C H A P T E R 0 2

20 2 0
                                    

Alas-otso na nang magising ako. Grabe, pagod na pagod ata katawan ko ah? Tsk tsk tsk. Kumuha ako ng tubig at ininom 'yun. Nagsipilyo at naghilamos na din ako. Pagkatapos ay nagpalit ako ng sando. Bumaba na ako sa sala at nag-fried rice. Nagluto din ako ng hotdog. Pagkakain ay nanood ako ng TV.

Maya-maya lang ay umakyat na 'ko sa kwarto ko. Kinuha ko ang mga gamit ko at nag-advance reading. Dalawang oras ang inilaan ko para sa advance reading. Nang matapos ay iniligpit ko na ang mga gamit ko at bumaba sa sala.

"Ang boring, tsk." wala kasi akong ibang magawa. Naisipan kong pumunta kina Ash. Wala naman siguro dun yung kuya niya. Wala na kasing ibang ginawa yun kundi pikunin ako.

Naligo na ako at nagbihis. Floral blouse at black denim shorts ang suot ko. Nag-sapatos ako at pagkatapos ay nag-ayos na. Kagaya ng nakasanayan ay pulbo at lip gloss ang ginamit ko.

Bumaba na agad ako at dumiretso ng garahe at sumakay sa kotse. May kalayuan ang village nila sa amin kaya trenta minuto rin ang inabot bago ako makarating sa kanila. Kilala na ako ng guard ng village kaya hindi na pahirapan ang pagpasok. Bumusina ako ng dalawang beses. Tumayo ang security guard nila Ash at binuksan ang gate. Ipinarada ko ang kotse ko sa garahe nila. Bumaba ako at saka ngumiti sa guard.

"Andiyan ho ba si Ash?" tanong ko sa guard. "Oo, hija. Andiyan si Ashley." aniya habang tumatango. "Eh si Paco naman ho?" may halong inis ang tono ko ng banggitin ko ang pangalan ng lalaking iyon.

Natawa naman si Manong guard. Alam niya na kasi kung pa'no kami magbangayan nung lalaking iyon at kung gaano ko siya kinaiinisan.

"Andiyan din. HAHAHAHA" natatawang sagot ni Manong. "Sige, salamat, Manong Caloy." pagpapasalamat ko at saka nag doorbell. Binuksan iyon ng maid. Agad itong ngumiti pagkakita sa'kin. "Miss Taliya, kayo po pala, pasok ka na, andiyan po si Miss Ashley." nakangiting sabi nito. Tumango naman ako. "Salamat. Nga pala, Taliya na lang, sus, tagal niyo na ho akong kilala." nakangiting sabi ko. Tumango naman siya at ngumiti. "Sige, Taliya."

"Pero 'wag niyo na din pong tawaging 'miss' si Ashley, hindi sa kaniya bagay." iiling-iling kong sabi. Natawa naman si manang. Tawang-tawa lang ho? "Loko ka talagang batang ka, oh sige na, tatawagin ko lang si Ashley para bumaba na, gusto mo bang umakyat ka na lang doon sa kwarto ni Ashley?" umiling naman ako "Hindi na po, pa-special naman niyan si Ashley." Tawang-tawa naman si manang, aba ah grabeng saya lang?

Hindi nagtagal ay bumaba na din si Ashley. May pakindat-kindat pa siya habang papalapit. Iwinawagayway pa nito ang cellphone niya. Tumaas naman ang kilay ko. May chismis na naman siguro 'to. Pagkalapit niya ay sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Anong kininindat-kindat mo diyan?" mataray na tanong ko sa kaniya. Hindi niya naman pinansin ang pagtataray ko at ngumiti lang ng malapad. "Umorder ako." sagot niya. Napangiwi naman ako. "Psh, para yun lang." Tumaas naman ang kilay niya bago nagsalita.

"Pizza 'yon uy!"

"May pataas-taas pa ng kilay di naman bagay." bulong ko.

"Ha?"

"Halakangpake."

"Baliw."

"Gaga."

"Tangek---" naputol ang sasabihin ni Ash nang may epal na nagsalita. "Oh? Tali? Tali!" napairap naman ako ng marinig ko ang boses na iyon. "Buhay ka pa pala?" dagdag pa niya. "Malamang, nakikita mo pa ako, balita ko ginagamit ang utak? try mo gamitin, Pako." Tumaas ang kilay niya.

Always YoursWhere stories live. Discover now