Chapter 16: Anguish

2.6K 10 1
                                    


Sassy P.O.V

Sa pagmulat nang aking mata naramdaman ko ang sakit sa buo kong katawan at nang maidilat ko ang aking mata napagtanto kong nasa hospital ako.
Teka paano ako nakapunta dito?
Bakit ako nandito?
Hindi ko mapigilang magtaka.

---FLASHBACK---

Ma'am ngayon lang 'to masarap akong magdala." sabi niya habang hinuhubad niya ang setbelt ko.Sinubukan niyang halikan ako sa aking mga labi pero nagpupumiglas ako.

"Tulong!" sigaw ko habang patuloy lang siya sa kanyang ginagawa,pinipilit niya pa rin akong gahasahin.
napapahiga ako sa ginawa niya sa upuan kaya naman tinipon ko ang lakas ko at buong pwersa ko siyang tinulak at naging matagumapay naman ako sa aking ginawa.

Dali-dali akong tumayo at tumakas,habang tumatakbo hinahawakan ko lang ang aking tiyan.Hindi naman nagtagal sa hindi pa kalayuan ay naabutan niya ako,Hindi ko maikakailang mas mabilis siya kaysa sa akin,Ngunit sinusubukan ko paring pigilan siya.

"Tulong!Tulong!."sigaw ko habang nagpupumiglas parin sa kanya.

Dahan dahan akong nanghina at nanlabo ang aking paningin,nakahandusay ako ngayon sa kalsada habang hindi parin tumitigil si Manong driver sa kanyang ginagawa.Narinig kong binuksan niya ang zipper niya at hanggang doon nalang ang aking namalayan.

---END OF FLASHBACK---

Naalala ko yung ginawa sa akin nang driver,dobleng pasakit na ngayon ang aking naramdaman.
Sakit na naranasan ko kay Craige at sakit na naramdaman ko ng maalala ko ang ginawa sa akin ng driver ng sinakyan kong taxi.

Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mata ko at naramdaman ko ring may mga likidong lumalabas dito.

Hindi ko mapigilang mapaluha because of what happen.
Narinig kong bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang lalaki.
Kaya pinahiran ko't pinipigilan ko ang aking pag iyak.

"Oh gising ka na pala." sabi niya sa'kin.
Hindi ko siya kilala.

"Pa..pa'no ako nakapunta dito?" kunot noo kong tanong ko sa kanya.

He *Smirked*

Wow ha?Sagot ba ang smirk sa tanong ko? Damn! Nice one!

Other Person P.O.V

Pauwi ako sa amin nang may nakita akong isang nakaparadang taxi,Sa hindi kalayuan nakita ko ang isang buntis na tumatakbong para bang may tinatakasan.
Nakita ko rin ang isang lalaking humahabol sa kanya.
Bakit niya ito hinahabol?
Pinarada ko muna ang aking sasakyan at dahan dahang lumabas dito,pinuntahan ko agad sila.

Sinubukan ko munang magtago sa gilid ng taxi,nakita kong nagpupumiglas ang babae at sumisigaw ng tulong.Habang tumatagal nakita kong nanghina ang babae na para bang nawalan ng malay.

Sa hindi kalayuan nakakita ako ng kahoy, dali-dali ko itong kinuha at dahan-dahang lumapit sa kanilang dalawa at pinukpok ko ng kahoy ang ulo ng lalaking pilit na ginagahasa ang babae,Dahilan kung bakit kumawala siya sa kanyang dating pwesto.
Nagulat siya sa aking ginawa,sinubukan niya pang pumulot ng bato ng  pinalo ko ang kanyang kamay nang dala kong kahoy at pinagsusuntok siya.

Ito rin ang dahilan kung bakit nailigtas ko ang babae,hinayaan kong mawalan ng malay sa gitna ng kalsada ang lalaki.

Tama lang iyan sa kanya dahil sa ginawa niya sa babae wala siyang modo.

Dinala ko ang babae sa hospital at  pina asikaso ko siya agad sa mga nurse.

Sa totoo lang wala akong balak mag duty ngayon dahil may pinuntahan ako,pero sa pag-uwi ko ito ang nadatnan ko sa daan.

The Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon