C H A P T E R 0 1

26 4 1
                                    

In life, everything has its own limit. Treasure everything you have while you still have it. You'll never know when it'll be gone. You might regret not consider its importance.

If you need to play and win, then go for it. Baka malaman mo na lang ang halaga nito kung kailang wala na ito, kung kailang may nag-mamayari na nito.

"Hoy, Taliya, bilisan mo na diyan!" dinig kong sigaw ni Ash, ang matalik kong kaibigan.

Kasalukuyan akong naghahanda para sa pagpunta namin sa bahay ng kaibigan namin upang gumawa ng group project. Simpleng yellow long sleeved top at dark blue pants ang suot ko.

Itinali ko ang aking mahabang buhok at naglagay ng pulbo. Naglagay na rin ako ng lip gloss at pabango. Nang makuntento na sa hitsura ay isinakbat ko na ang sling bag at saka lumabas ng kwarto.

"Haaay, sa wakas, natapos ka din!" bungad sa'kin ni Ashley pagkababa ko. Agad ko siyang nginitian.

"Is that your way of greeting me 'good morning', huh?" natatawang sabi ko kay Ash. "Aga-aga, english agad?" nakataas ang kilay na sabi niya.

"Let's go!" sigaw ko. Lumabas na kami ng bahay at dumiretso sa kotse ko. Sampung minuto lang ang inabot namin para makarating kami.

Nag-doorbell naman si Ash. Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito si Danaia, we call her Naya. Ngumiti ito.

"Hi, tara, pasok na sa loob!" sabi nito sa'min. Sumunod lang kami sa kaniya hanggang makarating sa kwarto niya. Nandoon na ang iba pa naming kagrupo. Nagbatian kami at saka umupo sa kama ni Naya. Anim kaming lahat.

"Kamusta?!" nakangiting tanong ni Ash sa kanila.

Nagkwentuhan lang sila ng nagkwentuhan. Bumibili pa kasi yung isa naming kagrupo ng ibang kailangan. To be honest, puwede na kaming magsimula since hindi pa naman kailangan yung pinapabili pero mas pinili na muna naming 'wag na muna. Kumakain lang ako ng pizza na in-order ni Nina.

Nagconnect ako sa speaker ni Naya. Nakatodo ang volume pero dahil malalakas ang boses nila, nagagawa pa nilang magkaintindihan.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto. Doon ay nakatayo si Justin na may dalang plastic ng National Bookstore. Nakatingin ito ng masama kay Naya. Nagtaka naman si Naya.

"Hoy, ikaw babae, kanina pa 'ko sigeng doorbell ah?!" sigaw ni Justin kay Naya. Biglang nanahimik ang lahat. Nanatili namang tumutugtog ang music galing sa phone ko na naka connect sa speaker. Maya-maya'y bumulalas sa tawa ang lahat maliban sa'kin na ngumunguya at kay Justin na galit pa ding nakatingin kay Naya.

"BWAHAHAHAHA!"

"WOOOH HAHAHAHAHA!"

"JUSKO HAHAHAHAHA!"

"S-sorry, h-hindi ko kasi marinig k-kasi," tatawa tawang sabi ni Naya. Paputol putol pa ang pagsasalita niya kakatawa niya. "Kasi ano?!" galit pa ding tanong ni Justin. Wala namang makasagot sa kaniya dahil abala pa sila kakatawa. "Alam mo bang malakas ang ulan sa labas?! Buti na nga lang may duplicate key ako para sa pinto, kung hindi-----" naputol ang sasabihin ni Justin nang magsalita si Naya.

"Hindi ko nga kasi marinig kasi ang lakas lakas ng volume ng pagpapatugtog ni Taliya!" sigaw ni Naya. Dahil doon ay napabulalas na din ako ng tawa. Napatigil lang ako ng marealize kong ako lang ang tumatawa. Tumikhim ako bago nagsalita. "Bakit nga pala may duplicate key ka ng pinto nila Naya?" tanong ko.

Agad namang napalingon ang lahat kila Naya at Justin. Namula naman ang dalawa. Lahat kami ay nakatingin sa kanila ng nanunukso.

"Naaaay, tsk tsk tsk nako nako nako!" si Ash.

Pagkatapos ay ginawa na namin ang group project. Inabot kami ng alas-dos ng hapon. Doon na kami kumain ng tanghalian. Alas-otso pa lang kasi ay nandoon na kami kaya gutom na gutom kami.

Kasalukuyang nagmamaneho na ako pauwi. Maya-maya pa'y nakarating na kami. Pumasok agad kami sa loob at dumiretso ng kwarto ko. Hinubad ko ang sapatos ko at dumapa sa kama.

"Hay nako, napagod ako sa project!" sigaw ko. Pakiramdam ko naubos na yung energy ko. Marami naman talaga kasing ginawa sa project eh. Ako halos ang gumawa. Well, ako naman kasi ang leader saka nagprisintang gumawa most of the project.

"Pupunta ka pala sa party sa Sabado?" biglang tanong ni Ashley. Tumango naman ako. "Ano ngang i-ce-celebrate?" tanong ko bigla. Napataas naman ang kilay niya.

"Wow! Wow! Isa pa, wow, ano yan? Pupunta ka ng party nang hindi mo man lang nalalaman kung anong celebration?" nakangiwing tanong ni Ashley. Ngumiwi din ako. "Psh, pinilit mo lang naman ako ah? LT ka din eh 'no?" sarkastikong sabi ko sa kaniya.

"Celebration kasi ng birthday ng kapatid ni Kalou." paliwanag ni Ashley. Tumango na lang ako. "Galing pa yun ng Canada." dagdag niya pa.

"Ayy, Ash, mamimili pa pala ako." naalala kong kailangan ko mag grocery. Nag ayos agad ako. Magulo na kasi ang itsura ko. Nag half bath ako saka pinalayas palabas ng kwarto si Ash.

Nagpalit ako ng pastel pink top at cargo pants. Nagpulbo't lip gloss na din ako. Pagkatapos ay nagsapatos saka lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Ash na nagbubukas ng ref. Nakita kong kumuha siya ng juice.

"Ako din." sabi ko. Umangat ang tingin niya. Ngumiti siya saka kumuha ng isa pang baso at nagsalin. Inabot niya sakin ang isa.

"Tara na, let's go." sabi niya pagkatapos naming ubusin yung juice. Sumakay na kami sa kotse. Siya naman ang nagdrive. Daldal lang siya ng daldal sa buong biyahe.

Nakarating agad kami. Ito namang si Ash, parang first time sa mall. Pano'y bawat dinadaanan nami'y nililingon niya. "Sis, kita mo yun? Ang ganda nung dress!" napangiwi na lang ako sa kadaldalan niya.

"Psh, hindi, hindi ko nakita, hindi naman kasi lilingon lingon gaya mo." sagot sa kaniya. Tumaas naman ang kilay niya. "KJ ka din eh no?" sarkastikong sabi niya. Tinaasan ko din siya ng kilay saka nagpamaunang lumakad.

Kumain muna kami sa isang fastfood chain. Pagkatapos ay pumunta na sa supermarket. Si Ash ang kumuha ng cart at saka itinulak iyon.

Inuna kong bilihin yung mga pagkain ko. Hindi ako mahilig sa mga maaalat like junk foods kaya slice bread, stick-o, saka doowee donut, cookies, saka kung ano ano pa ang pinili ko. I don't like eating sweets pero ewan, I really love cookies and donuts. Parang tanga 'no? Ayaw sa matatamis pero kumakain ng matatamis. Yung doowee donut kasi, one time na nalasahan ko yun kasi bumili si Ash, nagustuhan ko na.

After that, namili naman ako ng mga kitchen needs. Huweswes kusina, chos. Bumili ako ng ingredients at saka iba pa. Then, yung mga personal needs ko naman. Nakakatatlong cart na 'ko. Namili na din si Ash, isa pa lang cart niya.

"Ayyy, teka bibili pa pala akong ingredients para sa graham. Magawa ako mamaya." sabi ko saka bumalik doon.

Natapos na din ako sa wakas kaya pumunta na kami sa counter para magbayad. Yung card ko ang ginamit ko pambayad. Masiyadong madami yung pinamili namin kaya pagkalagay sa mga paper bags ay inilagay namin yung limang malalaking paper bags sa cart.

Nagulat naman ako nang magprisinta ang isang cashier na lalaki na siya na daw magtutulak nung cart. Hindi ako nakasagot nung sabihin niya sa'kin yun. Inihabilin niya yung pwesto niya doon sa isa pang cashier doon.

Nang makarating sa may garage ay inilagay ni Ash ang sarili niyang paper bag sa compartment. Bumalik siya at kinuha ang dalawa sa mga paper bag ko. Nagulat naman ako ng bumalik yung lalaking cashier at kinuha ang tatlong paper bag na natitira. Kinuha ko sa kaniya ang isa.

Akala ko, inihatid niya lang yung cart saka ibinalik yung cart sa lalagyan nun. Bumalik pa.

"Ahh, salamat." naguguluhan at nahihiyang tugon ko. Ngumiti naman siya ng malapad.

"Hmm, you're welcome." nagulat naman ako, may accent ang loko. Hala?

"Jusko, sis ah! Humahaba na buhok mo ah?!" nanunuksong sabi sakin ni Ash. "Psh, sadiyang mahaba na ang buhok ko, tuleg!" sigaw ko sa kaniya. Eh sa abot bewang ko na ang buhok ko, eh. Loko.

Umuwi na kami at pinauwi ko na si Ash. Magdadadaldal na naman yan eh. Inayos ko na lahat ng pinamili ko. Pagkatapos ay nag half bath ako at saka nagpalit ng pantulog at dahil sa sobrang dami ng ginawa ko, agad akong nakatulog.

Always YoursWhere stories live. Discover now