CHAPTER 5

11 0 0
                                    

Zeil

At our 3rd day, they asked our adviser and our Dean if its okay na sa ibang lugar naman kami mag-bonding. Pumayag naman si Dean. Kaya ngayon nasa van kami at papunta sa private resort nila Dern. Isa rin yun sa mga reasons kung bakit pumayag si Dean na mag-beach kami eh, classmate naming ang may-ari. Nasa limang van ata ang sinasakyan naming ngayon, service ng resort. According sa kanila dito kami hanggang Sunday. So bale 5 days kami dito.

I looked at my wrist watch.6 am pa lang naman pala. Sobrang aga pa.

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ni Asher. Isa siya sa mga nasa likod. Tatlo lang kasi ang upuan don guys. I'm sure you know naman yun eh.

"Medyo malapit na Ash. Bakit? "Sagot naman ni Dern. Syempre siya ang nakakaalam, kanila yun eh. Nasa tabi kasi siya ng driver.

"Nasusuka ako." Kalmadong sagot niya.

Pero kahit kalmado siya, lahat kami naalarma.

'Guys, sino may plastic.'

'M-Manong! Manong! Itigil mo una.'

'Guys, wag mag pa-panic!!'

'Kuya itabi niyo muna sa giliiiiiid!'

Sigaw na sila ng sigaw kaya pati si Manong nagpa-panic na at halatang kinakabahan na rin.

Hindi ko na napigilan yung sarili kong maki-alam. Pumunta ako sa likod ng van, nasa gitnang bahagi kasi ako ng van naka upo, at halos pumunta silang lahat sa harapan. Hindi ko alam kung para patigilin si Manong na patuloy pa ring nag d-drive o para hindi masukahan. Tinignan ko si Asher, kalmado siya pero mukhang nasusuka.

Pumunta ako sa pinakalikdo na perte ng van kung saan yung mga pagkain namin. Kinuha ko yung plastic ng mga finger foods na binili naming kanina. Tinanggal ko yung laman at umupo sa tabi ni Asher since nasa harap na yung mga katabi niya kanina, na nagsisigawan pa rin.

'Kuyaaaaa, itigil mo na!'

'Huwag niyo nama sigwan si manong!'

'OO Nga! Baka maatake si kuya madisgrasya pa tayo!'

Hindi ko mapigilang umirap, bago humarap sa katabi ko ngayon na any moment ay susuka na. Dali dali kong inabot sa kanya yung plastic at hinaplos-haplos yung likod niya.

"Okay ka lang ba?" Shit ang bobong tanong Zeil, kita mong parang mahihimatay na yung tao Tatango na sana siya, pero hindi na nangyari yun. Dahil tuluyan na siyang nagsuka.

"Shit." Bulong ko at kinuha yung wet wipes na nasa likod ng upuang nasa harap ko.

'Sumuka na syaaa!'

'Fuck. What to doooo??!' Wala. Wala kang kailangang gawin. Shuta ka.

'Man, are you ok?' Ikaw ok ka lang? Sana okay ka lang.

Halos lalaki yung mga kasama naming dito dahil mas marami naman talaga ang mga ka-klase naming lalake. Sampu lang kaming babae. Tatlo lang kaming babae rito, kami yung mga nasa gitna kanina. Ako, si Azyle at si Atrate. Tahimik yung dalawa at parang mahihimatay na. Ngayon lang ata nakakita ng nagsusuka. At Yes! Lalaki yung mga sumisigaw.

"Manahimik nga kayo!Wala naman kayong naitutulong! Para kayong mga bakla!! Kapag nadisgrasya tayo dahil sa ginagawa niyo kay Manong pagbubuhulin ko yang mga leeg niyo!!" Hindi ko na napigilang sumigaw.

Nagulat ako nang unti-unti silang humarap sa akin. Ang creepy. Mga nanlalaki pa ang mata.

"What?" taas kilay kong sabi sa kanila.Nagtaray na ako ng wala sa oras. Natatawa naman sina Atrate at Azyle. Hindi ko na lang sila pinansin at binalingan si Asher.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Do you know?Where stories live. Discover now