Di nako masyadong nag tagal pa at binilisan ko na ang pag ubos ng beer sa case. Lasing narin si Cath kaya no choice ako na ako nalang mag isa ang uubos 7:30 narin ng gabi at napag pasyahan kong utusan ang mga kaibigan niya na hatid na nila si cath para makauwi. Kaso mukang malabo na maihatid nila kasi sila din ay sobrang lasing din.
Ilang sandali pa at napag disisyonan kong ako nalang ang mag hahatid sa kaniya, kukunin ko nalang yung kotse ko sa parking lot ng condo kasi diko naman yun dinadala sa school kasi malapit lang.
"Clarise kayo muna bahala kay cath ahh. Kunin ko lang kotse ko hahatid ko siya"
Tumango naman siya bilang pag tugon."Dito lang kayo ah. Wag kayong aalis jan" pahabol ko pa at umalis na sa lugar nayun.
Nag mamadali akong pumunta sa parking lot ng building namen at kinuha na ang kotse.
Pumunta ulit ako sa bar para sunduin si Cath. Namomoblema pa ako kung saan bahay nito. Hays bahala na nga.
"Clarise san ba nakatira to?" Tanong ko sa kaibigan niyang papungay pungay pa dahil sa kalasingan.
"Jan lang sa Reyes St. Tapos sabihin mo nalang sa guardia yang babaeng yan iuuwi mo kasi lasing. Sasabihin na nila kung saan siya nakatira" pasigaw niyang sabi sapat na para marinig ko.
Haays, iinum inum di naman pala kaya.
"Sige na ako na bahala dito, hahatid ko na siya" paalam ko sa kanila at binuhat na si Cath. Buhat pang kargador hahaha.
-
-
Nandito na kami sa tapat ng subdivision nila at kinakausap ang guard."Sir san po kayo?" Tanong sakin ng SG .
"Sa bahay po ng mga Yap, kasama ko po kasi anak nila lasing na lasing sa bar kaya ihahatid ko po sana sa kanila" mahaba kong tugon. At sumilip pa sila sa loob ng kotse para makasigurado na kasama ko.
Nag tipa siya sa telepono at may kinausap.
"Sir yung daddy nalang daw po niya ang susundo dito. Hintayin niyo nalang po siya" sabi ng sg sakin kaya tumango nalang ako at ginilid ang kotse ko.
Ilang sandali pa ang nakakalipas ay dumating na ang magarang kotse at sinenyasan ng SG ang gawi namin. At dumiretso dito ang may katandaan na pero nandun parin ang kaniyang maganda pustura at magandang mukha.
Bumababa ako sa kotse para salubungin ang daddy niya siguro yun.
"Ijo, ikaw ba ang nag hatid sa anak ko? Si cathy?" Pormal niyang sabi. Mukha naman palang mabait.
"Opo sir. Nasa loob po siya ng kotse. Pasensya na po sobrang lasing po talaga siya. Nakita ko lang po kasi siya sa bar nung pumasok po ako dun" eksplinasyon ko sa daddy niya na mukha naniwala naman. Totoo din naman kasi yung sinabi ko.
"Salamat ijo ahh, by the way what is your name?, para naman pormal akong makapag pasalamat sayo" ngiti niyang saad sakin.
"Ako nga po pala si Rex Villaflor, school mate po ni Cathy" ngiti kong saad sa kaniya at nakipag kamag pa.
"Ijo Rex salamat sa pag tulong sa anak ko ah. Ako na bahala sa kaniya"
"Wala po yun sir, ako na po mag lilipat kay cath sa sasakyan niyo" magandang prisinta ko sa kaniya na pumayag naman agad.
"Sige na Rex umuwi kana anong oras na gumagabi na masyado, salamat ulit at mag iingat ka" paalam ng daddy ni cath ng nakasakay na sa sasakyan nila.
"Sige po sir, wala pong anuman" ngiti kong sabi at kumaway pa habang papaalis na sila.
"Its my turn to go home" bulong ko sa sarili ko habang nag mamaneho papuntang condo.
Feeling ko sobrang pagod na pagod ako sa araw na to dalawang subject lang naman pinasukan ko kanina.
Haays! Gusto kong contackin si Camille pero di ko alam kung paano at saan naman. Sobrang gumulo yung utak ko nung dumating siya bigla dito.
Nakarating ako sa unit ko ng tulala nanaman dahil sa daming iniisip. Iniisip ang mga sinabi camille. Totoo kaya ang lahat ng yon? Di ko alam! Sobrang gulong gulo nako.
Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama ko ng makarating ako sa kwarto ko. Sobrang pagod ako di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pag iisip.
YOU ARE READING
MY LOVING EX
Teen FictionHanggang kailan ka nag moveon sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka nag hintay sa kaniya kahit alam mo naman na malabo? May chance pa kaya na mag balikan ang mag ex na ilang taon ng naghiwalay? - - Sana po tangkilikin niyong muli ang aking storya. A...