Chapter 30:Realize things

1.1K 5 0
                                        

SABRINA'S POV

Hindi namin inexpect ang mga pangyayari this past few weeks,grabe ang pagsubok namin ngayon.

"Bakit nangyayari sa amin ito?" tanong sa sarili ko,pilit ko mang pigilan ang pagbuhos ng luha sa aking mata ngunit patuloy lang ito sa pagbuhos.

Ngayon ang huling araw ni mom sa mundo,ngayon ang araw para sa huling sandali na mag kasama kami.

Yakap yakap ko ang litrato ni mom at hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa sakit at hindi ko matanggap na wala na siya.

Ilang araw ang makalipas naninibago pa rin ako sa mga pangyayari,hindi ko pa rin matanggap na wala na si Mom.

Tanging larawan na lamang niya ang ang natira at ang mga ala-ala naming magkakapamilya.

Kinuha ko ang family picture namin at tiningnan ito.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking luha.

"Ang saya saya mo dito mom." tangi kong nasabi habang pinapahiran ang luha sa mata.

"Hindi kita makakalimutan mom,salamat sa pag aalaga mo sa amin,salamat sa pagbibigay mo sa amin ng sapat na pangangailangan,napaka-blessing na naging parte ka ng buhay namin,Mom I will always love you forever,kahit wala ka na dito sa mundo,nandito ka pa rin sa puso ko,I love you mom!"
habang binabanggit ang mga katagang iyon ay hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng luha sa mata.

Lumabas na ako ng kwarto at kumuha ng pagkaing ere-ready para dalhin sa puntod ni mom.
Ngayon ay ang ika-40 days ni mom sa loob ng lupa mula noong inilibing namin siya.
Nandito kami ngayon sa may puntod niya at nag sisindi ng kandila.

Nandito si Craige at Dad,habang lumilipas ang panahon mas natatanggap na namin na wala na talaga si mom at mas narerealize namin na everything happens for a reason.

"Kumusta ka jan mom?" tanong ko sa puntod ni mom.

"Alam mo noong una hindi ko matanggap na wala ka na, hindi ko matanggap na ang pinaka best Mama in the world ay wala na." Naramdaman kong tutulo ang aking luha kaya pinigilan ko ito.

"Nais ko lang magpasalamat sa pagiging mabuting ina mo sa amin ni Craige, hindi mo kami pinabayaan,sana masaya ka ngayon kung saan ka man naroroon mom,lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin." hindi ko na napigilan ang pagiging emosyonal ko.

Sunod namam na nagbitaw ng salita ay sina Craige and Dad.
Pagkatapos ng iyakan ay tawanan naman,alangan naman puro nalang iyakan.
masaya kaming nag salo salo sa pagkaing dinala namin.

Pagkatapos naming kumain niligpit na namin ang aming mga gamit at bumalik na sa bahay.

Sa pagkawala ni mom isa lang ang na realize ko,Sa mundong ito walang Permanente, kahit buhay ng tao ay temporary.
Wala ring problema ang hindi masusolosyunan lahat ng problema ay pagsubok lamang sa isang tao para ma test ang kanyang sarili kung ano ang kanyang kayang gawin para sa pamilya at Sarili.


The Untold StoryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon