Chapter 6 -First Day At Work

136 6 0
                                    

Chapter 6

First day ni Ali ngayon sa kanyang trabaho. Ang kanyang trabaho ay isang writer sa isang maliit na kumpanya na gumagawa ng mga newspaper.

Ali: "Googal Newspaper Company" (binabasa niya ang pangalan ng company na nakalagay sa entrance door)

Ali: Hindi rin pala kalakihan itong kumpanya noh. Pero okay lang, atleast nakapasok ako.

Guard: Aheem, ahem. Sino ka?

Pinakita ni Ali ang kanyang ID at ang "letter" na binigay sa kanya na nagsasabing tanggap siya sa trabaho.

Guard: Ahhhh...

Ali: Pwede na po akong pumasok?

Guard: Ahahahahahaha!!!

Ali: Bakit po? May problema ba po?

Guard: WALA. Sige pumasok ka na nga!

Habang naglalakad si Ali papasok, kung anu-ano ang naiisip niya. Una, nasusungitan at nawi-weirdohan siya sa Guard. Pangalawa, kinikilabutan siya habang naglalakad dahil parang horror house ang kumpanya. Parang lumang-luma lahat ng mga gamit.

Boss: Good morning. May kailangan po kayo?

Ali: Opo. Ako po si Aliyana Graciela Veronica Puripicasion. Ito po, pinadalhan ako ng sulat kahapon na nagsasabing tanggap daw po ako ditto.

Boss: Oh, ikaw pala si Ayana Graciela Casyon.

Ali: Ay, Aliyana Graciela Veronica Puripicasion po. Kahit Ali nalang po ang itawag niyo sakin.

Boss: Okay, Ali. So, welcome sa Googal Company.

Ali: Salamat po.

Boss: Halika, papakilala kita sa mga iba pang empleyado ditto at sasamahan na rin kita sa desk mo.

Ali: Talaga po? May sarili akong desk? Sariling mesa kung saan pwede kong designan at sakin lang po talaga yun?

Boss: Oo, sayong sayo. Pero syempre, kapag wala ka na sa kumpanyang ito, hindi na sayo yun.

Ali: Haha, opo. Sorry po. Naeexcite lang po ako.

Boss: Excited much lang te? Halika ka na nga.

Nakarating na sila sa room. Sa loob ng room...

Yuri: Sino siya Madam?

Buday: Yeah, who's that pokemon?

Boss: Excuse me mga kababayan. Ito si Ali. Siya ang bago nating empleyado ditto.

Tumingin si Boss kay Ali

Boss: Ali, ito ang room mo. At sila ang iyong mga ka-office mates. Bale, 4 na  kayo sa room na ito. Siya si Yuri.

Yuri: Hellowish Ali. Hay te, buti nalang andito ka. Kasi, kailangan mo ng bonggang makeover. Tignan mo nga yang suot mo, parang magsasaka. Huwag kang mag-alala, pag tungkol sa pagpapaganda, si Yuri ata ang expert diyan!

Boss: Siya naman si Buday.

Buday: Hello! Anubayan, ang dami na nga naming ditto, may dadagdag pa.

Boss: Buday? tumigil ka nga. At, ito naman si  Sunny.

Sunny: H.e.l.l.o.

Ali: Hello sa inyong lahat. Kinagagalak ko kayong makilala.

Boss: Okay , Ali. Sa kumpanyang ito, may 3 rooms ditto. Kada room, may kanya kanyang ginagawa. Sa kabilang room,  ang ginagawa nila diyan, Publishing and Printing. Yung isa naman, in-charge sila sa photography.  Dito sa room niyo, ang ginagawa niyo naman ay Writing. So, in-charge kayo sa pagsusulat ng articles. Okay?

Ali: Opo.

Boss: Okay. Kailangan ko nang umalis. Marami pa akong gagawin. Ay wait, ito nga pala ang desk mo.

Ali: Ito po ang desk ko? Wow!

Buday: Sus, para naman ngayon ka lang nakakita at nakahwak ng desk noh.

Boss: Ay, itong katabi mong si Buday, siya muna ang magtre-train sayo.

Buday: Ako? Bakit ako?! Madam naman oh! Pwede naming si Sunny or Yuri ah!

Boss: No, ikaw na.

Buday: Eh, anu ba yan.

Boss: Ali, halika sandali.

May binulong si Boss kay Ali

Boss: Iiwan muna kita kay Buday ah. Pagpasensyahan mo na yan kasi medyo masungit yan. Pero sa kanilang tatlo,siya kasi ang pinakamagaling at responsible. Si Yuri kasi, puro pagpapaganda lang ang alam niyan. Kung itatabi kita sa kanya, sigurado, wala kayong matatapos.Si Sunny naman, matalino din yan. Kaso, hindi yan nagsasalita. Masyadong mahiyain. Kabaliktaran siya ng pangalan niya. haha. Kaya, kay Buday ka muna ah.

Ali: Opo, wala pong problema.

Boss: O sige, mauuna na ako. Buday! Ikaw na bahala kay Ali ah. Iintroduce mo sa kanya lahat ng rules ditto.

Buday: Fine, fine.

Boss: Okay bye!

Ali: Bye po! Salamat po ulit!

Umalis na si Boss.

My Destiny's In A Fairytale Island?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon