ba sakin?"
Malungkot niya tanong, alam kong may dahilan siya kung bakit niya yun ginawa sakin.Inaya ko siyang umupo sa may waitingshed dahil alam kong mahaba habang usapan to alas dos palang naman ng tanghali kaya medyo maaga pa para umuwi.
"Sobra akong galit sayo, sa pang iwan mo sakin na kahit isang rason wala akong narinig, galit ako kasi di ko alam kung ano yung pag kukulang ko para iwan mo ako ng ganun ganun nalang"
sobrang sakit parin habang inaalala ko lahat ng ngyari samin 3years ago. Sobrang sakit kasi mahal na mahal ko siya tapos maririnig ko nalang sa kaniya na may iba na siyang mahal. How bullshit!
"Sorry kasi di ko sinabi sayo yung totoo, sorry kasi iniwan kitang clueless manlang sa mga nangyari. Pero sana pakinggan mo yung side ko kung bakit ko yun ginawan" so all this years may dahilan pala at pinag mukha lang talaga akong tanga
"Simulan muna, makikinig ako" sabi ko sa kaniya ng binuhayan naman siya ng loob.
"Nung panahong yun bago ako makipag hiwalay sayo. Kinausap ako ni daddy na sa states na ako mag aral at dun nalang mag college, pero umayaw ako dahil nga sayo. Pero pinag bantaan kasi ako ni papa eh...na.." Hindi niya maituloy ang kaniyang sinabi dahil bigla nalang siyang umiyak. May part saakin na naguguilty ako dahil ako parin ang dahilan, ako parin ang inalala niya sa huli.
"Binantaan ako ni papa na kung di daw ako makipag hiwalay sayo papaalisin ka daw niya sa school"
Ano? Ako papaalisin? Pano naman niya yun magagawa ey ninang ko ang may ari ng school na pinapasukan ko.
"Bakit naman niya yun gagawin?" Hindi ko alam kung bakit.
"Si papa ang may pinaka malaking share sa Manzano University halos 70% ang share namin, kaya malakas ang loob niya na patalsikin ka sa school nato dahil alam niyang walang magagawa ang mommy ni Rance kahit pakiusapan niya pa to" Tuloy tuloy niyang paliwanag pero dafak kulang parin ey. Bakit niya gagawin sakin yun?.
Alam kong una palang tutol na sakin ang magulang ni Camille dahil sa istado ng pamumuhay namin. Mayaman sila sobrang yaman. Samantalang kami may kaya lang nalugi pa nga plantation namin dahil sa mga bagyong nag daan na halos maubos ang lahat ng pananim namin.
"Dapat sinabi mo parin sakin diba, hindi yung nag mukha akong tanga camille, ilang taon! Ilang taon akong nag mukmok, uminom at nag pakalasing dahil sa ginawa mong yun. Saksi si Rance kung gano ako nasaktan sa nangyari. Maiintindihan naman kita ey. Pero sana manlang kahit konting impormasyon sinabi mo sakin. Para naman hindi ako mag mukhang tanga diba"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, naiinis ako hindi sa kaniya kundi sa tatay niya. Usa pa pala ngayon ang dapat mayaman sa mayaman, mahirap sa mahirap ang mag kakatuluyan. Pano naman ang gusto namin na malayang mag mahal kung sino ang mamahalin namin diba."Sorry talaga Rex sa mga nangyari, kung di moko mapapatawad maiintindihan kita. Dahil alam ko ang sakit na dinanas mo. Sorry talaga sana sa mga sinabi ko mapatawad mo parin ako"
Hindi ko na natiis ang sarili ko at niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang miss na miss ko siya. Sobrang nangulila ako sa kaniya. Ayoko siyang pakawalan sa mga bisig ko.
"Hayoooop! Layuan mo ang anak ko lalaki ka, hindi ka nababagay sa kaniya, hindi mo siya deserve."
Isang malakas na suntok ang natamo ko sa papa ni camille. Hindi ako makapag salita gusto kong sumagot sa kaniya pero natatameme ako. Walang salitang lumabas sa mga bibig ko."Halika kana camille, umuwi na tayo. Humanda ka pag uwi sa bahay" kinaladkad niya si camille papuntang sasakyan nila habang habol na nakatingin sakin na umiiyak.
"Camiiiilleee" yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko ng umandar na sila papalayo.
Naiinis ako, sobrang naiinis ako sa sarili ko!
YOU ARE READING
MY LOVING EX
Teen FictionHanggang kailan ka nag moveon sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka nag hintay sa kaniya kahit alam mo naman na malabo? May chance pa kaya na mag balikan ang mag ex na ilang taon ng naghiwalay? - - Sana po tangkilikin niyong muli ang aking storya. A...