Alliona #6

93 11 0
                                    

Alliona Lein Collins

Nakatingin lang ako sa likuran niya sa pag aakalang lilingunin niya pa ako pero hanggang sa tuluyan siyang umalis wala akong natanggap na kahit gaano.

Napalunok ako. Pakiramdam ko nanlambot ang tuhod ko.

"Hayaan mo muna 'yung bugok kong Kuya. He's tired lang talaga." Napatingin ako kay Diana ng sabihin niya 'yon.

"Ako na lang mag o-order ng Milktea, what flavor do you want?" Nakangiting tanong niya sa'kin.

"Kahit ano na lang." Pilit na ngiting sabi ko.

"All right, upo ka muna diyan hinatayin mo'ko." I nodded at humanap ng upuan siya naman ay pumunta na sa counter.

Hays, bakit ko ba nararamdaman 'to? Bakit sobrang lungkot ko at biglang kumirot 'yung puso ko kanina.

"Hey." Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Diana na nakangiti sa'kin.

"Nag pasama lang talaga ako kay Dustin dito kahit alam ko na pagod siya para naman makapag chill chill din kasi nitong mga nakaraan kasi wala siyang ibang ginawa kundi intindihin ang trabaho ni Dad siya kasi muna amg nag asikaso no'n since nag kasakit si Dad eh." Umupo siya sa harapan ko. Hindi naman ako naka-imik at deretsoang na napatingin sa kan'ya. Ang ganda niya at may pag kakahawig sila ni Dustin, bakit ba hindi ko 'yon napansin agad.

"Gano'n lang talaga si Dustin kapag pagod, haayaan muna natin makapag chill." She said and smiled, napangiti at napatango na lang din ako.

"Sorry pala natarayan kita kanina ah." I said and smiled at her awkwardly.

"Haha no worries. Kahit siguro ako kapag nakita kong may kasamang babae ang boyfriend ko gano'n ang magiging reaksyon ko." Natigilan ako at napatitig sa kan'ya dahil sa sinabi niya.

Shocks, did she mention the word 'Boyfriend?' ang alam niya ba talaga girlfriend ako ni Dustin? Gosh but how? Nanlaki ang mata ko dahil sa naalala ko kaninang sinabi niya, lagi akong kinu-kwento ni Dustin sa kanya?

Napalunok ako, gusto niya pa rin kaya ako?

"Maganda ka pala talaga katulad nung mga kwento niga sa'kin pati ng naririnig ko palagi kay Ate Kyline." Natauhan ako ng marinig ko siyang mag salita. Napangiti na lang ako at nag iwas ng tingin.

"Ilang taon ka na pala?" Biglang tanong ko.

"Matanda lang si kuya ng dalawang taon sa'kin, he's 17 and I'm 15." Nakangiting sagot niya at dahil don natigilan ako.

Mas matanda ako ng isnag taon kay Dustin?! Gosh, totoo ba? Bakit ngayon ko lang nalaman?

"R-really? Hindi halata na 15 ka lang, you look 18 because of your looks." Nasabi ko na lang dahil totoo naman.

Kinuha ko ang cellphone ko sa hand bag ko at agad na itinext si Kyline.

Ako:
You didn't tell me, mas matanda pala ako ng isang taon kay Dustin?!

Kylinetot<3
I told you, wala ka lang talagang paki noon.

Wait, why?

Hindi na ako nag reply pa at nangatngat ko na lang ang kuko ko habang nakatingin kung saan. Gano'n pala ako ka walang paki sa kaniya noon, talagang hindi ko pinapansin ang kahit anong marinig ko na may kinalaman sa kan'ya.

"Are you okay?" Mabilis akong napatingin kay Diana at tumango. Huminga ako ng malalim at umakto na parang normal lang.

"Gaano katagal na pala kayo ni Kuya?" Natigilan ako dahil sa tanong niyang 'yon. Nasabi ko mga rin pala kanina na ako ang girlfriend ng kuya niya, sinabi 'yon ni Dustin pero lalo ko pang pinatunayan na totoo ang sinabi niya.

DEAR DIARY: SANA ALL! ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon