Sandata: Unang Pahina

1.2K 14 0
                                    

PAULINO JAIME VILLONES
(Past)

Naririto ako nakakulong sa aking silid.

Halos ilang oras na akong naririto at walang sawang umiiyak dahil sa aking pighating nararamdaman.

Hindi ko kayang lumabas ng aking kwarto, hindi ko nais makita na si Papa na siyang dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng hinagpis.

Nalaman kasi ni Papa ang lihim na relasyon namin ng anak ng kaniyang trabahador na si Mang Ben at Aling Tina na magsasaka sa aming taniman ng kape.

Nalaman niya na kasintahan ko si Leonardo.

Halos dalawang taon ang aming tagong relasyon ni Leonardo at ang tanging nakaka alam lamang nito ay ang matalik na kaibigan ni Leonardo na si Francisco.

Bukod kay Francisco ay wala ng iba. Kahit ang aming mga sariling magulang.

Alam namin ni Leonardo na hindi tama sa paningin ng iba ang aming relasyon, ngunit ito ang sinasabi ng aming mga puso.

Ang puso namin mismo ang nag desisyon para pasukin ang relasyong mali sa paningin ng nakararami.

Itinago namin ito at maingat na nagkikita para walang makakita at makasiguro na walang makaka alam sa namamahitan sa amin.

Ayaw kong mahuli kami ni Papa dahil tiyak akong magagalit siya ng lubos.

Dahil ako lamang ang nag iisa niyang anak na lalaki at umaasa siyang ako ang magdadala at magpapatuloy sa kaniyang apelido.

Ngunit heto, nalaman na nga ni Papa ang relasyon namin ni Leonardo.

Hindi ko alam kung papaano niya nalaman.

Pinilit rin niya akong aminin ang totoo at dahil sa pananakot ni Papa ay hindi ko na rin iyon naitanggi pa sa kaniya.

Mag asawang sampal ang natanggap ko mula kay Papa at sinamahan pa ng masasakit na salita.

Ikinulong na rin niya ako sa aming mansyon upang roon ay hindi na makalabas.

Alam kong may hindi magandang ginawa si Papa kay Leonardo at natatakot ako para sa kaniya.

Alas dos na ng madaling araw at wala pa rin akong tigil sa paghagulgol.

Ni hindi ko rin alintala ang gutom dahil sobra akong nakakaramdam ng takot para sa aking mahal.

Sana lamang ay maayos ang kaniyang lagay.

"Paulino ako ito, ang Mama mo" Ang tawag ni Mama sa aking labas ng silid at sinabayan pa niya ng mahinang katok.

"Anak hayaan mo akong makapasok riyan, gusto kitang makausap" Ang mahinahong sabi ni Mama sa akin.

Hindi ako nag dalawang isip na tumayo sa aking pagkakahiga at tinungo ang pintuan para aking mabuksan habang pinupunasan ang aking luha.

Nang mabuksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si Mama at bakas sa kaniyang mukha ang pag alalang nararamdaman.

"Pasok po kayo" Ang magalang kong sambit habang suminghot ng aking sipon.

Tinalikuran ko si Mama at tumungo sa aking bintana at mula rito ay tanaw ang labas ng aming tahanan.

Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.

Narinig ko naman ang yabag ni Mama na sumunod sa akin.

Naramdaman ko ang kaniyang maiinit na kamay na ipinatong sa aking likuran.

Muli ay hindi ko naiwasang ilabas ang mga luhang walang sawang lumalabas sa aking mga mata.

Ilang minuto kaming ganoon ni Mama. Kapwa walang imik at tanging paghikbi ko lamang ang maririnig.

Sandata (Short Story)Where stories live. Discover now