Sandata: Ika-dalawang Pahina

439 10 0
                                    

Third Person's POV
(Past)

"Lulubog na ang barko!" Ang hiyaw ng isa sa mga tao sa paligid.

Imibis na gaya ng mga taong nagpapanik sa loob ng papalubog ng barko, makikita mo rito ang isang binata na naka upo na tila ba'y walang kapahamakan na magaganap.

Sa kabila ng mga taong nagkaka gulo, hiyawan at iyakan, kinuha ng binata ang isang porselas na may iba't-ibang bids na kulay pula.

Tinitigan ng mabuti ng binata ang bagay na nasa kaniyang kamay at saka ngumiti ng matamis.

"Paparating na ako mahal ko" Ang sabi nito habang tinitignan ang porselas na animo'y ito ang pinakamagandang bagay sa mundo.

Nagpatuloy pa rin ang pagkakagulo at hiyawan ng mga tao sa paligid pero hindi ito inalintala ng binata.

Para bang hinihintay lang nito ang kaniyang pag panaw.

"Magkakasama na tayong muli mahal kong Leonardo" Ang sabi nito ang inakap ang porselas.

Ilang minuto ang lumipas ay tuluyan na ngang nilamon ng malamig na tubig ang lumulubog na barko.

Kasama sa nilamon ng tubig ang binatang si Paulino.

----------*****----------

PAUL JAMES DELA CRUZ

"AHHH!" Ang hiyaw ko at napa balikwas sa kama ko.

Panaginip na naman. O mas magandang sabihin na bangungot.

Tinignan ko ang oras sa aking cellphone.

Alas-tres pa lang ng madaling araw.

At eto na naman ang ekasaktong oras na dinadalaw ako ng masamang panaginip na iyon.

Napakapit na lang ako sa aking dibdib at nag habol ng hininga na para bang nalunod nga ako gaya ng sa napanaginipan ko.

Ang panaginip na iyon ay paulit-ulit na rin akong ginugulo.

Sa panaginip na yon ay pinapakita na nalulunod daw ako pero ang ipinagtataka ko ay bakit parang hinayaan ko lang ang sarili kong malunod sa lumulubog na barko.

Bukod sa panaginip na yon na pagkamatay ko ay isa ring panaganip ang gumugulo din sa akin.

Ang pagkamatay ng lalaking hindi ko maaninag ang mukha na nag ngangalang Leonardo.

Sa panaginip naman na yon ay may taong nasa kandungan ko at namatay.

At ang tanging malinaw lang sa panaginip na iyon ay, karelasyon ko ang Leonardo na iyon dahil tinatawag ko siyang 'Mahal ko.'

At kung sino man ang Leonardo na yan ay hindi ko siya kilala.

Jusko po puro tungkol na lang puro sa pagkamatay ang napapanaginipan ko.

Ano kayang ibig sabihin non?

"ANAK ANONG NAGYAYARE?!" Ang hiyaw ni Nanay habang malakas na kinakatok ang pintuan ng kwarto ko.

Malamang narinig na naman niya ang pag sigaw ko kaya ayan nag hihisterikal na naman.

Tumayo na ako at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.

"ANAK DIYOS KO PO! ANONG NANGYAYARE? MAY MAGNANAKAW BA NA NAKAPASOK DITO SA KWARTO MO? MAY SUNOG BA? ANO ANAK MAG SALITA KA ANONG NANGYARE? NASA KAPAHAMAKAN BA ANG BUHAY NATIN? SAGUTIN MO AKO ANAK!" Ang ratsada ni Nanay.

Napakamot na lang ako sa sintido ko dahil sa pinagsasabi ni Nanay.

"Nay kalma okay? Sabi ko at nag gesture na pinapatigil siya sa pagiging OA niya.

Sandata (Short Story)Where stories live. Discover now