Ali Eiren Fernandez
______________________TAHIMIK lang ako habang nakikinig sa mga komusyon nina Amber at Juls habang abala naman sa pag distribute ng Milktea na suhol ni Chollo sa dalawang damuho kong kaibigan.
nandito ako ngayon sa foodcourt dahil pakatapos ng nangyari kanina agad ko nang iniwan si Dax mag isa sa lumang building na yun.
hindi ko alam kung bakit nya ako biglang hinalikan pero hindi tuloy ako makapagisip ng maayos dahil dun.natigilan ako nang biglang pukawin ni Chollo yung atensyon ko sa pamamagitan ng pagdampi ng malamig na bagay sa pisngi ko.
"ayos ka lang ba? kanina ka pa kasi tulala jan" tanong ni Chollo sabay tabi ng upo saakin.
umusog naman ako ng kaunti para makaupo sya saka inayos yung sarili ko."a-ayos lang ako, may bigla lang akong na alala." pagsisinungling kong sagot.
"bakit? nagbago na ba isip mo sa date natin?" tanong nya dahilan para muli nanaman mag init at mamula yung mukha ko habang yung dalawa walang pakialam kung ano man yung pinaguusapan namin dahil abala sila sa pagkalikot ng cellphone ni Juls.
"h-hindi naman sa ganun" sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanya.
nabigla lang kasi ako dahil sobrang bago ng lahat ng to saakin. simula nang mag highschool ako nasanay na akong mag isa at walang kaibigan na palaging nakakausap kaya siguro napaka distant ko minsan kila Amber at Juls pero nakaka cope up naman ako kahit papano, sadyang naninibago lang ako dahil sa biglaang pag amin saakin ni Chollo, dumagdag pa si Dax.
"ayos lang naman saakin kung hindi mo ako siputin sa date natin haha, basta payagan mo lang ako na ligawan ka" saad nya na ikinatahimik ko.
tumingin ako kila Amber at Juls pero para talaga silang nananadya na wag tumingin sa direksyon namin.
"pupunta ako pangako yan" sagot ko sabay ngiti.
hindi naman siguro masama na lumabas sa sarili kong comfort zone at isa pa mabait naman si Chollo, pilyo nga lang kung minsan.
pagkatpos ng lunchbreak kanya kanya na kaming pumasok para sa PM periods namin.
Hindi kami magkaklase ni Chollo sa isang subject ngayon pero hinatid parin nya ako classsroom ko pati narin sina Amber at Juls dahil magkaiba yung Teacher namin sa Understanding culture, society and politics.
"hindi mo naman ako kailangang ihatid, pero thankyou" saad ko sabay ngiti sa kanya, nasa corridor kami ngayon habang naguusap nagulat naman ako nang bigla nya akong yakapin.
"you're so soft I wanna hug more" bulong nya sa tenga ko while sniffing my nape.
bigla akong kinilabutan dahil sa ginawa nya dahilan para magsitayuan yung mga balahibo ko sa katawan.
kumalas nalang ako nang makita ko si Dax na dumaan sa harap namin papasok sa classroom kung saan ang next subject ko dahilan para kumunot nanaman yung noo ko.
"s-sorry, sobrang saya ko lang kasi" saad nya bilang paghingi ng tawad, ngumiti naman ako saka tumango. napahawak ako sa braso ko sabay kamot.
Mukha akong timang habang nakatayo dito sa corridor ng classroom habang si Chollo panay ang titig saakin. Sobrang naiilang na ako dahil sa ginagawa nya."u-uuh Chollo k-kahit hindi mo na ako ihatid sa susunod kaya ko naman" saad ko sa kanya sabay iwas ng tingin.
"bakit? ayaw mo ba" tanong nya habang nakakunot yung makapal nyang kilay na nakatingin saakin.