CHAPTER 09

575 54 13
                                    

Ali Eiren P.O.V

Kasalukuyan kaming kumakain ng Hapunan habang kaharap ko ang mga magulang ni Dylan at Dax. Hindi ko alam kung bakit pero naiilang ako sa atmosphere, siguro dahil ilang beses ko nang nahuhuli na nakatitig sa akin si Dylan at ilang beses narin nagtatama yung mata namin ni Dax tuwing nagsasalita sya.

"So Ali, magkaklase kayo ni Pierre?" Tanong ng mommy ni Dax dahilan para mabaling  sa kanila yung atensyon ko.

"Sa ibang subjects po pero magkaiba po kami ng Major subs" paliwanag ko, Nginitian nya ako sabay dampi ng Table napkin sa labi jya tanda na tapos na syang kumain

"I'm quite surprised nagdala ng kaklase si Pierro dito sa bahay, I can't believe na may maglalakas loob na makipagkaibigan sa kanya despite with his cold attitude."

"Dad" pagsuway na saad ni Dax habang pinandidilatan nya ng palihim yung tatay nya.

"Anyways, you're welcome dito sa bahay, just come by anytime and don't forget to bring your two little brothers, matagal tagal narin na nagkaroon ng kalaro si Duke" nakangiting saad nito sabay tingin sa mga kapatid kong abala sa pagkain.

napangiti nalang ako bilang pagsagot.
Malayong malayo yung ugali ni Dylan at Dax sa mga magulang nila.

Halatang sa sama ng loob sila ipinaglihing dalawa.

"Tito Dylan will you buy me Ice cream again?" Biglang tanong ni Terran habang kumakain ng chicken

"Oo naman, I'll treat you ice cream pag ginalingan nyo sa school"
Sagot ni Dylan habang ginugulo yung buhok nya.

"Pero sabi ni Kuya Ali we're not suppose to eat ice cream except for sunday's" pagsaway na saad ni Terren sa kapatid nya.

Bigla naman akong napakuyom sa kinauupuan ko ngayon dahil sa hiya.
Baka mamaya isipin nila pinagdadamutan ko yung mga kapatid ko.

Saglit na tumingin sakin si Dylan Sabay ngiti.

"Yeah! Kuya Ali is right, let's just wait for Sunday para sa Ice cream ayos ba?" Sagot ni Dylan sabay tingin sa akin.

Hindi ko alam kung anong maging reaction ko dahil sa mga pinapakitang ugali ni Dylan, Parang hindya sya Yung Dylan na nakilala ko 5 years ago.

pagkatapos ng dinner naiwan ako dito sa sala kasama mga magulang ni Dax habang yung mga bata naglalaro sa kwarto ni Duke.
Hinanap rin ng mga mata ko si Dylan pero bigla syang nawala after ng Dinner kanina.

Gusto ko na sanang umuwi dahil May lakad pa ako bukas at May activity sina Terren at Terran sa School pero ayoko namang basta nalang umalis ng hindi nagpapaalam sa kanila.

"kumusta na nga pala si Norman?" tanong nila.

"s-si papa po?"
utal kong sagot habang nakatingin sila sakin at naghihintay ng isasagot ko.

"oh! sorry kung napaka un- comfortable ng tanong hindi lang kasi naikwento saamin ni Norman na nagkaanak pa pala sila ni Jenny" paghingi nito ng paumanhin. napangiti nalang ako sabay iwas ng tingin.

Iniwan kami ni papa dahil sa babae nya kaya hangga't maari ayoko syang pinag usapan, lalo na pag nakikinig yung mga kapatid ko.

"ilang taon na nga ulit yung mga bata?" tanong ni tita saakin na may halong pagtataka.

"mag fa-five na po sila this september 26" sagot ko naman pero bigla silang nagtinginang mag asawa.

"a-are you sure?" nag ta-takang tanong ulit nito sakin.

"ano pong ibig nyong sabihin?" baliktanong ko sa kanya pero agad syang sinuway ni tito Philip.

"Hun! That's enough" saad ni tito sabay hawak sa kamay ng asawa nya.

He's into Him [BxB][On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon