Chapter 4- Unprecedented Love

17 2 0
                                    


Kelly POV.

Bakit bigla niya akong niyakap...

Biglang may lumapit na doctor saamin at may hawak na injection. WAIT INJECTION?!

"AAAAA BITAWAN MO KO KUYAAA!" Pumipiglas ako sa pagkayakap saakin yung kamukha ni ruru pero na injectionan parin ako.

"Palayain niyuiopasdgghjk---"

Uting uting nandilim na yung paningin ko.

---

Ang sakit ng ulo ko...

Nimulat ko agad ang mga mata ko dahil alam kong panaginip lang.

"Papa!--- Ha? Bakit nandito parin ako?!" Napabangon bilgla ako sa kama. Bakit di ko magalaw yung kamay at paa ko? Pagtingin ko nakatali ako sa kama.

"Bakit ako nakatali?!" Pagtingin ko sa side. Nandoon yung kamukha ni ruru at nagbabasa lang siya.

"Kuya ano ba talaga kailangan niyo saakin? Bakit kailangan pa umabot sa ganto?! Pera ba? Wala ako yon!" Nanaginip ba talaga ako? Bakit totoong totoo yung mga pangyayari saakin ngayon?!

Di parin siya sumasagot sa mga tanong ko. "Gusto ko nang umuwi! Pakawalan niyo na ko dito!" Umiiyak ko nang sinasabi sakaniya.

"Di ka uuwi pag di ka pa tumigil dyan." Ano ako bata?! At napatulala na lang ako sa nagyayari saakin.

Ilang oras na ko tulala dito at nagbabasa parin tong ugok na to. Sobrang sakit na yung kamay ko dahil sobrang higpit ng pagkakatali nila saakin.

Biglang tumunog ung tiyan ko ng wala sa oras. Bigla kami nagkatiningan yung kamukha ni ruru.

"Bibili lang ako ng pagkain." Tumayo siya bigla at lumabas na.

"Nasaan ba talaga ako?! Pinamigay ba ko nila papa? Ano bang nangyayare!" Pinipilit kong matanggal yung tali sa kamay ko pero di ko parin matanggal dahil sa higpit nito. At natulala na naman ako.

Ilang minuto nang lumipas bumalik na yung kamukha ni ruru.

Inangat niya yung desk sa gilid ng kama at saka pinatong yung pagkain sa harapan ko. Gusto ko man kumain pero nakakawalang gana huhu!

"Nga pala." Tumingin ako sakaniya "Si Auntie umuwi lang saglit dahil may inasikaso lang." Tinutukoy ba niya yung matandang babae kanina? Sabay umupo siya sa harapan ko. Grabe kamukhang kamukha niya talaga si ruru.

"Ano gusto mong unang kainin dito"

"Tanggalin mo na lang tong tali ko." Pagmamakaawa ko sakaniya.

"No, baka tumakas ka na naman." Sabay niya sinubo yung pagkain saakin.

Panaginip ba to? Lumelevel up na e. Parang totoo na talaga...

"Talaga bang ako pinagkakamalan niyo na ako si celine? Ganto kase yan, nakatira ako sa province... At kelly ang pangala---"

"Pwede ba kumain ka lang?" Di talaga nila ako pinapakinggan.

Paano ako naging celine? Sobrang kamukha ko ba talaga siya? Panaginip ba to? Ilang beses ko na tinry matulog tapos pinatulog pa ako yung Doctor kanina, nandito parin ako.

Ang dami ko nang tinanong sakaniya at di parin siya sumasagot sa lahat ng tanong ko. Patuloy lang siya sa pagsubo ng pagkain saakin.

"Last na to." Tumigil siya at tumingin siya saakin. Shocks, natulala ako sa titig niya. Kambal ba siya ni ruru? Bakit siya nandito? Aish! Daming tumatakbo sa isip ko ngayon! Inalog- alog ko yung ulo ko para maka focus.

"Ano yun?" Seryoso niyang sinabi.

"Kung sinasabi yung isang matandang babae na mama ko daw siya. Bakit ka nandito? I mean ka ano ano ka ni celine? O a--"

"Fiance mo ko." HA?

Nibuga ko yung kinain ko sakaniya ng masabi niya iyon. Paano ko siya naging fiance?! Mukhang panaginip talaga to e! Impossible maging fiance ko ang kamukha ni ruru!

"Sor--"

"Celine!" Napatingin kaming dalawa ng may magsalita sa pinto.

Sino naman to? Lumapit siya saamin.

"Celine, what are you doing?! Umayos ka nga." Kumuha siya ng tissue sa table at pinunasan niya yung mukha ni Jayrum. Bakit siya yung galit na galit? Di naman siya yung binugahan ko sa mukha.

"Are you okay?" Sabi yung babae. Patuloy lang siya pag punas pero bigla siyang pinigilan ni Jayrum.

"Excuse me." Sabi ni Jayrum. Tumayo na to at naglakad papuntang pinto.

"Jayrum wait! We need to talk." Sabi yung babae at sumunod ito kay Jayrum.

Ano bang nangyayari? Di ko maintindihan.

.

.

.

"Parang may mali." Tumingin silang dalawa saakin.

------------------------------------------------------------
🌸🌸🌸

Please use the internet to view photos while reading.

Unprecedented LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon