KABANATA 30

8 2 1
                                    

"Alam mo ba kahit Hindi ko kilala ang papa nya... kwenento parin nya sakin ang mga sandali na kasama pa niya Ito.Yun nga lang nakalimutan ko ang pangalan nito."

Ilang sandaling napatulala si Alberto sa sinabi ni Fatima at napangiti.

"Ano?Sabihin mo na!"
Natawa Naman si fatima sa kilos nito parang bata na gustong malaman ang sunod na pangyayari Ng kwento.

"Naalala ko pa nun SA kwento nya na limang taong gulang pa sya bago lumisan ang papa nya sa kabilang buhay.....naalala nya ang mga panahon at sandali na kasama nya Ito na kahit sa alaala na Lang nya Ito babalikan pero buhay na buhay parin Ito sa kanyang isipan."
Nanatiling nakinig Lang si Alberto Kay Fatima.

Bawat salitang sinabi nito ay nakakawili pakinggan.

"Nung una Hindi nya alam na pumanaw na Ito dahil ang akala nya pumunta Ito sa espanya gaya Ng sinabi Ng mama nya...pero ang totoo ayaw Lang Ng mama nya na malungkot Ito Kaya nanatili itong sikreto.Wala Naman talagang sikretong hindi nabubunyag Kaya ayon nalaman nya ang totoo pinatay ang papa nya sa mismong kaarawan pa niya sobrang naghinagpis sya sa nalaman nya...aaminin nyang nami-miss nya Ito pero wala syang magagawa dahil patay na ito at Hindi na babalik pa."

Parang may Kung anong sakit ang nararamdaman ni Alberto sa nalaman.
'Walanghiya Ka talaga Feliza pati ang anak natin pinaniniwala mo sa kasinungalingan!'galit na Sabi niya.

Nanghihinayang si Alberto sa Segundo,minuto at oras na nasayang Ng mawala sya.Na Sana na kasama pa niya Ng matagal ang anak nya.
Walang syang ibang sisihin Ng lahat Ng Ito kundi ang taong pinagkatiwalaan.....ang taong bumuo Ng araw......ang taong Ina Ng anak nila at ang taong minahal nya na walang iba...........kundi si Feliza.

Alam na nya noon pa na Hindi sya ang mahal nito na kailaman walang puwang ang katulad nya sa puso Ng taong minahal nya.

Tanggap nya na hindi masusuklian ni Feliza ang wagas na pag-ibig na ini-alay nya rito pero patuloy parin nyang pinipilit ang sarili sa kanya na nagbabasakaling kapag kinasal na sila malipat nito ang pag-ibig na inaasam nya.

Pero Hindi dahil kahit anong pilit hinding-hindi nya mapapantayan ang taong nasa puso't isipan nya.

Umasa lang sya sa wala.
Ang kinagalit nya rito Kung bakit hindi sya tumanggi sa pagiisang dibdib nila?...Kung sana sinabi na Lang ng babae dahil wala namang masama Kung sasabihin niya ang totoo mas mabuting sya ang magsabi para hayaan na lang nya si Feliza at Hindi na aasa pa.Kung Sana sinabi nya ito hindi to mangyayari..nakapaghanap pa Sana sya Ng taong mamahalin din sya Ng sobra at kayang Suklian ang pagmamahal nya..magkaroon pa Sana sya na isang pamilya...magkaroon pa Sana sya Ng mahabang buhay para sa kanila.

Pero anong ginawa ni Feliza pinagplanohan nyang patayin si Alberto para mawala na Ito sa mundo at muling magsimula ang relasyon nila ni lorenzo.Ang matalik na kaibigan ni alberto.Wala syang inaasam kundi ang paghihiganti sa taong pumatay sa kanya pero anong magagawa nya na nandito nga ang taong pumatay sa kanya pero wala Naman dito ang taong pakay nya,ang taong umutos na patayin sya.

"Eduardo,wagas ba talaga ang pag-ibig mo sa akin?"tanong ni Feliza na may pangaakit na tingin sa binata.
Parang nahiptonismo ang lalaki Kaya napa-oo Ito.

"Na handang gawin ang kahit na ano para sakin?"

"Oo,Feliza."sagot Ng lalaki na Hindi parin inalis ang mata sa mga mata Ng babae.

"Pwes mabuti!Dahil may ipapagawa ako na tiyak na ikakatuwa ko....maari bang gawin mo?"pakiusap Ng dalaga sa malambing na tono.Ngumiti Ng nakakatamis ang lalaki.

ALL ABOUT USWhere stories live. Discover now