HAPPY READING!
EXM || NXSHabang tanaw ko ang pag iyak ni Aren sa bisig ni Rica ay bigla kong naalala ang sarili ko sa kaniya. Parang kailan lang din nang iwan kami ni papa. Nangako rin siya sa akin. Pero hanggang ngayon, ay hindi pa rin niya tinutupad. Nag-antay ako. Umasa. Pero naging dahilan lamang iyon para mas lalong malayo ang loob ko sa kaniya.
"Dheo, halika, magpaalam ka na sa papa mo" Tawag ni mama sa akin sa may sala.
Lumabas ako sa kwarto namin ni Rafael na namumugto parin ang mga mata dahil sa kakaiyak. Iniisip ko pa lang na aalis si papa sa ibang bansa, ay parang ayaw ko na lang siyang makita.
"Ayaw ko! Umalis ka na lang, pa! kung iiwan mo nalang din kami, huwag ka nang magpaalam!" sigaw ko bago patakbong pumasok ulit sa loob ng kuwarto.
"Dheo!" pagsita ni mama dahil sa biglaang pagsigaw ko bago niya sapilitang binuksan ang pintong hinarangan ko ng mesa. Sumunod din si papa roon ng pasok karga-karga si Rafael sa bisig niya.
"Anak..." tawag niya. Agad akong pumunta sa kama ko at nagtago sa ilalim ng kumot. Ayaw ko siyang makita. Naiiyak lang ako pag nakikita ko siya.
Biglang lumubog ang kutson sa tabi ng kinahihigaan ko at naramdaman ko na lamang ang mainit niyang kamay sa may ulo ko.
"Anak, kailangan kong umalis para magtrabaho sa ibang bansa. Para rin ito sa inyo, anak. Babalik naman din ako" sabi ni papa sabay tangal ng kumot na nakataklob sa akin.
Tumingala ako sa kaniya habang may luhang 'di ko na namamalayang tumutulo na pala. Nangako ako sa sarili ko na hindi ako iiyak, eh. Malaki na ako. Hindi na dapat ako umiiyak.
Patuloy kong tinataboy ang luha sa aking mata nang maramdaman ko na lamang ang biglaang pag angat ko mula sa aking kama, sabay ramdam ko sa yakap ni papa sa akin habang karga-karga ako.
"Tahan na, babalik naman din ako. Pangako 'yan, Dheo... tandaan mo, mahal ka ni papa" bulong ni papa sa tenga ko dahilan para mas lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya; takot na baka kung bumitaw ako ay tuluyan na siyang umalis at iwan na kami...Pero, mukhang tama nga ako. Umalis nga siya. At lumipas na ang mga taon ay hindi parin siya bumabalik. Nawalan na ako ng tiwala at pag-asa na babalik pa siya. Tama na ang lahat ng kasinungalingan niya. Pagod na rin akong umasa.
Simula 'non, nasanay na akong wala si papa. Palagi akong tinatanong ni Rafael kung ano ang itsura ni papa pero sinasabi ko na lang na 'di ko matandaan. Ayaw ko na rin siyang maalala, at mas mabuting huwag nalang din malaman ni Rafael ang tungkol kay papa, 'di naman din 'yon babalik, kaya para saan pa? kaya naming wala siya...
Subalit, sa bawat araw na nakikita ko si mama na kumakayod para mairaos lamang kami ni Rafael, ay mas lalo lamang akong nagagalit kay papa. Pinabayaan niya kami. Hinayaan niya si mama na magdusa sa responsibilidad na sana ay pinagtutulungan nilang dalawa.
"Dahlia, saan na ba 'yang gago mong asawa, ha? anim na taon na ang lumipas at hindi pa rin siya bumabalik! Ano na? Mag ha-highschool na iyang si Dheo sa susunod na taon at mag-aaral na rin iyang si Rafael! Paano mo na matutustusan ang mga anak mo?" Sumbat ni lolo kay mama nang naabutan ko sila sa bahay nina lolo.
Nasabi sa akin ni mama na pupunta siya ngayon kina lolo para manghiram ng pera para sa akin. Sabi ko na naman kay mama na magtatrabaho na lang ako kina tita Valerie para may pambayad ako sa escuelahan pero umayaw lamang si mama dahil responsibilidad niya raw iyon at ayaw niya akong magtrabaho sa murang edad.
Gusto kong sumugod roon at ilayo si mama kay lolo pero agad akong pinigilan ni tito na nasa likod ko pala. Gusto kong kumawala pero umiling lamang si tito.
YOU ARE READING
Our Broken Strings
Aktuelle Literatur🚐OUR BROKEN STRINGS🚐 There were hundreds of reasons for me to hold on to the promise I made my friends, but it was still smaller to that one excuse I made for myself to let go. Maybe it was true, I was that desperate to fix our broken strings, ye...