Nakauwi na si Ali sa kanilang bahay. Galing siya sa kanyang trabaho.
Madel: O, anak! Kamusta?
Ali: Okay naman po, nay. Maayos naman po yung trabaho, at mababait naman po yung mga katrabaho ko.
Madel: Mabuti naman kung ganon. O, kumain ka na ba?
Ali: Hindi pa po nay. May niluto ka ba po ngayon?
Madel: Oo, andun sa mesa.
Tinignan ni Ali yung mesa.
Ali: Nay, wala namang pagkain?
Madel: Huh? Anong wala? Eh meron akong nilutong pritong isda kanina ah.
Hanggang may naalala si Madel.
Madel: Ay, oo nga pala. Pasensya na anak. Naipamigay ko na pala sa kapitbahay.
Ali: Sinong kapitbahay nay? Huwag niyong sabihing si ano na naman..
Madel: Oo, siya anak.
Ali: Ay, pinamigay niyo na naman kay Jonathan.
Madel: Eh, anak. Pumunta siya kanina ditto para ibalik yung kalderong pinaglagyan ng pagkain na binigay ko sa kanya nung isang araw. Tapos, nabihag na naman ako sa kanyang kagwapuhan. yun tuloy, binigyan ko ulit siya ng pagkain. Ang gwapo niya talaga anak.
Ali: Ay, naku nay. Okay lang naman ang magbigay pero sana wag sobra sobra.
Madel: Pasensya na talaga anak. Promise, last na yun. Mukha kasi talaga siyang artista eh. Graabbbeee.
Ali: Okay lang naman na bigyan niyo siya nay, pero wag lang lagi ah.
Madel: Oo, sige , sige. Ay, may naalala pala ako. Yung ulam kaninang tanghali, may natira pa.
Ali: Sige nay, yun nalang kakainin ko.
Pagkatapos kumain ni Ali, natulog na siya.
Kinabukasan...... pumasok na si Ali sa Googal Company. Pangalawang araw na niya Ito sa kanyang pinapasukang trabaho
Ali: Goodmorning Yuri.
Yuri: Good morning te. Ay naku! Te, wala ka bang bonggang damit? Kahapon mukha kang magsasaka, ngayon naman, mangingisda. Hay, pasensya na at hindi muna kita mabibigyan ng bonggang makeover ah. Alam mo naman, wala pang sweldo. Gipit pa ako ngayon eh.
Ali: Okay lang yung Yuri. Tyaka, ayos naman na sa akin itong damit ko eh. Good morning Sunny.
Sunny: Hello
Ali: Goodmorning Buday
Buday: Anong good sa morning? (nagtaas ng kilay)
Umupo na si Ali sa kanyang pwesto (sa tabi ni Buday)
Buday: O, anong inuupo upo mo diyan? Bakit wala kang ginagawa?
Ali: Uhm, ano ba pong gagawin?
Buday: Dapat, alam mo yan
Ali: Wala ka pa pong sinasabi e
Buday: Hay, naku. O, ito. Gumawa ka ng article tungkol sa picture na ito. Seryosohin mo ito kahit training palang ito ah. Kung hindi, lagot ka talaga sakin.
Ali: Opo.
Pagkatapos ng isang oras, pumasok sa room nila ang kanilang boss.
Boss: Good Morning everyone
Lahat: Good morning po.
Boss: May good news ako sa inyo.
Yuri: Madam, ano iyon? May fashion show ba tayo?
BINABASA MO ANG
My Destiny's In A Fairytale Island?!
Teen FictionAng buhay daw ay isang fairytale- "laging may happy ending". At sa mga fairytales, napakahalaga ng salitang "Destiny". Ayon sa mga ito, ang pag-ibig ay hindi basta basta. Hindi ito sayo dadating ng mabilisan, pero kapag nahanap mo na ito, hindi na...