C H A P T E R 0 4

5 0 0
                                    

It's Tuesday today. Yeah, Tuesday. Walang pasok yesterday for some unknown reason. Ako lang ata ang 'di updated.

"Yikes, worth it ang ginawa natin!" napalingon ako kay Naya nang magsalita siya. We actually reached the top, sa project namin. Kami ang nakakuha ng highest score.

"Yeah, I agree." Tipid na sagot ko, still busy reading a book. I got bored, walang klase kaya nagbasa lang ako ng libro. Nakataas pa ang paa ko sa bakanteng upuan sa tabi ko. Low battery ang phone ko. Ilang percent na lang kaya 'di ko na ginamit.

"Yah, you're not even listening!" nakangiwi at nakakunot ang noo akong tumingin sa kaniya. "What? E di'ba nga sinagot ko pa yung sinabi mo? Paanong nangyaring hindi ako nakikinig? Luh." umirap ako. Hay nako.

Ang ingay ng mga classmate ko. May nagbabatuhan ng papel, may naglalaro ng ML, may nag-o-online na tunog ng tunog ang phone dahil sa notifs, hindi man lang naisipang i-mute ang sound.

"Meron ka ba ngayon, huh?" nasamid ako dahil sa tanong niyang 'yon. Kumakain ako ng burger ngayon habang nagbabasa. "Ugh, Naya, kita mo nang kumakain ako eh! What made you think na meron ako?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.

"Luh, ang sungit mo eh!" sagot niya. Napabuntunghininga ako. "Hay nako, Si Ash kasi, ang gaga. Nag-inom tas nasobrahan. Ayun, doon lang nakatulog sa mismong venue ng party na pinuntahan namin, 'buti nga may nagdala sa kaniya sa guest room ang kaso, nagalit ang mommy niya dahil hindi 'yon ang unang beses na nangyari sa kaniya 'yon." inis na kwento ko sa kaniya.

"Oh? Kaya umalis sila papuntang L.A.?" tumango ako sa sinabi niya. Doon na sa L.A. papasok si Ashley. Doon siya for the whole semester.

"Taliya!" pumasok si Justin ng room. "Oh?" sagot ko. "Nakita mo si Naya?" tanong ni Justin habang papalapit. Napatingin ako kay Naya na ngayo'y nakapikit ng mariin at nakakunot ang noo, parang gusto niya nang tumakbo palabas. Tatayo na sana si Naya nang mapansin agad siya ni Justin.

"Oh, Naya, ayan ka pala. Tara, samahan mo na 'ko sa kabilang section, kukunin ko lang 'yong pinapakuha ni Terrence." nakuha ko kaagad kung bakit parang ayaw sumama ni Naya. Nandoon kasi ang crush niya sa kabilang section. Mahiyain si Naya pagdating sa crush niya.

Tumingin sa'kin si Naya na parang humihingi ng tulong. Umiling lang ako at wala na siyang nagawa nang hilahin na siya ni Justin palabas ng room. Napailing ulit ako.

• • •

"Taliya, sasama ka ba?" tumango ako kay Naya. Pupunta kami ngayon sa bar. Next time na kami sa nightclub. Tapos na ang klase at kasalukuyan kaming naglalakad papuntang parking lot.

"Sige, sa Arixon's." sabi ni Naya. Tumango lang ako at sumakay na sa kotse. Pagka-uwi ko sa bahay ay nanood lang ako sa TV.

Seven PM ay naligo na ako. I wore a pastel purple tube top and white shorts. I wore high heels. Nag-makeup na din ako.

Sina Naya ang sumundo sa'kin para sama-sama na kami sa isang sasakyan. Bumaba agad kami pagkatating sa Arixon's.

"Woah! Namiss ko 'to!" sigaw ni Naya. Tuwang-tuwa talaga ako dahil matagal na rin ang huli naming punta namin dito. Two weeks ago pa 'yon. Naging busy kami sa project at saka maraming homework.

"Taliya, nakita ko sina Razel!" ngumiti ako kay Naya nang sabihin niya 'yon. "Nasaan?!" nagsisigawan kami dahil sa ingay. Malaki ang bar na 'to. Sa bar kami ngayon kasi mas bet namin mag-perform ngayon. Dito kami nasanay mag-perform.

Always YoursWhere stories live. Discover now