"Cheska, don't forget our family dinner later okay?" bilin sakin ni Mommy bago ako hinalikan sa noo.
"Of course, mom" I smiled at her before going out to our house.
My mother is my number fan, she's there when I need her, pag may problema ako nandyan agad siya. Lahat ng mga magaganda at hindi magandang pangyayari sa buhay ko ay nasa likod ko palagi siya.
I'm very thankful that I have a mother like her.
Today's our photoshoot for the upcoming movie. Since kailangan pa akong ayusan sinadya ko talagang mas maagang pumasok para na rin iwas traffic at para hindi ma pressure yung make up artist ko, alam ko namang hindi madali ang trabaho nila kaya I want to make their job easier. Para na rin di na ako mabulyawan ng mananger ko gaya kagabi akala ko talaga di na siya titigil naalala ko na naman ang mga pinagsasabi niya.
"Cheska naman, ano na naman ba kase pinag gagawa mo kagabi? Ginawan ko na nga ng paraan para hindi na hectic sched mo diba pero bakit naman ganito?" para na siyang maiiyak kakapangaral sa akin. I admit may mali ako sa part na imbes piliting matulog ay nag drawing pa ako pero kasalanan ko ba na hindi talaga ako makatulog?
"Okay, look ate I'm sorry na nga, di kasi ako makatulog sa di ko malamang dahilan, di ko naman po yun sinadya e kaya naisipan ko po munang mag drawing pero na dala po ako e, when I look at the clock it's already 3:00 am" malumanay ko pang saad baka lang naman kase maawa siya
"Hay, wala naman na akong magagawa nangyare na diba? Naging maayos din naman ang trabaho mo kanina. Pero sa susunod wag kang uminom ng sleeping pills insan please lang" nafru-frustate na siya kitang kita ko na kaya nginitian ko nalang siya at nagpa alam na maliligo na ako para makakain para maaga akong makatulog.
"Uy beh, kanina pa ring ng ring phone mo oh, ako na ba sasagot?" tinignan ko kung sino ang tumatawag ng iabot ni ate Pat sa akin ang phone and speaking of my manager.
"Hello?"
"San ka na? Wag mong sabihing kakagising o kakain ka palang Cheska, sinasabi ko talaga sayo" bungad nito sa akin grabe siya ah anong akala niya sa akin palaging late magising?
"On the way na kami okay?, Relax ate okay? We'll be there at 5" yun lang ang sinabi ko at pinatay na ang tawag.
"Oh ano si pinsan na naman ba yun hahaha?" kinuha naman ni Ate Pat sa akin yung phone ko
"As always, akala niya siguro late akong magigising ngayon gaya kahapon, apaka judgemental talaga sakin nun, she's hurting my feelings ate Pat you know?" pagmamaktol ko pa kaya napatawa naman sa akin ang PA ko
"Di naman, ginagawa niya lang naman trabaho niya, ganon lang yun beh no hard feelings haha"
"Masakit na ate, naiiyak na ako" biro ko pa at pabiro niya naman akong binigyan ng tissue at para kaming baliw sa backseat na tumatawa.
"Balita ko partner mo si Andrae ah, sana all mahahawakan at mayayakap ang isang Andrae Thompson, wow ikaw ba yan te?" Napailing naman ako sa turan niya
"Maliit na bagay" biro ko ulit at napahampas naman saking braso si Ate. "Luh nanakit? Hahaha"
"Ganda yarn?"
"Oo naman, look oh ganda kaya ng mukhang to"
"Ay oo nalang" ganti niya pa sa akin
Close naman ako sa mga staff ko lalo na kag Ate Pam at Ate Pat, sila kase yung palagi kong nakakasama kahit saan e lalo na pag may mga travel bihira ko lang dinadala yung make up artist ko kasi nga dagdag pa yun sa gastusin tsaka marunong naman mag make up si Ate Pat ng mga simple lang e kaya keri na din.
YOU ARE READING
Yesterday's Love
FanfictionFrancheska Laureen Ojales is a celebrity since her childhood, she thought she would never fall in love in the industry just like she planned but all her plans got doomed when she met Fifth Simoun Reyes the handsome and jolly rising celebrity of PTV ...