C H A P T E R 0 3

10 0 0
                                    

"Will you just shut up?!" nagulat ako sa biglang pagsigaw nito. Bakas ang inis sa mukha nito. 'Buti hindi siya galit? Nanlaki ang mata ko dahil hindi man lang nito inalis ang tingin sa'kin. Magkasalubong ang mga kilay at naka-simangot.

I immediately got up and awkwardly smiled at him before stepping backwardly. I continued to step back and I was confused when his forehead creased, before I even have the chance to react, I already felt no more space to step on.

He quickly stood up and pulled me by the hand but it wasn't enough to stop me from falling so he managed to grab me by the waist. Unfortunately, it didn't work, we both fell on the pool but lucky me, this pool was the small one near the backyard so no one could see us.

I felt the cold water hit me as soon as we fell on the pool. He was still holding my waist. He quickly pulled me up to the ground. We were both catching our breathe.

I just realized, naka-white shirt nga pala ako, making my laced bra visible but I don't care anymore, all I care is how I'll say sorry to this guy. Lumapit pa ako sa kaniya, kasalukuyan niya nang hinuhubad ang hoodies niya.

"H-hey, s-sorry, nabasa ka pa tuloy." paghingi ko ng paumanhin. Hindi siya sumagot at tiningnan lang ako sa mata. "Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo, hindi na ako magtataka kung mas malala pa diyan ang abutin mo." woah, ang haba ah? nag-tagalog na din siya.

"Tch, It was unexpected, okay?" sagot ko. Hindi na siya nag-salita at inabot lang ang kamay ko. Tumaas ang kilay ko. Saan kami pupunta? Inabot ko na lang pero naalala ko yung Mango Graham. Inabot ko yun at bahagyang nahila ko pa ang kamay niya. Inilapag ko pala kasi 'to kanina pag-tabi ko kanina sa kaniya.

Hinila niya na ako papasok sa bahay---sabihin na lang nating mansion kasi mukha talagang mansion eh. Dinala niya ako sa parang kwarto. "Kwarto mo 'to?" tanong ko. Tumango lang siya at nag-halungkat sa cabinet. Napatitig ako sa likod niya. May muscles? Kita ko sa braso niya eh.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit kinausap ko pa siya. Hindi ko naman ugaling makipag-usap ng basta-basta at sa hindi ko pa kilala. Siguro dahil sa nakita ko siyang mag-isa? Pero hindi eh, palagi naman akong nakakakita ng taong mag-isa, malamang. Baka naman dahil mukha siyang malungkot? Kung malungkot nga ba, malay ko bang trip niya lang mag-solo.

Teka, bakit... hala? Nanlaki ang mata ko habang nakatingin pa rin sa likod niya. Hindi kaya? Natigil lang ako sa pag-iisip. Hindi naman nahihinto ang pag-iisip, tch. Nang humarap siya sa'kin na may hawak na white shirt at shorts ata yun? Inabot niya sa'kin yun at itinuro ang pinto sa kaliwa ko.

Nilingon ko ito, mukhang washroom 'yon. Pumasok na ako doon nang may bitbit na damit. Ipinatong ko 'yun sa gilid, sa cabinet. Sinimulan ko nang hubarin ang damit ko nang marinig kong kumalabog ang doorknob. May papasok.

Dali-dali akong tumakbo sa bathtub at isinara ang kurtina. Oo, washroom lang naman pero may bathtub pa rin. Pinakiramdaman ko kung may pumasok talaga.

"Kukuha lang ako ng toothbrush." siya pala. Nakahinga ako ng maluwag ngunit agad nanlaki ang mata ko ng may maalala. Oh my gosh! My---"H-hey." mahinang tawag ko sa kaniya. Alam kong andiyan pa siya pero nakapagtatakang hindi pa siya umaalis. Nasa ilalim ba ang toothbrush niya? Haa?

"Hmm?" sagot niya. Nag-ipon ako ng lakas ng loob bago nagsalita. "D-dont look down." ewan ko kung bat ko pa sinabi yun. Lalo lang 'yang titingin kasi siyempre magtataka 'yun. Parang narinig ko naman siyang ngumisi "Too late, nakita ko na... pagkapasok ko pa lang." doon na ako tuluyang hindi nakapag-pigil. Hinawi ko ang kurtina. Nakatingin na pala siya dito kaya inayos ko ang pagkakataklob ng kurtina sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin at nag-kibit balikat lang siya. Napansin kong hawak niya na ang toothbrush niya at sa kabilang kamay niya ay ano 'yan? Nanlaki ang mata ko. Iyong undies ko! Hindi na ako nagsalita at nagmadali na lang ng pagligo. Dito ako sa bathtub naligo. Nandito na din kasi ang shower eh.

Always YoursWhere stories live. Discover now