Present day
Kiel's (POV)
Madulas ang daan dahil sa katatapos na pag-ulan pero wala kaming pakialam magkaibigan. Sige ang takbo namin hanggang matanawan ko ang eskinita .
"Argel! Dito tayo!" hiyaw ko sa aking kasama kasabay ng paghatak sa braso nito.
"hoy!!"
"Tang-ina! Habulin niyo!!!!" nadinig kong pagsigaw ng mga tumutugis sa amin.
Lumingon ako pansumandali.
Ang pangit talaga ng puta!
Ngingisi-ngisi akong kumaripas ng takbo .
"bilisan mo!! " hiyaw ko sa kaibigan.
Kahit kelan talaga napakabagal nito.
Nakailang liko din kami at karipas ng takbo bago namin nailigaw ang mga humahabol. Huminto lamang kami para palalmahin ang kanya-kanyang hininga.
"ano na naman bang ginawa mo?!" Humihingal na pagsita ng aking kaharap.
Umiling-iling ako motioning him to stop questioning habang habol ang aking hininga.
"di' ba sabi ko naman sayo' wag' na wag' ka ng dadayo duon?? Alam mo namang mainit sayo yung gunggong na yun eh"
I sighed at tuluyang sumandal sa pader.
"n-nabored ako eh" usal ko na alam kong ikaiinis niya.
"ano??? Namputcha!" inis na singhal nito at kapagdaka'y nayayamot itong nagkamot ng ulo.
Imbes na makunsensiya ay napangiti na lamang ako dahil alam kong sa kabila ng pagkainis nito ay mas lamang duon ang pag-aalala.
Kungsabagay hindi ko naman siya masisisi, ilang beses na nga ba naman nalagay sa alanganin ang buhay ko dahil sa padalos-dalos na desisyon.
Eh anong magagawa ko kung gulo ang lumalapit sa akin.
Hindi naman talaga ako ang nag-uumpisa, alaga lang siguro akong pagtripan ng mga gunggong na iyon. Kadalasan ang dahilan nayayabangan sila sa asta ko, aba.. kasalanan ko bang ganito kalakas ang personality ko na kahit wala akong ginagawa sa kanila ay nakukuha nilang mairita.
Walang ginagawa?
Sita ng isang bahagi ko.
Babae Kiel... babae ang dahilan baka nakakalimutan mo..
Napangisi ako. Aba wala akong kasalanan... wala talaga.
"Kiel naman----"
"di' naman pag-aari ni Argos ang pasugalan para pati duon ay ma-ban ako " pagputol ko sa muli nitong paghihimutok.
"oo nga pero alam mong tambayan nila iyon.at alam mong hindi pa rin nakakamove on ang isang iyon sa pagsulot mo sa mga babae niya,, gago ka!"
Ngumisi ako ng nakakaloko " Hindi ko na kasalanan kung ipagpalit siya ng mga chickas niya! Sa baho ba naman ng hininga at lakas ng putok niya.. kahit sinong babae eh lalayasan siya"
"siraulo ka talaga!"
"oh bakit totoo naman ah di-----. " napangiwi ako at hindi naituloy ang sasabihin ng dagliang kumirot ang ibabang bahagi ng aking katawan.
Yumuko ako, iniangat ang aking damit at tiningnan ang ibabang bahagi na iyon.
Puta! Nahagip pala ako kanina?
"o hayan gago! may tama ka!" my friend exclaimed. Akma nitong hahawakan ang aking sugat ng pinalis ko ang kamay nito at ibinaba ang laylayan ng aking damit.
BINABASA MO ANG
Take RISK
RomanceSimple lang ang nais na buhay ni Sil. Ang mai-angat sa hirap ang kanyang pamilya. Maipagamot ang lolo niyang may sakit at maitaguyod sa pag-aaral ang nag-iisang niyang kapatid. Pero tila sinuwerte siya dahil higit pa sa simpleng pamumuhay ang nakata...