Madaling araw na pero busy parin sa pagso-scroll si jasper/Alberto sa laptop gusto niyang malaman ang patungkol sa anak niya.
Si Flora Del Monte.
Nag-iisa nilang anak ni Feliza.
Huling na kasama nya Ito nung limang taong gulang palang Ito.
Nangungulila sya sa anak nya ilang dekada syang na wala sa piling nito.
Napangiti sya bawat detalye na nalaman nya mula rito na pinatakbo nyang mag-isa ang negosyo nilang paupahan o sa modernong panahon ay isang hotel.
Ang Caza Del Monte.
Ang pagmamay-ari ng kanilang pamilya na matagal nang inalagaan,iningatan at pinalago mula sa kaniyang Lola hanggang sa magulang nya at ngayon sa anak naman nya.
Sikat Ito sa negosyo dahil sa malaking paglago Ng negosyo na pinamana nito.
Nagtaka Naman sya nawala man lang nilagay dito Kung sino ang mga magulang ng anak nya kahit pangalan Ng asawa nya.Wala.
Marami na syang alam tungkol sa natamo nitong marangyang buhay.
May kirot sa puso nya Ng malaman nyang namatay Ito sa sakit sa puso.
Napatitig sya sa litrato Ng anak niyang hula niya 60 years palang sya Ng kinuhanan Ito.
"Anak patawad Hindi man lang Kita nakasama ng ilang taon dahil mas maaga pa akong nawala sa piling mo...Hindi man lang Kita nakasama sa paglaki mo at sa mga tagumpay na nakamit mo sa buhay.Masaya ako anak dahil habang wala ako nanatiling maayos ang kalagayan mo!Mas mabuti Ng ganon kaysa nawala ako na hindi maayos ang kalagayan mo."paghihinagpis na Sabi ni Alberto sa litrato.
"Anak alam mo,ikaw Lang ang nasa isip ko Ng mga oras na bawian ako Ng buhay....iniisip ko Kung anong mangyari sayo habang wala ako."dagdag nito.
Pinagpatuloy nya ang pagscroll nalaman din nya ang sumunod na nagmana ng Casa Del Monte.
Naging maayos ang takbo ng negosyo pero Hindi gaya ng dati dahil may nagnakaw ng malaking milyones na naging dahilan na tuluyang bumagsak ang negosyo na ilang henerasyon Ng pinaghirapang palaguin Ng kanilang pamilya.
Nalaman din nyang nagkaasawa Ito Ng isang Espanyol na nagngangalang Manuel Faustino Bartolome na isang anak mayaman.Nagkaroon sila Ng anak na babae na si Francisca Bartolome na nakapag-asawa Ng isang mahusay na arkitikto na si Lucas De Guzman.
Namatay ang mga Ito dahil sa car accident nagkaroon sila Ng isang anak na babae na nagngangalang Fatima....
Napatigil si Alberto Ng mabasa niya ang kabuuan Ng pangalan Ng anak Ng mag-asawa.
Fatima De Guzman.
Napalaki ang mata nya sa nalaman.
Kadugo ko si Fatima De Guzman?
Na ang inaakala Kung si Feliza!Napasandal sya sa upuan at Hindi inalis ang mata sa pangalan.
'Ang ikaapat na salinlahi Ng aming pamilya ay si Fatima De Guzman.'
Hindi sya makapaniwala sa nalaman.
Mas lalo syang nagulat Ng malaman ang buong impormasyon ni Fatima.
September 24 2001?
Parehong araw Ng kaarawan ng asawa nya na si Feliza.
September 24 1863 si Feliza Hindi magkalayo ang buwan at araw Ng kaarawan Ng dalawa.
Paano nangyari to?
Possible Kayang totoo ang reincarnation?
At possible Kaya na sya ang nasa propisiya?
YOU ARE READING
ALL ABOUT US
FantasyREINCARNATION. A rebirth of a soul in a new human body. Yan ang sinapit ng isang nerdy girl na si Fatima De Guzman. She discover who really she is. Nasa kanya ang mga alaala nito. Ang nakaraan ni Feliza De Amor. A girl who live in 19th century and s...