Chapter 2- Unprecedented (1)

47 4 0
                                    


Kelly's POV

Nasaan na ko? Langit na ba to?

Bakit ibang tao na yung nakikita ko?

"Celine you're awake!" Sabi yung matandang babae saakin at mukhang alalang alala siya saakin. Wait sino ba mga to?

Dinilat ko ng maaigi yung mga mata ko para maliwanagan ako sa mga nakikita ko.

"Ahh. Nasa hospital lang pala ako..." Pero sino ba sila?

"Celine are you okay now?" Bakit tawag siya ng tawag ng celine saakin?

"Mukhang nagkakamali po ata kayo ng pinuntahan na tao." Sabi ko doon sa matandang babae at bumangon ako sa kama. Nasaan sila papa? bat sila yung hindi ko nakikita?

"What happened to you?! Di mo ba ko maalala anak?!" Nagulat ako sa pag sigaw yung matandang babae. Di maalala? E di ko nga siya kilala.

"Oo nga ma'am celine. Ako po ito yung katulong niyo!" Sagot naman yung isang babaeng dalaga na kasama niya. Nababaliw na ba sila?

"Ako ito... Ang mom mo!" Mom? Tinitigan ko siya ng maiigi. Di naman niya kamukha si mama.

"Wait nagka-" Biglang pumasok yung doctor

"Doc! Anong nangyayare sa anak ko?!" Sabi yung matandang babae na nanay ko DAW.

Ang creepy ng mga tao dito! Kailangan kong umalis dito! Tinanggal ko ung mga nakakabit saakin at umalis ako sa kama.

"Maam! Saan kayo pupunta?!" Tanong ng dalagang babae. Patuloy lang ako naglakad para makalabas sa kuwarto agad.

"Celine Anak! Ano bang nangyare sayo?!" Pigil saakin yung matandang babae. Bakit ako yung tinatanong nila ng ganyan? E sila nga yung weird.

"Di po ako si celine, kelly ho pangalan ko. At patay na ho nanay ko. Nagkamali po kayo ng napagkamalan." Lumapit ako sa Doctor. "Doc, di ko sila kilala! Nasaan yung totoo kong pamilya? Si papa, kuya lance, kuya gab at yung kaibigan ko ho si zoe?! Bakit sila yung nandito!" At pinipilit ko na sagutin ako yung doctor sa tanong ko.

"Please Bumalik muna kayo sa kama niyo Miss Celine."

"Ilang beses ko ba sasabihin sainyo! Di ako si celine!" Bakit ba ang kulit nila! Lumapit saakin ung matandang babae.

"Ha? Ano? Ikaw si celine at Ako to, Ang mom mo!" Sigaw niya. Tinanggal ko yung pagkakahawak niya saakin sa braso at nagpatuloy na maglakad.

Wait... Ano to?!

"AAAAAAAA! BABAKIT! BAKIT ANG HABA NG BUHOK KOOOO?!!" Napahawak ako sa buhok ng makita ko yung sarili ko sa salamin. Anong taon na ba?! Bakit ganto kabilis humaba yung buhok ko! "Nasaan yung pamilya ko?!"

"Celine!" At umiiyak na yung matandang babae sa harapan ko.

"Miss Celine kumalma muna kayo." Sabi yung doctor at lumapit saakin.

"PAANO HO AKO KAKALMA? HA?! SABIHIN NIYO SAAKIN! PAANO?!" Sabi ko doon sa doctor. Paano ako kakalma sa gantong sitwasyon?!

"Miss--"

"Ang weird..." Ano bang nangyayare?! Di ko maintindihan!!! Nanaginip ba ko?! Pinagsasampal ko yung sarili ko para magising ako at masakit nga. Nararamdaman ko yung sampal ko!

"Celine please stop it!" Pigil saakin yung matandang babae.

Hindi kailangan ko makalabas dito! Kailangan ko hanapin sila papa!

Nag piglas ako sa pagkakahawak saakin yung matandang babae at tumabok palabas ng pinto.

At pag bukas ko ng pinto.

"Ruru?..."

Bakit nasa harapan ko si ruru?

---------------------------------------------------------------
🌸🌸🌸

Unprecedented LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon