Sandata: Ika-apat na pahina

355 16 5
                                    

PS: Ang chapter po na ito ay may "Bed Scene." Kung ikaw po ay hindi sanay mag basa na may malalaswang kaganapan, paki skip na lang po. Salamat

PAULINO JAIME VILLONES

Naandito ako, naka upo sa aking kama habang naka pako ang titig sa bintana ng aking kwarto.

Alas dose na ng hating gabi at hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating ang mahal kong si Leonardo.

Sa tuwing pupuslit siya para makapasok dito sa aming tahanan ay umaakyat siya sa bakod ng aming bahay at pagkatapos ay su od naman niyang aakyatin ang puno ng mangga na magiging daan niya upang makapubta rito sa aking kwarto.

Ilang minuto pa akong nag antay.

Dadating ka ba mahal ko?

Hindi ako mapakali, paano kaya kung nahuli siyang pumupuslit papasok dito sa mansyon?

At pag kamalan pa siyang mangloloob dito?

Diyos ko, sana po ay hindi totoo ang aking mga naiisip.

Tatayo na sana ako sa aking kama para sumilip sa aking bintana ng biglang lumitaw mismo roon ang isang makisig na binata.

Halata sa mukha nito ang pagod dahil na rin siguro sa pag akyat.

"Leonardo!" Ang masayang bungad ko sa kaniya at lumapit para alalayang makapasok sa loob ng aking kwarto.

Pagkapasok niya ay agad niya akong niyakap at hinalikan sa noo.

Ang mga bisig at yakap na ito. Dito ko nararamdaman na protektado ako.

"Bakit napatagal ata ang iyong pag parito Mahal ko?" Ang tanong ko kay Leonardo.

Kinapitan nito ang magkabilang pisngi ko at saka ngumiti ng maluwag.

"Sapagkat nahirapan akong pumislit sa mga gwardiyang nagbabantay sa labas, mabuti na lang ay naisipan muna nilang mag libot sa paligid kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makapasok Mahal ko" Ang pagpapaliwanag ni Leonardo.

Buti na lang at hindi nahuli ng mga gwardiya nag babanatay si Leonardo.

Dahil panigurado na kung na huli siya ay mapaparusahan siya, lalo na ni Papa.

"Hindi ka ba nangulila sa akin Mahal ko?" Ang tanong ni Leonardo sa akin.

"Bawat segundo, minuto at oras na hindi kita kasama Mahal ko, ako'y nangungulila sayo" Ang sagot ko.

Muli siyang ngumiti.

Lumapit ang mukha ni Leonardo sa aking mukha.

Alam ko na ang ibig sabihin nito kaya naman kusa ng pumikit ang mga mata ko.

Makalipas ang ilang sandali, gaya ng inaasahan ay lumapat ang labi ni Leonardo sa aking labi.

Nang una ay masuyo at marahan ang paghalik niya sa akin na siyang tinugon ko rin sa ganong paraan.

Pero makalipas ang ilang segundo ay naging mainit na ang bawat halik na ibinibigay sa akin ni Leonardo.

Nadala na rin ako sa pamamaraan ng kaniyang pag halik kaya nakipag palitan na rin ako ng maalab na halik sa kaniya.

Unti-unti niya akong inalalayan patungo sa aking kama habang hindi napuputol ang nakakapasong halikan namin.

Hanggang sa naramdaman kong lumapat ang aking likuran sa aking kama at naramdaman ko rin ang bigat ni Leonardo sa aking ibabaw.

Pinutol namin sandali ang halikan namin at kapwa nag habol ng hininga habang ang mga mata namin ay nakatitig sa isa't-isa.

"Maari ba tayong magisa Mahal ko?" Ang tanong ni Leonardo sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sandata (Short Story)Where stories live. Discover now