4

3 0 0
                                    

" Bakit ba kase ako nalang palagi mong nakikitang asarin ha Jarred? Eh hindi naman kita inaano dyan"

"E bakit ba kase ang sakit mo sa paningin?" nakakalokong sagot naman nito sa akin may pa kagat kagat labi pa pangit naman

"Wag mo ngang kagatin labi mo muka kang adik" nagsitawanan naman ang mga barkada niya agad niya naman itong sinamaan ng tingin

"Aba e muka ka ngang aswang e pinake alaman ba kita diba hindi?"  Napa ooh naman ang mga nakikinig sa ming sagutan.

Ewan ko ba kung bakit palagi nalang ganito pag kumakain ako dito sa canteen wala naman akong ibang ginawa kundi kumain at makipag kwentuhan sa kaibigan ko.

Okay naman na sana e kaso bakit ba kase dumating tung Jarred nato at ako lagi pinagtri-tripan gago ba siya? Kulang sa pansin? Kulang sa aruga o kulang sa pagmamahal?

Kase ubos na talaga pasensya ko sa lalaking to. Gusto ko lang kumain at mag aral ng matiwasay bakit kailangan niya pa akong gambalain?

"Ano tameme kana dyan? E baka nga totoong aswang ka ah Thea" aba't ubos na talaga pasensya ko sa lalaking to. Sa ganda ko ba namang to aswang? Bulag ba siya?!

"Ikaw alam mo, kung kulang ka sa aruga, pansin, pagmamahal at bakuna nung bata ka pa lang please naman wag ka ng mandamay ng ibang tao okay? Nakaka perwisyo kana e, okay?" natahimik naman siya at parang malalim na napaisip bigla naman akong nakaramdam ng guilty na baka nasaktan ko ang feelings niya, na baka na offend siya sinabi ko

"E buti nga bakuna lang ang kulang sa akin e kesa naman sayo na kulang ang-"

"Ano na naman nangyayare dito?" Bigla namang sumulpot ang dalawa kung kaibigan na sina Joy at Enzo

"Uy nandito na yung pabidang kaibigan mo oh Thea, nagtawag ka pa ng back up ah" nag init naman kaagad ang ulo ni Enzo dahil sa sinabi nito

"Sapakan nalang oh? Siga ka lang naman diba kase marami kang kasama?!, O ano" hinila ko naman agad ang kamay ni Enzo para matigil na ito.

"Enzo, mas lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon pabayaan mo nalang" mahinahon kong sabi. Syempre ayaw ko naman na magka record ang kaibigan ko ng dahil lang sa akin no, kargo de konsensya ko pa yun nako mahirap na.

"O awat na isa ka pa e batukan kaya kita gusto mo?" Pananakot naman ni Joy sa kaibigan namin bigla namang naging mahinahon si Enzo, sus tung gagong to si Joy lang pala katapat nako apaka under

"Ikaw pasalamat ka ah" pagbabanta pa nito kaya nabatukan tuloy ni Joy

"Tara na nga, pabayaan mo na sila" umalis na kaming tatlo dun at pumasok nalang sa room namin.

"Bakit ka ba kase nagpapa api sa lalaking yun ah Thea?, E alam ko namang kaya mong patumbahin sa isang suntok lang yun e"

"Di ka pa din ba tapos ha Enzo? Ako na naririndi sayo wala ka ng pinagkaiba sa Jarred na yun" naiirita na ako sakanya mula kanina hanggang pauwi ba naman kami yun pa din topic niya?

Wala na ba siyang ibang masabi? Kung ako nga na inagrabiyado pinalampas ko na nga e siya patong putak ng putak na parang manok na mangingitlog.

"Uy Thea wag mong sabihing may gusto ka sa lalaking yun? Pangit yun di kayo bagay"

"Ang ingay mo na masyado Zo, mag study ka na nga lang para sa exam bukas di puro pangbarumbado nasa isipan mo" bara na naman ulit ni Joy sa kanya at tumahimik naman ito na akala mong pinagalitan ng magulang.

"Awts under" bulong ko pero narinig pa rin pala ni Enzo kaya inakbayan ako nito kunwari pero talagang sinasakal na ako nito at bumulong sakin habang nakangiti. Kung may makakakita man sa amin paniguradong mag aakala nitong sweet si Enzo sa akin pero hindi! Papatayin niya ako

Yesterday's LoveWhere stories live. Discover now