C H A P T E R 0 5

4 0 0
                                    

"Punyeta, argh." napamura na lang ako ng pagka-aga-aga, ang sakit ng ulo ko. Tuluyan na akong umalis ng kama at tamad na pumunta ng kusina. Paantok-antok pa ako kaya nang pagkuha ko ng baso ay muntikan ko na itong mabitawan dahil magaan lang ang pagkakahawak ko dito. Doon ako tuluyang nagising. Epal na baso.

Lumapit ako sa water dispenser at pinuno ang baso. Umupo ako sa upuan ng dining table. Inilagay ko sa likod ko ang mga hibla ng buhok na nasa balikat ko.

Bigla ay pumasok sa isip ko si... Gavin. My gosh, kung hindi pa siguro kami nagkita ay hindi ko pa malalaman ang pangalan niya, nauna ko pang malaman ang pangalan ng mga kaibigan niya kaysa sa kaniya mismo.

Mabuti nga naalala ko pa mga pangalan nila, marami-rami akong nainom kagabi. Medyo masakit ang ulo ko. Tangina. Binuksan ko ang cupboard at kinuha ang milk at cereal na nando'n. Tinatamad pa akong magluto.

Wednesday ngayon at may pasok kaso masiyadong masakit ang ulo ko at gusto kong samahan muna dito sa mansion si Manang Fe pero hindi ko siya iistorbohin dahil may mg ginagawa siya, basta sasamahan ko lang muna siya dito.

Hindi ako pala-absent. In fact, ngayon pa lang ako um-absent this semester. Actually, hindi sana ako a-absent kung four a.m. ako nagising kaso five a.m. ako nagising. Bakit ba kasi pumayag pa akong mag-inom eh may pasok pa.

I won't have enough time to prepare, masakit na nga ang ulo ko tas magmamadali pa ako, paniguradong matutulog lang ako sa classroom and I don't want that. I don't want to sleep in class. Para saan pa ang pagpasok ko kung matutulog lang ako. Kahit attendance pa, palalabasin ako kapag natulog ako sa klase. Saka baka tumagal pa sakit ng ulo ko or worst, magsusungit na naman ako. Masungit daw ako kapag may hangover, eh.

Kumuha rin ako ng bowl at kutsara saka sinimulang ilagay ang cereals at dagdagan ng milk. Nagsimula na akong kumain ng nakatulala.

Nang matapos ay inilagay ko na sa sink ang pinagkainan, itinapat ko ito sa faucet na binuksan ko naman. Hinugasan ko lang ng tubig, mamaya ko na huhugasan.

Saktong pagkatapos ko ay tumunog ang doorbell, nilapitan ko ito at hindi man lang ako nag-dalawang isip na buksan ito kahit wala naman akong inaaasahang bisita ngayong umaga.

Nagulat ako nang mabuksan ko ang pinto. "Magandang umaga, Miss Taliya." bati sa'kin ni Manang Ferry. I call her manang Fe.

"Manang Fe, akala ko po ay mamaya pa kayong gabi?" gulat na tanong ko. Sinabihan ko kasi si Manang Fe na every six months ay dapat na may one week leave siya para mabisita niya ang asawa't anak nito. Pumayag naman si Manang Fe. Tatlong taon na dito sa'min si Manang Fe. Magaan ang loob ko sa kaniya, para ko na siyang second mother. Si Mom at Dad kasi, nasa ibang bansa para sa company doon.

"Aba'y siyempre nag-a-alala at na-miss na kita, Miss Taliya." nakangiting sagot ni Manang Fe. "Manang, Taliya na lang po eh." naka-pout kong sabi. Tumawa ito. "Oo na, Taliya." niyakap ko muna si Manang Fe. Tinapik-tapik naman ni Manang Fe ang likod ko.

"Nag-umagahan ka na ba, hija?" nakangiting tanong ni Manang Fe. Tumango ako. "Opo. Nga pala Manang, sorry wala pong ulam, nakainom po kasi ako kagabi kaya tinamad akong magluto tapos hindi ko po alam na ngayong umaga kayo uuwi, pero ipagluluto na lang po kita." paliwanag ko.

"Aba'y hindi na kailangan, hija. Ba't ka nga pala nag-inom? Sinong naghatid sa'yo? Wala pa ang driver mo, kaya paano kang naka-uwi? Ikaw talagang batang ka, baka mapano ka." malumanay ang pagkakasabi ni Manang at halata sa boses nito ang pag-a-alala.

Dahil sa sinabi ni Manang ay naalala ko si Gavin. Teka, paano niya ulit nalaman ang address ko? Tsk, malamang ay itinanong niya 'yon kay Naya.

Ano ba 'yan, nung nakuha niya ang susi ko, alam kong galing kay Taliya pero nung nalaman ang address ko, hindi ko man lang naisip na itinanong niya 'yon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Always YoursWhere stories live. Discover now