EpilogueKinuha ko ang susi ng kotse ko ng matapos akong mag make-up pati na rin ang bag ko bago ako lumabas ng kwarto.
S'yempre when Mama says she will get my own license, totoo 'yon kaya naman I can drive my own na.
Tumaas agad ang kilay ko ng si Dustin ang bumungad sa'kin pag ka baba ko. Ang totoo n'yan wala kaming pasok dahil sabado.
"Ang aga mo ah."
"Good morning, Aleng." Ngiting ngiting bati niya sa'kin.
"Good morning." Tipid kong ngiti at nilampasan siya, nag lakad ako papuntang kusina.
Kaya ang aga ng isang 'to dahil sinabi kong ipag d-drive ko s'ya--pero sabagay kahit naman hindi lagi siyang maaga.
"Good morning, Dy." Bati ko kay Dad ng maabutan ko siya.
"Good morning, kain na." I nodded then I sat in front of Dad.
"Nand'yan ang boyfriend mo ah." Kumunot ang noo dahil sa sinabi ni Dad, tumingin ako sa kaniya at napangiwi siya.
"Dad, 'di ko pa boyfriend si Dustin."
"Oh? Magiging pa lang?" I cleared my throat.
"Opo." I Chuckled.
"Ilang buwan mo ng mang liligaw si Dustin?"
"Dalawa po? Mag tatatlo?" Hindi rin sigurado kong sagot.
"Oh sounds like you're not sure?" I nodded.
"Alangan naman na bilangin ko pa Dad? Basta I'm happy with him po." I smiled widely.
"Good to hear that. I'm happy for you Princess." Ngiting ngiti akong tumango, first time ulit akong tawagin ni Dad na princess.
"Thanks, Dad."
"Just always remember, pag nag mahal hindi lang puro saya at kilig." Napanguso ako pero tumango rin.
"Yes, Dad."
"Heart to Heart talk kayong mag ama ah?" Tumingin ako kay Mama ng marinig ko ag boses niya. Pumasok soya sa kusina at kasunod si Dustin.
Oo nga pala at iniwan ko siya kanina sa salas.
"Kumain ka na Dustin." Mom said.
"Kumain na po ako, Ma." Nag hila siya ng upuan at tumabi sa'kin.
Simula ng makilala siya ni mama bilang manliligaw ko, Mama at Dady na ang tawag niya sa magulang ko kahit sa totoo lang parang takot siya kay Dad hahaha.
"Edi kumain ka ulit." Sabi sa kaniya ni Dady.
"Opo hehe, kayo po ba kumain na?"
Kinuha ko ang plato at nag sandok na ng pagkain ko, hinayaan ko na lang siyang makipag usap kanila Mama.
"Kung sino man ang mag mamaneho sa inyong dalawa, mag ingat kayo ha." Natigilan ako sa pag nguya at napatingin kay Dustin na nakatingin na pala sa'kin.
"Opo." Siya ang sumagot.
Nag pekeng ngiti nama ako at tumango rin.
Nag toothbrush na ako ng matapos akong kumain. Pagkatapos no'n ay napag desiyunan namin ni Dustin na umalis na.
Lumabas na kami ng bahay pero natigil kami sapag lalakad ng makasalubong namin si Kyline at Alvis.
"Bibi." Ani Alvis at niyakap agad ako.
Tsk kahit papaano na-miss ko siya. Halos isang linggo rin siyang hindi pumunta rito aa bahay, palibhasa may girlfriend na, hindi man nila sabihin alam kong sila na.
BINABASA MO ANG
DEAR DIARY: SANA ALL! ✔️
Teen FictionSANA ALL! - Alliona She's Alliona Lein Collins and she loves saying SANA ALL. Dear Diary: SANA ALL! Date Started: October 29 2019 Date Finished: July 15 2021 Book cover is not mine credits to the rightful owner. #KwentongKalandian