Chapter 2

58 8 0
                                    

HAPPY READING
NXS || NEXXUS

"Tulong! Tulungan niyo ako! May magnanakaw!" Sigaw ng isang babae habang tinuturo ang isang lalakeng naka-cap na siyang humablot sa bag nito.

Agad namang naalerto si Reggie at hinabol ang magnanakaw. Mariin niyang tinitigan ang lalake na ngayon ay patakbong pumasok sa loob ng palengke dala ang gamit ng ginang.

"Patay ka sa'kin ngayon!" Sigaw ni Reggie sa kawatan sabay ilag sa isang food cart na biglang humarang sa kaniyang daan. "Tabi!" Sigaw niya pero huli na ang lahat kaya agad siyang tumalon at biglang gumulong upang makabawi, bago tumakbo ulit.

"Tang'na naman to oh!" Bulong ng lalake na ngayon ay humahangos palayo sa babaeng humahabol sa kaniya. Nang makakita nang mapagdidiskitahan na mga paninda ay agad niya itong inihagis sa babae at pinatumba ang ilan stalls upang sa ganon ay bumagal ang takbo nito at hindi makasunod, subalit nagkamali siya.

Biglang kumuha si Reggie ng isang kumkom ng harina bago umakyat sa isang stall upang maiwasang matapakan ang mga panindang inihagis ng kawatan, sabay talon patungo sa lalake na ngayon ay tulalang nakatitig sa kaniya. Agad niyang isinaboy ang harina sa mukha ng lalake; asinta ang mga mata nito dahilan upang mapapikit na lamang ito.

Subalit biglang naglabas ng patalim ang lalake at iwinasiwas ito sa ere. Narinig ni Reggie ang mga tiliian ng mga tindera at mamimili na muntikan ng tamaan ng patalim na hawak ng binatilyo. Ginawa niya iyon para pigilan siyang makalapit ngunit hindi nagpatinag si Reggie.

Sa bawat wasiwas ng patalim ay siyang pag-ilag ni Reggie. Nang maka tiyempo ay agad niya hinawakan ang palapulsuhan ng lalake at binigyan ito ng isang malakas na sipa sa tagiliran at magkasunod na suntok sa tiyan at mukha dahilan upang mawalan ng balanse ang lalake.

Agad niyang iniikot ang kamay nito sa likod kung kaya't napaigtad ang binatilyo sa sakit at napabitaw sa dalang nitong patalim. Sinipa ulit ni Reggie ang mga binti nito dahilan upang mapahinuod ito.

"Aray!-- tama na po, h-heto! di na po mauulit!" Pagmamakaawa ng lalake ngayon na halos mangiyak-ngiyak dahil na rin sa humahapdi nitong mata.

"Hindi na talaga 'yan mauulit dahil sa kulungan na ang bagsak mo!" Sambit ni Reggie sabay posas niya sa lalake. Napanganga naman lahat ng mga tindera at mamimili dahil sa galing na ipinamalas ni Reggie sa kaniyang larangan.

"Walang makakatakas sa akin! Lalo na sa mga taong mapagsamantala at 'di sumusunod sa batas! Kaya pakatandaan mo ito, hustisya lamang ang mananaig----" bilang naudlot ang linya sana ni Reggie nang biglang tumunog ang kaniyang telepono.

"CUT!! ANO BA 'YAN, REGGIE! Bakit may dala kang cellphone sa set!" Sigaw ng kanilang direktor na ngayon ay galit na napatayo at nakapameywang na sa harapan ni Reggie.

"Sorry, direk. Wait lang po, " sabay-sabay namang napadaing ang mga kasamahan niya sa set lalo na ang lalakeng kaniya halos balian ng buto dahil lahat ng scene na 'yon ay totoo. Lumayo na lamang si Reggie roon at dali-daling pumasok sa tent ng mga staff. Huminga muna siya ng malalim bago niya sagutin ang tawag ng kaniyang tatay.

"H-hi, Pa! uh... bakit ho kayo napatawag?" Kabadong tanong ni Reggie sa ama, lalo pa't hindi naman ito tumtawag ng mga ganitong oras.

"Morning, chief!" bungad ng ama sa kaniya, dahilan ng pagriin niya ng pikit at buntong hininga sa sinabi ng ama.

"Kumusta ang anak kong pulis d'yan? Ayos ba? Siguraduhin mong mahuhuli mo lahat ng masasamang loob d'yan sa Maynila, ha!" Sabay histreyang tawa ng kaniyang ama sa kabilang linya, samantalang si Reggie naman ay panay na ang pahid sa sarili niyang pawis na ngayon ay naguunahan sa pagtulo dahil sa kaba.

Our Broken StringsWhere stories live. Discover now