Copyright © 2015 via Wattpad
Nean's POV
Andito na ako sa room namin. Kanina nag insist si Garry at Brian na sila na daw ang mag-aalaga kay Jefferson.
Sinabi ko namang problema ko yun at ako dapat ang gagamot sa mga sugat niya.
》FLASHBACK
Nakatakip parin ako ng mga mata't tenga ko. Om my Ghad! Katapusan ko na ba ito?
Hinihintay kong dumapo yung mga kamao nila sa balat ko pero wala.
*boogsh*~
Anong tunog yun? Parang tunog ng may sumuntok. Dahan-dahan kong imunulat ang mga mata ko. Patuloy parin ang kalabog.
Nagulat ako kasi si Jefferson nandito? Anong hangin ang nalanghap nito? Bakit ganito? Ayaw paring kumilos itong katawan ko para tulungan si Jefferson.
Parang ayaw ng gumalaw ehh. Heto ako nga nakatunganga na nanonood sa kanya. Sinapak ko ang sarili ko.
Tinry kong tumayo and yes, it works haha. Tumakbo na ako papunta sa isang kalbong lalake at susuntukin ko siya.
*boogsh*~
Waah! Ang sakit naman ng kamay ko. Hinawakan ko ang kamay ko at hinhipan ito. Tinignan ko naman kung sino yung tumba.
What the heck! Imbis na yung lalakeng kalbo and nandoon sa sahig pero si Jefferson naman. Umalis na ata yung mga weird guys. Wala na sila ehh.
Lumapit ako kay Jefferson. "Sinuntok mo bibig ko!" aww! Ako pala ang may kasalanan.
Itinayo ko siya at inalalayan papuntang van. Kinapa ko naman sa bulsa niya yung susi. "Aww!" Angal nito, nahawakan ko kasi yung---- yung tuhod niya. Dirty niyo!
"Sorry" sabi ko naman sa kanya.
"Kaya mo bang mag-drive?" tanong ni Jefferson sakin. "Syempre alam ko" sagot ko naman sa tanong niya.
Buti nalang ehh nagpabili ako ng kotse ko. Pumasok na ako sa drivers seat. At sinimulan ko nang mag-drive.
Habang nasa biyahe hindi ko maiwasang magtanong sa kanya. Tinanong ko kung bakit siya pumunta doon, anong ginagawa niya, at bakit alam niyang andoon ako.
Pero all in all, ang sagot niya? "Ewan ko sayo, letche!".
Ano bang kasalanan ko. Duhh! Nag-concentrate na ako sa pagda-drive baka matuluyan pa kami. Naku! Aalis na ako.
》END OF FLASHBACK
Kukuhanin ko na yung First Aid kit dito sa room namin. Ang hirap nakakahilo, buti dala-dala ko itong map sa room na ito.
Tapos narin. Phew! Nakita ko narin ang first aid kit na kailangan ko.
Pumunta na ako sa kama at inilapag ito. Binuksan ko ito at kinuha ang mga gamit na kailangan para gamutin ang mga bibig niya.
Ngumanga naman siya. Shit! Ang hot niya. Napailing nalang ako. "Hep! Anong iniimagine mo diyan ha. Huwag mo akong gahasain, virgin pa ako" natawa naman ako sa sinabi niya.
Sabagay, may point naman siya baka may hindi magandang gagawin ko sa kanya. "Wala" sabi ko.
Pagkatapos kong gamutin ang bibig niya at yung mga sugat naman niya sa iba't-ibang parte ng katawan niya.
Kawawa naman siya. 5-in-1 kasi ang laban ehh. Iisa lang siya at lima ang kalaban niya. Halos puro lahat may bilbil, kala mo naman kung sinong siga. Sarap upakan.