Chapter 9

33 3 2
                                    

Copyright © 2015 via Wattpad

Nean's POV

Nandito ngayon ang barkada sa isang lugar kung saan ay maraming punong kahoy at may mga benches around.

To be exact nandito kami ngayon sa tree park.

Nandito akong mag-isang naka-upo. Syempre tampo parin ako sa nangyari noong last 2 weeks. Ang ga-gaga naman kasi nung mga kaibigan ko.

Panay sila 'sorry na Nean!'. Manigas sila magiging cold ako sa kanila.

Ang hirap din pala ng feelings na hindi mo pinapansin ang mga kaibigan mo. Masakit na parang go lang ng go para naman sila rin ang makaranas ng sakit.

"Anong bang gagawin natin dito. Magta-tanghali na oh, ang init" mainit ang ulo ko nung sinabi ko ang mga iyan.

"May--oh andiyan na pala sila ehh" sabi niya. Ngek, ba't di niya itinuloy.

Napalingon naman ako sa likod ko. Parang uminit lalo itong ulo ko. Gosh, kung sinabi kong nagwa-gwapuhan ako sa kanila, pwes, its a lie.

Oops, exempted si Jeremy, my one and only. Yiiie~ kinikilig ako. Char!

"Alis na k--" ako naman ngayon ang hindi nakapagpatuloy sa sasabihin ko kasi hinila ako ni Espie patungo sa van.

Pinilit kong kumawala at sikuhin sila. Pero wa epek naman ehh. Ayaw ko dito! Mga hinayupak kayong mga kaibigan.

Chos! Hindi no love ko 'tong mga ito.

"HHEELLPP!!" sumigaw na ako dito sa tree park baka may mga taong napunta rin dito.

Pinektusan naman ako ni Ghene. "Gaga! Ano bang problema mo ha. Tahimik" sabi ng Gaga. Ako pa ba talaga ang deserving na matawag na gaga?

What the pak! Bakit nila ipinosas ang kamay ko. Tumingin ako sa rear mirror sa harapan at nahuli kong nakatingin iyong lalakeng manyak. Yuck!

Sinabi ko naman ang humanda-ka-sa-akin- look.
Walang hiya kayo. Ano ba ang trip na naman itong mga ito.

Patuloy parin ako sa pagwawala. "Para kang galing sa mental hospital. So creepy!" ayy! Creepy ako? Hey ayon iyan kay Lorie.

"Aalis ako! Pakawalan niyo ako!" sigaw ko sa kanila.

"PMS teh?" ngek! Bakit nakikisaw-saw itong lalaking ito.

"Ay bakla lang ang peg? Pangalan mo?" dalawang tanong na sumbat ko naman sa kanya.

Namula naman ang mukha niya nang tumawa ang mga kaibigan ko. "Hindi ako bakla, iki-kiss kita diyan gusto mo" eww lang hah. Hindi kita type.

"Duh! Nag-kiss rin kaya sina Vice and Karylle. Aminin mo na kasing bakla ka" sana e-epekto itong mga pinag-gagawa ko.

Natahimik na ang aura nitong van habang nagda-drive yung boyfriend ni Nitch. Si Nitch naman pinayagang maging boyfriend si Garry. Haist!

Ang tagal naman. Tanging aircon nalang ang maririnig mo. Tumingin ako sa harapan para tignan kung anong oras na. 12:48 na kaya, anong balak ng mga ito.

_____☆

Ouch! Ang sakit naman itong noo ko. Napamulat nalang ako dahil pinektusan ang noo ko.

Pagmulat ko, bagong lugar itong pinuntahan namin ha.

"Nean baba na!" bulyaw naman ni Lira.

"Ay atat ang nerd" natatawa kong sabi.

"Gaga hindi ako nerd. Slight lang" nai-imagine ko nalang na naka-pout siya.

Napasarap pala ang tulog ko sa van na ito. Hmm, lumabas na ako at nandito kami ngayon sa isang resort.

Pinapasok naman ako ni Lira sa loob at pumunta sa counter. Ibinigay naman sakin ni Lira yung susi ng kwarto ko. Im not sure kung iisa lang ako doon. Maybe, you think?

Number 69 yung room. Dahil sa gusto kung mamasyal muna sa loob nitong hotel,hind8 na ako nag-abalang mag-elevator.

Pang-high class naman ang mga design. I like it, the way it looks. Masakit na yung paa ko nung nandoon na ako sa harapan ng room number 69.

Agad ko itong binuksan at tumambad sakin ang napaka-gandang room. Nilibot ko naman ang paningin ko. Walang labis walang kulang ang mga gamit dito.

Inilapag ko ang katawan ko sa higaan at kumuha ng isang unan. Inamoy ko muna ito baka mabaho.

Hmm, mukhang kalalabhan lang ha. Bumukas ang pintuan at napabangon naman ako ng biglaan.

Pumunta ako ng sala at pumasok ang isang manyak na lalake na hawak-hawak ang dalawang maleta.

Pinamewangan ko nga siya. "Anong laman niyan?" sabi ko sabay nguso sa dalawang maleta.

"Damit mo't damit ko" lumaki naman ang mata ko.

"Anong ibig mong sabihin? Dito ka matutulog?" tanong ko sa kanya.

It takes a couple of seconds bago siya sumagot. "Exactly!" ayon tumpak.

Lumapit naman ako sa kanya. "Nasan dito yung akin?" tinuro naman niya 'yung nasa-kaliwang banda.

Hinablot ko 'yung isang maleta. Yung kanya to be specific. Tsaka ko siya itinutulak palabas ng room. Nang nakalabas na siya itinapon ko naman yung gamit niya.

Ini-lock ko yung pintuan ng mabilisan. Umupo na ako sa sofa at nag-feeling relax kahit hindi ako maka-relax.

Bumukas yung pintuan. "What the heck!" gulat na litanya ko.

"I have some spare of keys" sabi ng mokong at ipinakita yung susi.

Kinuha ko naman yung aking maleta at lumayas. "Well, ayaw mong lumayas. Dito ako sa hallway matutulog, kainis ka" sabi ko sabay suntok sa kanya.

_____☆

Hours have passed at pinagtitinginan ako ng mga tao ditong dumadaan dito sa hallway.

Nilalamig narin ako dahil sa malakas ang aircon dito at naka-shorts lang ako na hanggang tuhod and a v-neck yellow t-shirt.

Inilagay ko muna yung cellphone ko sa loob ng maleta. Iniwan ko yung maleta ko sa harapan ng room 69.

Lumabas na ako ng hotel para maghanap ng pinakamalapit na coffee shop.

Marami akong napag-tanungan at ang layo naman. Hindi naman ako nag-give up at nakarating din ako sa distinasyon ko.

Pumasok na ako sa loob at nag-order ng isang cappucino. Dalawa ang inirder ko at ito'y aking itinake out.

Bakit ba walang taxi sa lugar na ito? Puro tricycle naman.

Pinili ko nalang maglakad.

Wait hindi ko na matandahan kung saan nga ba ako nag-lakad. Madilim narin ang paligid.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko maiwasang kabahan.

Uminom muna ako ng kape at may nag-si datingang mga lalake.

Mukha naman silang cheap. Gross! Mukha atang may pagnanasa sila sakin.

What to do now? Kinapa ko bulsa ko. Shit! Naiwan ko nga pala ang cellphone ko.

Unti-unti akong naglakad. "Hey miss" hindi ko siya pinansin.

May humawak naman sa pwetan ko. "Bastos! TTUULLOONNGG!!" sigaw ko. Kinuha ko yung ini-inom kong kape yung nabuksan na at itinapon sa mukha ng lalake.

Namula naman ang mukha niya. Naku! Lagot!

■■■■■

Authors Note:

_dont mind the grammar if there is a grammatical error_

HeartbeatOnde histórias criam vida. Descubra agora